Chapter 27

314 5 21
                                    

Unedited, nangako pero nauwi sa pagiging tamad, enjoy!

Third Pov.

Nagising si Deyn sa bandang mga alas tres ng madaling araw. Bumangon siya dahil sa matinding pag ka uhaw. Ilang sandali muna siyang umupo dahil sa biglang pabangon. Kinapa niya ang kanyang nuo, magaling na siya. Wala na siyang ibang maalala tanging nung hinatid lang siya ni Sky.

Lumabas na siya ng kuwarto para uminom ng tubig. Nagulat siya ng makitang natutulog si Nicole sa couch niya habang naka baluktot. Wala man lang itong kumot o unan. She looks cold with her crossed arms. Naka kibit balikat niya itong tiningnan.

She wondered what she's doing in her apartment? She shrugged and turned to the kitchen to fetch a glass of water. Pero bago kumuha ng tubig bigla siyang natigilan. Naisip niya ang kondisyon ng pagkakatulog ng babae.

Agad siyang pumasok sa kwarto at lumabas na dala ang isang kumot. Maingat niyang kinumutan ang natutulog saka itinuloy ang pag-inom ng tubig sa kusina. Napansin niya ang maraming prutas sa tray na naka-patong sa lamesa.

Tiyak niyang bitbit na naman ang mga ito galing sa Duterte Residence Nagbungkal siya ng mga tupperware na nakapatong sa lamesa ng bigla siyang nakaramdam ng gutom. Kumuha siya ng pinggan, kutsara't tinidor. Ingat na ingat siya sa pagkilos para hindi maistorbo ang natutulog sa sala. Itinaas niya ang isang paa sa bangko at komportableng nanginain sa kusina.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Napalingon siya kay Nicole na naka tayo sa likod niya at bahagya pang kinukusot ang mata at humihikab.

"Oo..." tanging tugon niya.

Lumapit sakanya si Nicole at kinapa ang leeg tila tinitingnan kung may sakit pa siya. "Salamat at bumaba na ang lagnat mo." Saad nito sabay tingin sa malamig na sopas na kinakain ko. "Sana ginising mo man lang ako para mainit yung kinakain mo."

"I feel good now, Hindi mo nako kaylangan asikasuhin pa." Mahinang sagot niya at agad na bumalik sa pagkain.

Nag timpla ng kape si Nicole na mayat maya siya nililingon. "Do you need anything?" Tanong nito.

Umiling siya at itinuloy ang pagkain. Umupo ito sa tapat niya at tahimik na pina panood siya habang kumakain.

"Why are you here?" Tanong ko.

"Dahil may sakit ka." Anito.

"H-how did you know?"

"Sky called your dad. Nag a-alala yung tatay mo kaya agad niya akong sinabihan na bisitahin ka."

Natawa ng mahina si Deyn at umiling iling. "Really? Kilalang kilala ko siya. I'm aware my whole life that I'm a daughter of the most coldhearted father in the world."

"Ang aga-aga pa para pagusapan ang walang kwentang taong sumisira ng buhay ko." Madiing sabi niya sabay tayo at dumiretso sa kwarto niya.

"Deyn, I'm sorry I didn't mean to ruin your mood. Don't stress yourself baka sumama na naman ang pakiramdam mo," sambit ni Nicole na bakas sa mukha ang pagsisisi dahil sa mga sinabi. "I'll go to Farero market in a while...Anong gusto mong kainin pagkagising mo? I'm planning to make a soup for you."

"Kahit ano." Aniya.

"Sige magpahiga ka na lang ulit. Aalis ako pag nakatulog ka na. Mabilis lang ako."

Tumango si Deyn at muling pumasok ng kuwarto. Napakibit na lamang ng mga balikat si Nicole sa malamig na pakikipag-usap sa kanya ng anak-anakan. Tumayo siya para iligpit ang pinagkainan nito. Ngunit bigla siyang natigilan nang mapalingon sa kaninang pinag tutulugan niya.Unti-unti siyang napapangiti habang tinititigan ang nakaalampay na kumot sa upuan.

My Badass Rebel Girl (on-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon