CHAPTER 12
copyright@kyrayle23
Andrea’s POV
Ang sakit ng ulo ko. Napapahawak pa ako doon dahil may hang-over pa din ako sa dami ng nainom ko kagabi.
Sa kabila nang sakit, nandoon pa din ang saya at napapangiti nalang ako dahil nagising ako na katabi si Raydine.
Pinagmamasdan ko ang maamo nya’ng mukha habang natutulog pa rin. Ang gwapo nya talaga! Kaya naman hindi ko maiwasan ang sarili ko na hindi sya ipaglaban kahit pa sa lalake’ng nagmahal sa akin.
“ kung hindi mo sya kayang alagaan, ibigay mo nalang sya sa akin!” umaalingawngaw pa din sa tenga ko ang sinabi nya na iyon kay Harry kagabi kaya naman parang natameme doon si Harry. Puro lang kasi pera ang pinantatapat nya sa akin sa loob ng TAtlong taon na magkasama kami. Pagkatapos nya ako’ng bigyan ng pera at pagkatapos na may mangyari sa amin, mag-stay lang sya sa bahay ng magdamag at uuwi din sa kanila kinabukasan.
PAANU KO BA NAKASAMA NGAYON SI RAYDINE SA KABILA NANG…NANDOON SI HARRY SA BAHAY AT NAGHIHINTAY SA AKIN?
Ayoko pa sana’ng pauwiin kagabi si Raydine dahil ang gusto ko, magpahinga muna sya sa bahay. Kahit doon lang sya sa sofa, nasa loob naman si Harry, sa loob ng kwarto namin. Kaya lang ang tigas ng ulo ni Harry at pinapalayas na si Raydine. Alam naman nya na nakainum na ng marami yung tao, kahit makaidlip man lang sana hanggang sa mawala kahit papaanu ang tama nito saka na uuwi. Naka-motor kasi sya kaya ayoko naman na mapahamak sya. Minsan na sya’ng naaksidente dahil sa kalasingan noon.
“ umalis ka na Pre” sigaw sa kanya ni Harry habang ako pinipilit ni Harry na ipasok sa loob ng bahay at alam na alam ko na ang susunod na mangyayari, ikukulong na naman nya ako.
“ wag ka munang umalis, mamaya na!” sigaw ko, mukhang napalakas kasi boses ko kaya pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/27489644-288-k654518.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...