copyright©kyrayle23Mula ng nagpakita muli si Harry ay sirang-sira ang stamina ni Andrea.
Nakatulala, at nag-iisip. Hindi iyon nakawala sa obserbasyun ni Raydine kaya hindi nya alam na lihim na nya itong nasasaktan. ISa pa, nangangamba ito sa pagsasama nilang dalawa dahil kahit noong hindi na nagpapakita si Harry ay bukambibig pa din ito ni Andrea.
Biglang nagbago ang lahat. NAnlamig si Andrea ng bahagya kay RAydine. Iniisip nya si Harry at panay ang pagpapatugtog nya ng theme song nilang dalawa noon. Tinitingnan ang picture nilang dalawa at ang music video na ginawa nya noon para sa lalake. Lumilipad ang isip at ang puso nya ay parang binutas ng malaking kutsilyo dahil parang my hangin sa loob nito na naging dahilan kung bakit unti-unti itong nanlamig kay Raydine.
" balikan mo na sya, ibabalik na kita sa kanya!" biglang lumabas sa bibig ni Raydine habang malungkot na nakayakap sa kanya si Andrea. " wag mo ng pahirapan ang sarili mo, naguguluhan na din kasi ako?! " pagpapatuloy nito sa malumanay na boses at nakakalungkot pakinggan.
Yakap at halik lang ang itinugon dito ni Andrea.
" pinag-iisipan ko na to eh! pag nagkabalikan kayo....uuwi nalang ako sa amin sana magiging masaya ka na sa kanya"
" mahal kita laluvs ikaw yung pinili ko?"
" mahal mo ako pero parang nahihirapan kana sa akin! kaya ibabalik na kita sa kanya"
Bumalik sa alaala ni Raydine yung mga nangyari na sa lumipas na ilang buwan mula noong hindi nagpakita si Harry kay Andrea at wala na itong natatanggap na pera mula rito.
" laluvs, tingnan mo buhok ko oh?! kelan ko ba ipapa-rebond to! ang pangit-pangit na tingnan!"
" laluvs, ubos na tong panlinis ko sa mukha, bilhan mo na ako!"
" paanu ba kasi ako maglalaba dito sa bahay na ito ei wala ka naman binibiling sabon dyan!" bulyaw pa noon sa kanya ni Andrea at alam nyang nahihirapan na ito dahil nagigipit sila ngayon at hindi ito nito nararanasan noon kay Harry. Noon umaasa sya na kalaunan ay dahan-dahan din'g makapag-adjust si Andrea sa sitwasyun at matanggap na hindi sya si Harry kundi si Raydine. SI Raydine na iba ang pag-uugali kumpara kay Harry at si Raydine na hindi mapera kumpara kay Harry. Kahit ginagawa na nya ang lahat...kinakailangan pa din ni Andrea tumakas paminsan-minsan upang matugunan ang ibang pangangailangan nito.
Ngayon, masama man sa kanyang kalooban ay handa na syang ibalik si Andrea sa unang nagmamay-ari dito.
ANDREA'S POV:
Bumabalik sa isip ko lahat ng alaala sa nakaraan. Hindi ko iyon maiwasan. Dalawang lalake ang nagmamahal sa akin ng sobra at kitang-kita at nararamdaman ko iyon. Gusto ko ng bumalik nalang kay Harry upang hindi na ako maghirap pa pagdating sa pera ngunit tumututol naman ang puso ko . Mahal nito si Raydine.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hinayaan ko nalang muna na makita si Harry dahil mula ng bumalik sya ay lagi na syang dumadalaw sa akin isang beses isang linggo. Kahit nagagalit at nagtatampo si Raydine hindi ko muna pinapansin. Hinayaan ko lang muna timbangin kung sino ba talaga sa kanila ang dapat kong piliin?!
At sa tuwing natutulog kamo ni Raydine sa gabi ay tinititigan ko ang mukha nya.
" ito yung lalake na naging dahilan bakit kami nagkahiwalay ni Harry" sa isip ko ." Ito yung lalake na ginawa ko noon ang lahat para lang makatakas kay Harry at makapunta rito" " ito yung lalake na gustong-gusto kong makasama noon at pinagpalit ko dito si Harry" habang tinititigan ang mukha nya.
At kapag si Harry naman ang kaharap ko , ay kinakapa ko din ang aking sarili.
" pasensya kana ha?! hindi kita mapapapasok dito sa loob, aawayin na naman ako ni Raydine eh!" aniya habang si Harry ay naninigarilyo sa may gate at nakabukas lamang iyon. Naaawa man sya dito dahil ramdam nya na gustong-gusto sya nitong makasama sa loob ng bahay at mayakap , pinigilan nya ang kanyang sarili.
" okey lang! alis na din ako!" anito
" sige..ingat ka babz!" at parang dinurog ang puso ko habang sinundan sya ng tingin palabas at palayo ng bahay.
Alam ko naman kasi na kaya pumupunta rito si Harry ay upang makasama ako at umaasa itong bumalik ang dati saming dalawa at hindi dahil sa gusto lang itong makipag-inuman kay Migz.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at hindi mapigilan ang pag-iyak. Bakit na kasi ako napunta sa ganitong sitwasyun? Kung hindi ko lang sana nakilala si Raydine ay kami pa din ni Harry ang magkasama hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Ficção AdolescenteTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...