Chapter 28

315 9 59
                                    

Unedited, bulok na ud, enjoy!

Third Pov.

Hindi na naka tanggi sila Rex at Sky sa alok ni Nicole na mananghalian sa apartment ni Deyn. Kahit walang matinong dining table gumawa ng paraan si Nicole para may maayos silang makakainan.

Pinag dugtong niya ang dalawang monoblock tables. At binalutan ng tela saka hinain ang mga pagkaing niluto niya. Inilagay niya sa gitna ng table ang mga bulaklak na dala ng dalawang lalaki. She also served sliced fruits mula ulit sa dala ng dalawang lalaki.

Nag handa na silang umupo. magkatabi si Rex at Sky samantalang nasa harap naman nila si Deyn at Nicole.

Nicole is too ecstatic witnessing Deyn's life getting exciting.It's still hard to believe na natututo na itong tumanggap ng mga bagong kaibigan at nawala yung pagiging mailap na magbigay ng emosyon. At ang pinakaikinatutuwa niya sa mga naging pagbabago ng anak-anakan is that she's unaware that she's slowly turning into a woman dalaga na siya hindi na siya yung dating tulo sipon.

"Kain na guys." nakangiting alok niya sa tatlong kasama sa mesa.

Sumandok si Sky ng ulam at walang pasabing nilagay sa plato ni Deyn. He scooped rice and put it again on her plate. When he's done, noon niya lamang napansin ang nagtatanong na mga mukha ng kasama. He was unconcious that they were watching him.

Asiwang napangiti siya sa lahat sabay tingin kay Deyn. "Eat a lot. Kaylangan mong kumain coz...y-you know...our university will be celebrating soon it's foundation week. White Lambs will be very busy again dapat magpalakas ka para makapagparticipate ka" pahayag niya sabay kuha at lagay din ng pagkain sa sariling plato.

"Ahh... s-salamat." mahina't tumatangong sambit ni Deyn nang medyo may namumulang mga pisngi.

"Kelan ba foundation day niyo?" Nicole asked with excitement at para malihis ang usapan.

"Next week." Sagot ni Rex. "By the way, white lambs will be having a meeting later to discuss about our club's designations."

"Ano bang gagawin natin? It is okay na malaman ko na since I cant make it to the meeting?" Tanong ni Deyn kay Sky habang nanginginig na uminom ng tubig na stress siya dahil hindi niya alam kung tama ba ang english niya.

"Hali-luyah will be opening its gate for the street children for a day. Mag kakaroon din ng maikling entertainment show para sa mga bata. We are one of the facilitators. White lambs is also assigned to be the organizer of the annual foundation ball." Pormal na sagot ni Sky.

Namilog ang mga mata ni Nicole. "Talaga!? Foundation ball? Yung sayawan ganon ba!?"

"Yes." Tumatangong sagot ni Sky.

"Parang js prom lang ganon?"

"Kind of..." -Sky.

"Whoah! Parang palang high school yang kolehiyo niyo. Bagets na bagets ang datingan." Komento ni Nicole.

"Tumpak! Daling dali mo. Actually yan yung unang impression ko nung tumuntong ako sa hali-luyah. Nung una nga parang talo pa ng highschool sa daming kaek-ekan at rules!" Pag sang ayon ni Deyn.

Sabay na kunot nuong tumingin si Sky at Rex kay Deyn.

"Wag kayo hindi pako tapos, sobrang daming kaek-ekan at rules pero kalaunan masaya naman maraming matutunan!" Biglang bawi ni Deyn.

"Kung ganun, sa ball ba nayan kaylangan ng escorts or partner?" Excited na ika ni Nicole.

"I am not really sure....In my case, I never had one before." Pabirong sagot ni Rex.

My Badass Rebel Girl (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon