CHAPTER 4 - i need to shake my mind

334 2 0
                                    

copyright@kyrayle23

CHAPTER 4

  

Raydine’s POV

               NAGLARO MUNA AKO NG BASKETBALL nang makarating ako ng bahay, mamaya pa naman kasi ang pasok ko. Kelangan ko muna’ng magpapawis at  kelangan ko din’g i-shake ang utak ko dahil sa nangyari sa amin  ni Andrea. Hindi ako makapaniwala na ako ang nakakuha sa kanya. Ang dami ng lalake na may gusto sa kanya na katrabaho ko, kaya hindi ako umasa na mangyayari ang nangyari kanina.

              Kahit naglalaro na ako, napapatulala ako paminsan-minsan.

           “ anu bang plano mo sa akin?” paulit-ulit iyon sa utak ko. Yun ang sinabi sa akin ni Andrea kagabi habang nagmamaneho ako papunta sa MOA. Sa totoo lang, may balak din naman talaga ako sa kanya. Gusto ko din syang makuha pero hindi pa sana kagabi dahil masyado naman yatang mabilis ngunit naunahan nya ako? kaya ano paba ang gagawin ko? Parang Manok lang ako na mahina sa mga palay na lalapit sa akin at lalake ako. Dahil sa sinabi nyang iyon ay parang nagwawala ang kalamnan ko kaya minamadali ko na ang oras at gusto ko na agad na umuwi kami at yun nga niyaya ko syang magpahinga hanggang sa nauwi sa ganoon at nangyari na nga ang ini-imagine ko ng ilang linggo mula nang makilala ko sya.

             Para akong baliw na biglang napapangiti nang maisip ko ang katarantaduhan na ginawa ko kagabi. Ang bumaba doon sa dagat at kumuha ng tubig at muntik pa akong madulas at mag-swimming ng dis-oras ng gabi. “ bakit ko ba ginawa yun? nakakahiya yun ah? Pag nagkataon na nadulas ako?”

            Naguguluhan ako sa naramdaman ko dahil sa nangyari.

           Inaamin ko na hindi naman ako ganun kabait talaga? Tahimik nga ako pero madami na ring babae ang dumaan sa mga kamay ko at kahit nga noong fiancée ko na si Cassie, ay nakagawa pa ako ng kasalanan sa kanya dahil may nangyari sa amin ng isang katrabaho ko. At lahat ng mga babae na dumaan sa akin ay hindi ko na tinitikman ulit. Basta-basta nalang akong umiiwas, nagdadahilan at kung anu-ano pa dahil ayoko nang may mamagitan pa sa aming dalawa. At ito din ang mangyayari sa amin ngayon ni Andrea. Masaya lang ako kapag kasama ko sya, pero wala akong balak na lumawak pa ang pinagsamahan naming hanggang sa narinig kung tumunog ang cellphone ko. Galing kay Andrea.

           “ dito na ako sa bahay, ikaw nasan ka?”

           “ selfish ka pala?”

           Wala lang akong reaksyun sa unang text nya at sinagot ko na naglalaro nga ako ng basketball ngunit doon sa pangalawa napakunot ang nook o. “ bakit ako selfish?” at dali-dali na ngang nagtype ang mga daliri ko upang replayan sya at nang makita nag-send na iyon, hinintay ko nalang ang sagot nya. Excited pa nga ako nang tumunog yun.

           “ selfish ka! Dahil ikaw lang ang nilabasan! Ako, hindi mo pinatapos! Nag-enjoy kalang ng mag-isa”

            Lalong napakunot ang noo  ko “ ganun?” kaya parang gusto ko nalang tuloy na may mangyari ulit sa amin para tapusin sya gayung ang nasa isip ko kanina, ay ang iwasan na sya dahil nakuha ko na ang gusto ko sa kanya.

              Iniba ko nalang ang usapan.

          “ kelan mo ba kasi ako sasagutin?”

    

           “ bakit nanliligaw ka ba?”

           “ kelangan pa ba  yun? may nangyari na nga satin di  ba? Kaya sagutin mo nalang ako”

          “ okey, mabilis naman ako’ng kausap eh! Sinasagot na kita! “

         Napapa… “ okey?” nalang ako dahil bigla ako’ng nagkaroon ng girlfriend sa araw na ito.

          Tumayo na lamang ako upang magbihis at nang makapasok na sa trabaho. Nasa isip ko pa din ang nangyari sa amin ni Andrea. May lumabas nga sa pagkalalake ko ngunit hindi naman ako ganun nasayahan dahil hindi ko nga sya mahal. Nananaig pa din si Cassie sa isip ko. Ang mga ginagawa namin  noong kami pa. Isa pa, parang tuod naman yung si Andrea, wala man lang ginawa. Wala ba’ng alam sa sex yun? napapailing na lang ako habang hindi mawala sa labi ang ngiti.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon