copyright@Kyrayle23
Kontento na si Andrea sa buhay nya kapiling si Raydine. Ibang-iba kasi ang lalake kayHArry noon. Noong nagsama sila ni Harry, pakiramdam ni Andrea ay wala pa din syang asawa at hindi nya naramdaman na secure sya sa piling ng lalake. Bukod sa wala na itong balak na pakasalan sya, hindi pa sya ipinakilala nito sa mga magulang ng lalake kahit noong Two years na silang nagsasama. Busy din masyado si Harry noon at linggohan lang kung umuwi isa pa, para bang ikinahihiya sya nito kaya naman kahit isa man lang sa mga kaibigan ng lalake ay wala syang nakikilala.
Malayo ito kumpara sa buhay nya ngayon kay Harry. Pagkatapos kasi ng trabaho ng lalake ay diretso uwi agad ito sa bahay, bukod pa doon makatatlong beses na nyang narinig dito ang tungkol sa pagpapakasal, isinasama sya kahit saan man ito magpunta, pinakilala sa buong mag-anak at sa mga kaibigan. Kapag may lakad nga ang Riders Club na kinabibilangan ng lalake ay lago sya nitong isinasama kaya naman halos lahat ng kaibigan nito at kilala na din sya. Ibang- iba noong si Harry pa ang kasama nya.
Mabuti nalang at habang tumatagal ay natatanggap na ni Harry na wala na sya sa buhay nito ngunit tuloy pa din ang pagsusuporta nito sa kanya na hinayaan na lamang ni Raydine. Ipinaliwanag naman kasi dito ni Andrea na si Raydine ang pinipili nya at nais na makasama at si Harry ay hinahayaan nalang nila kung hanggang kelan ito magsasawa sa ginawang kamartiran at katangahan.
Kung si Andrea lamang ang masusunod, ayaw na nyang makita ito upang makalimutan na din sya ng binata at magkaroon na ito ng sariling buhay. Kaya lang sa tuwing kinakausap sya nito ay nakakaramdam sya ng awa kaya hinahayaan nalang nya itong makita sya, sinusuportahan kahit na matagal nang wala nang nangyayari sa kanila.
Makailang beses na din'g pumasok sa isip ni Andrea na napakaswerte nya dahil patuloy pa din syang minamahal ni Harry sa kabila ng lahat ngunit hindi nya makuhang maging masaya para sa lalake dahil alam nya sa sarili nya kung sino ang mahal at mas gusto nyang makasama.
" mag-girlfriend ka na kaya?" naalala nya nung nakaraang nag-usap sila ni Harry.
" alam mo babe, hindi mo na ako kailangang utusan? kasi hindi naman ako naghahanap!hindi naman yan hinahanap eh!" paliwanag nito. " kusa yang dumadating! parang yung dumating ka? hindi naman kita hinanap diba?" sabagay tama nga naman sya. " kung maggi-girlfriend lang ako para maka-move on...kawawa lang sya?kaya wag nalang?kasi ayokong manakit ng tao!" anito kaya nanahimik na lamang sya. Kahit na anung pilit nya ke Harry na maghanap na ng iba at kahit makailang ulit na nya itong nasaktan dahil sa mga sinasabi nya, hindi pa din ito sumusuko sa kanya.
Naisip ni Andrea na kung aa ibang babae nangyari ang gaya ng sitwasyun nya ngayon malamang nagta-tumbling na sa tuwa pero hindi sya! dahil sa totoo lang...sobrang nahihirapan sya dahil ayaw nyang mas lalo pang masaktan si Harry.
Sa loob kasi ng ilang taon noong hindi pa dumating sa buhay nya si Raydine, si Harry ang lalake na walang sawa syang sinusuportahan sa lahat ng naisin nya, ibinigay ang anumang gustuhin nya, at nag-aalaga sa kanya kaya kahit wala na syang nararamdaman para sa binata, nahihirapan syang basta-basta nalang itong pakawalan.
OFF TO CAVITE...May outing ang pamilya nina Raydine at syempre kasama si Andrea.
Andrea's POV:
Pagdating palang namin sa lugar ay nagtitinginan na sa amin ang iilan ng mga tao roon na hindi pa ako nakikilala. Ang kilala kasi ng iilan roon ay si Cassie. Mga tauhan sila at katulong ng mga Tiyuhin at Tiyahin ni Raydine.
Masyadong conservative ang pamilya nila kaya naman obligado akong magmano na nagawa ko naman ng maayos. Nginitian naman ako ng mga Tiyahin at Tiyuhin nya kaya hindi na ako gaanong naiilang. Ito kasi ang pangalawang pagkakataon na makasama ko sila sa ganitong family outs.
Hindi naman ako mahihiya at nakakakilos naman ako ng maaayos na hindi nakaramdam ng pagkailang at kung anupaman. Hindi katulad noong dinala ako ni Harry sa bahay nila at ipinakilala sa magulang at kapatid nya, na halos hindi ako makakilos ng tama sa hiya at ilang na ilang ako noong nasa loob kami ng bahay nila. Pero sa pamilya ngayon ni Raydine, para bang at home na at home ako?kahit masyado silang conservative nakakakilos pa din naman ako ng tama. Siguro nga tama ang kasabihan na kung papipiliin ka sa dalawang damit... at yung isa ay sobrang ganda at yung isa naman ay simple lang... pipiliin mo yung kung saan ka komportable? aanhin mo yung sobrang ganda kung naiilang ka naman na isuot ito?kumapara sa simple lang ngunit maayos ka naman na nakakagalaw?
Kaya naman siguro mas gusto na nya ngayon si RAydine kumapara kay Harry.
" Tita...anu ang masasabi mo sa kanya?" tanong ni Raydine sa Tita Amie nya nang medyo tinamaan na ito ng alak.
" no comment ako dyan?bastaa para sa akin, kung saan masaya ang mga pamangkin ko? doon ako! basta magalang lang at may respeto sa pamilya" sagot nito sa kanya.
" kapag hinarap ko sa inyo
..ibig sabihin nyan mahal ko! masaya ako sa kanya!" sabi naman ni Raydine.Nagkakantyawan pa sila habang ako naman ay nakangiti lang. Paanu inaasar si Raydine ng Alaskador nyang Tito ngunit maya-maya din ay pinayuhan ito na ayusin na ang buhay sa piling ko at tanggap daw nila ako.
Hindi man ako gaanung nakikihalobilo sa mga kamag-anak nya, alam ko na komportable ako sa kanila at alam ko na tanggap nila ako. Yun ang wala sa pamilya na meron si Harry dahil napag-alaman ko na may ibang babaeng gusto ang Mama ni Harry para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/27489644-288-k654518.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...