copyright@kyrayle23
CHAPTER 3
Magmula nang makuha nya ang cellphone number ko ay panay na ang pag-uusap namin, kahit na hating gabi na ay panay pa din ang text nya sa akin at ganoon naman din ako sa kanya. Ewan ko ba? Parang may something sa kanya na hindi ko matukoy kung anu? Basta ang alam ko lang,masaya ako kapag kasama ko sya at sa araw-araw na dumarating ay gustong-gusto ko na lagi syang kasama.
Kaya naman tuwing hapon ay hindi ako lumiliban sa negosyo ko daw kuno sa pamilihan na iyon upang makita sya at tuwing uwian na ay lagi kami’ng magkasabay na umuwi.
Alam nyo yung tipong bawat minuto ay parang kaybilis dumaan? Kahit ilang oras pa ang dumadaan ay lagi pa rin’g kulang? Kaya naman sa tuwing nag-uusap kami, hindi na naming namamalayan ang oras na gabing-gabi na pala.
Ganoon lagi ang eksena naming sa araw-araw. Umuupo kami doon sa food court sa loob ng pamilihan , nag-uusap ng kung anu-ano , nagtatawanan. Pero kadalasan ay malimit nya ikinukwento ang kanyang naramdaman na kasawian sa kanila ni Cassie. Paulit-ulit na lamang iyon na para bang plaka na gasgas na gasgas na. ngunit kahit ilang beses na nya iyong naikukwento, nag-eenjoy pa din ako habang nakikinig sa kanya. Ang weird ng feeling di ba?
“ nasan ka ngayon?” isang text ang natanggap ko mula sa kanya.
“ dito sa bahay, nakahiga lang ako ngayon..masama kasi pakiramdam ko eh?” sagot ko naman ,ngunit may nabuong plano sa madumi ko’ng pag-iisip.
“ ay ganun ba? Inom ka po ng gamot sakamagpahinga ka ng maaga, kumain ka na ba?”
“ wala ako’ng gana kumain eh? Nakahiga lang ako, pero parang may gusto ako’ng gawin ngayon, ito talaga ang ginagawa ko kapag masama pakiramdam ko”
“ anu naman po yun?”
“ gusto kong gumala? Magpahangin saka gusto ko umamoy ng simoy ng hangin sa dagat”
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Dla nastolatkówTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...