CHAPTER 14
copyright@kyrayle23
Raydine’s POV:
“ papasok ka ng work? Saan naman?” tanong ko kay Andrea nang magpaalam sya sakin.
Pinaalam nya na hindi ko na sya gaanung makakasama gabi-gabi. Hindi na kami gaanong makakapag-usap dahil papasok na nga sya. Medyo nagipit kasi sya sap era kaya kailangang nya muna magtrabaho. Humina raw kasi ang kita ni Harry at hindi na sapat sa kanya ang ibinibigay nito.
Nagulat ako sa sagot nya kung saan sya papasok. Basta ang pagkakalam ko lang, ayoko sa mga babaeng nagtatrabaho sa ganoong lugar. Nandidiri ako sa kanila at para sakin, basura sila sa paningin ko. At yung lugar na papasukan ni Andrea, nadudumihan ako sa lugar na iyon kaya hindi ko naimagine kung paano ako pumayag sa gustong mangyari ni Andrea.
“ sige, ako ang magsusundo sayo pag-uwi mo” offer ko pa sa kanya.
“ sundo lang? walang hatid?” hirit naman nya habang nakangiti. Nakakatunaw ang mga ngiti nya’ng ganito. Ang cute nya tingnan, sabayan pa ng cute nya’ng mga mata na tila ngumingiti din kapag ngumingiti sya.
“ sige, hatid-sundot!” pabiro ko’ng sabi.
“ yuck? Hatid-sundot?” nanlaki ang mga mata nya tas maya-maya ay tumawa. “ sige, aangal paba ako? hatid-sundot! Galingan mo ha?”
KINABUKASAN……….
Ngayon ang unang gabi nang pasok ni Andrea kaya maaga palang ay gumayak na ako upang maihatid sya ng maaga at nang hindi sya mali-late.
Masyado naman ako’ng panatag sa girlfriend ko na hindi nya ako lolokohin kahit na ganoon ang papasukan nya’ng trabaho. Sinabi nya sakin na dati na sya’ng pumapasok roon at tumigil lamang sya nung pinatigil sya ni Harry at ibinahay na nga.

BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...