CHAPTER 15 - Andrea's monthssary surprise to Raydine

163 2 0
                                    

CHAPTER 15

Copyright@kyrayle23

           Paglabas ni Andrea sa club ay nakita nya na naroon na si Raydine sa labas, sa lagi nito’ng pinaparadahan kaya lumabas na kaagad sya at nilapitan ito.

            Kayganda ng ngiti nito sa umagang kayganda na naging dahilan na biglang nag-angatan ang balahibo nya sa katawan at gusto nya’ng yakapin ang lalake. Ang cute talaga nito kapag ngumingiti,sabayan pa ng mapungay nito’ng mga mata na nakatitig sa kanya.

              Ginantihan nya ito ng ngiti at alam nya’ng na-touch nya ang puso ng lalake dahil mas lalo pa itong napangiti at nagpapa-cute.

             Sa ilang buwan na nakalipas, kahit pa sabihing saglit na panahon lamang yun para sa iba, pero para sa kanilang dalawa, parang ang tagal-tagal na nilang nagkasama dahil parang hindi na sila nahihiya sa isa’t-isa. Kung titingnan mo silang dalawa ay para na silang mag-asawa sa ikinikilos nila kahit saan mo sila banda tingnan na dalawa.

              Naalala ko tuloy ang kasabihan, kahit gaano man kayo katagal na nagsama, kung talagang hindi kayo ang para sa isa’t-isa parang araw-araw na dumaan, nagkakailangan pa din kayo at hindi magiging komportable sa isa’t-isa.

 

 

 

           Pagkalapit nya kay Raydine ay yumakap kaagad sya dito at isinampa ang dalawang kamay sa batok ng lalake at hinalikan nya ito sa pisngi. As usual, sya lagi ang nauunang gawin ang bagay na yun. Mas aggressive sya kumpara sa lalake. Walang duda kung bakit madaling gumaan ang loob ni Raydine sa kanya dahil malambing sya dito at nararamdaman ni Raydine na mahal na mahal sya ni Andrea. Lagi nga nito’ng sinasabi sa babae na ibang-iba ito sa dating kasintahan na si Cassie.

            Sa tuwing nagkakatampuhan naman sila’ng dalawa, laging may paraan si Andrea upang patahanin sya kaya naman nagkakabati din sila kaagad at nauuwi sa kulitan,kilitian at tawanan nalang ang lahat. Hindi katulad noon kay Cassie, na kapag galit si Raydine ay nananahimik ito at pinapabayaan na lamang sya, hindi inaamo kaya mas nagtatagal ang di nila pagkakaunawaan.

              Aminado naman si Raydine na kahit ganoon ang ginagawa ni Andrea, hinding-hindi lalaki ang ulo nya at bigla nalang magbabago dito na katulad ng ginagawa ng ibang kalalakihan na inaabuso na lang basta-basta ang kabaitan ng karelasyon nila.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon