copyright © kyrayle23
Andrea's POV:
Lumipas ang ilang buwan, nakaramdam na din ako ng pagkasawa at pagkapagod sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon! hindi naman pala talaga masaya kung marami kang karelasyun.MAs maganda at mas masaya pa rin yung iisang lalake na lang ang mamahalin at kasama sa iisang bubong na alam mo na mahal ka din naman.
Masasabi kong napagod talaga ako sa sitwasyon na tuwing araw ng martes ibang lalake naman ang kasama ko sa bahay, ibang lalake ang katabi sa kama at hindi iyon si Raydine kundi si Harry na naman. KAHit pa matagal ng walang nangyayari sa amin ni Harry at pinagbibigyan ko nalang sya sa kagustuhan nyang makita ako, tutol pa din yung puso ko. Hindi na ako masaya kapag kasama ko sya. Nasanay na kasi ako sa piling ni Raydine kaya naman kapag dumarating si Harry ay parang kaysikip ng pakiramdam ko sa mundo ko. Panahon na siguro talaga para mamili ako kaya lang paanu ko ba gagawin yun? ako yung taong ayaw magkamali sa bawat pinipili lalo na kapag tao ang pipiliin. Napakarami na kasing kwentong pag-ibig ang narinig ko na nagsisisi sa huli ang isang babae dahil sa maling lalake ang napili nya kaya yun ang kinatatakutan ko. Kaya di bale nalang na antayin kong sila ang kusang lumayo sa akin kesa ako yung lalayo sa kanila. Kaya kahit hindi na ako masaya sa sitwasyon namin, nananahimik na lamang ako at sumusunod na lamang sa agos ng buhay.
PERo dahil nga sa may kasabihan tayo na ang mga bagay-bagay ay nangyayari dahil meron itong sariling dahilan, gumagawa din ang tadhana ng paraan kung paanu isaayos ang ating buhay-buhay.
Hanggang sa dumating ang oras na hindi na pwedeng umuwi si Harry sa bahay. Up and down kasi ang bahay ko at sa itaas ko ay may paupahan, nakiusap yung malapit naming kaanak na doon sya mangungupahan sa itaas namib at iisang gate lang ang aming dinadaanan. Dahil sa pinoprotektahan ako ni Harry sa sasabihin ng ibang tao, sya na mismo ang nagpasyang wag nang umuwi sa bahay. Si Raydine kasi ang nakilala ng pinsan ko na asawa ko at hindi si Harry.
Mula ng tumira ang pinsan ko na si Jayson sa taas namin ay hindi na nga umuwi si Harry sa bahay ko kahit kelan ngunit patuloy pa din syang pumapasyal sa bahay ng Tita ko na kapatid ng Mommy ko tuwing Martes upang alamin ang kalagayan ko at minsan nga ay nasisilip ko sya roon at minsan ay nakakausap ko din naman.
" pwede pa ba akong umuwi dyan sa bahay?gusto ko lang magpahinga" naalala kong sabi nya sakin sa pamamagitan ng text.
" kala ko ba hindi ka na uuwi? hindi nga pwede di ba?ikaw na din maysabi? kasi baka makita ka nila nakakahiya!" sagot ko naman sa kanya. Sa totoo lang kasi ayoko na din talaga syang umuwi pa dahil nandidiri na ako sa kanya habang kasama ko sya sa iisang bubong na wala si Raydine at kami lang dalawa.
KAhit na sandaling oras ko nalang syang nakakasama dahil kinagabihan ay doon kami natutulog ni Raydine sa bahay ng Mommy ko habang si Harry naman ay nasa bahay ko at nagpapahinga, ayaw na din talaga ng puso ko na umuwi pa sya dahil bukod sa hindi ko na sya ma-take kasama, naaawa na din kasi ako sa kanya. PAanu nya kasi mahahanap ang babaeng para sa kanya at magmamahal sa kanya ng higit sa naibigay ko noon kung patuloy pa ding nakasara ang puso at oras nya sakin.
" okey sige, ingat ka nalang lagi huh? ingat kayo no Raydine!" sagot nya sa text ko.
Kahit ke Glenn ay hindi na din ako nakikipagkita. Kahit pa bayad naman nya ang oras ko ng Libo-libo, ayoko pa din pumunta sa kanya. Nais ko na kasing magseryoso sa buhay ay mag-stick na lang sa iisang lalake at si RAydine yun.
Kahit ilang beses pa akong pinagsilbihan ni Harry, inaalagaan at sa tuwing ako ay kakain, sinusubuan pa nya ako at namumuhay Prinsesa ako kapag sya ang kasama ko, hindi ko na yun napapansin. Kahit ilang beses pa nya akong inintindi sa mga ginagawa kong pang-iinsulto aa kanya , tinanggap ang lahat ng kamalian ko nandyan pa din sya, hindi ko na din yun napapansin. Ganun nga talaga siguro kapag nagsawa ka na sa isang tao at may iba ka ng pinagkakaabalahan.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Novela JuvenilTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...