CHAPTER 25 - kung mahal mo, kaya mong magbago

82 1 0
                                    

copyright@kyrayle23

Andrea's POV:

Isang taon na din ang lumipas na puro bahay nalang ako. Pwede na nga akong koronahan bilang isang huwarang asawa sa nga ginagawa ko. Bihira na din akong lumabas ng bahay sa kagustuhan na hindi kami mag-away na dalawa. Nagpakatino ako sa loob ng halos isang taon at puro gawaing bahay lang ang inaatupag at naghihintay na lang kung kelan uuwi ang asawa ko.

Mahabang panahon na din ang pinagsamahan namin ni Raydine at kuntento naman ako sa kanya. Kahit na patuloy pa din sa pag-uwi si Harry sa bahay ko ng isang beses sa loob ng isang linggo upang iabot sa akin ang allowance ko, hindi naman yun naging hadlang upang maging magulo abg relasyun namin ni Raydine dahil iniintindi naman nya ako bukod lang kay Glenn na hanggang ngayon pinanghihinayangan ko pa din ang mga pwede kong makuha sa kanya. MAsama man sabihin at isipin pero talagang may pagkamukhang pera ako kaya nga siguro kahit papanu nagtagal kami ni Harry noon dahil sa mga binibigay nya.

MAdalas ko din na marinig mula sa bibig ni Harry na ayusin ko na ang buhay ko kasama si Raydine at huwag na akong maghanap pa ng iba at wag na akong pumasok sa Club dahil kapag ginawa kong pumasok ulit, puputulin nya ang sustento nya sakin. KAYa nanahimik na nga lang talaga ako sa bahay.

PAminsan-minsan naman ay tumatawag sa akin si Glenn at niyaya akong lumabas kaya kaya lang tinatanggihan ko na din sya. Mas mahalaga sakin si RAydine kumpara sa pera na ibibigay nya. Isa pa, ni minsan hindi naman ako pinapabayaan ng asawa ko kaya ano pa ba ang hahanapin ko?

MAsaya na ako sa kanya at ramdam na ramdam kong mahal nya ako kaya sapat na yun upang magbago ako.


" uuwi daw kayo sa province nyu?kasama mo si Raydine?" tanong sa akin ni Harry.

" oowh! golden wedding ng Lola at Lolo ko, bakasyun na din? dati pinag-uusapan natin na umuwi dun nung masaya pa tayo noh? pero si Raydine pala talaga ang makakasama ko dun sa pag-uwi at maipakilala sa kanila"


" ilang beses na akong umuuwi, inaantay ko lang talaga na yayain moko at isama dun pero hindi ko talaga narinig sayo na yayain ako"

" nagbibiro kaba?paanu naman kita isasama dun?dalawa kayo?sino ipapakilala ko sa kanila na asawa ko? saka set na talaga na sasama sya at alam ko naman na kapag ikaw din yayain ko hindi ka din sasama diba?dahil ginawa ko na dati yun, hindi mo naman ako sinamahan!" palusot ko nalang sa kanya pero sa loob-loob ko ayaw ko lang syang saktan dahil wala na naman talaga akong balak na isama pa sya dun! para saan pa e wala na nga kami?mas malabo pa sa tubig baha ang relasyun namin.Matagal na kasi akong bumitaw magmula nung naging kami ni Raydine at sya nalang itong may gusto na magkita pa kami at umuwi pa sya sa bahay. PAra naman sakin, hinahayaan ko na lamang syang gawin ang gusto nya at makita ako hanggang sa maka-move-on sya at sya na mismo ang kusang lalayo. Sa dami kasi ng ginawang kabutihan ni Harry sa akin, hindi ko din sya talaga kayang ibalewala. Hindi naman nya kasalanan na mahalin ako hindi nga lang nya ako kayang ipaglaban sa pamilya nya. MAtagal na din kasing nawala ang pagmamahal ko sa kanya at ang natira nalang ay ang awa at pagpapahalaga bilang meron naman kaming pinagsamahan. Minsan nga dinadalangin ko na lamang na sana ay mahanap na nya ang babaeng para sa kanya na mamahalin nya'ng muli at mamahalin din sya at hindi iiwan na katulad ng ginawa ko.

" sa loob ng four years na naging tayo, sapat na sakin yun. masaya na ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko! mag-stick ka na kay Raydine at wag kana maghanap ng iba! nandito lang ako, susuportahan pa din kita" sabi nya sakin kaya nanahimik nalang ako dahil naaawa din naman ako sa kanya. Pero wala akong magagawa. Hanggang awa nalang talaga ang naramdaman ko sa kanya, hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko dahil si Raydine na talaga ang mahal ko at sa kanya ako masaya. Ayokong magstay kay Harry dahil lang sa awa na ang kapalit naman nun ay habangbuhay ng pagiging malungkot. BAlang araw, iniisip ko nalang na makakatagpo din sya ng babae na magmamahal sa kanya.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon