CHAPTER 18 - knowing the truth

78 1 0
                                    

CHAPTER 18

copyright@kyrayle23

 Raydine’s POV:

          Hinatid ko si Andrea sa bahay nya. Tinutungan ko muna sya’ng magbukas ng pinto dahil hindi nya nakuha ang susi kay Harry kaya sinira ko nalang ang padlock.

          Pagkabukas ko ng pinto ay umalis na din ako agad dahil nabadtrip ako sa nangyari. Pero kahit medyo badtrip ako, okey lang sakin dahil nakita ko naman kung paanu ako ipaglaban ni Andrea.

           Kaya lang labis ako’ng nag-alala kung anu ang mangyayari sa kanila ni Harry mamaya pag-uwi nito. Wag lang nya’ng saktan si Andrea kundi ako ang makakalaban nya. Isa pa, sila naman ang nagsimula ng gulo. Tahimik lang naman ako doon kanina kahit pa nga nasasaktan ako nang makita ko sila ni Harry, nanahimik nalang ako dahil wala naman ako karapatang magalit kapag si Harry ang involve. Sya ang mas may karapatan kay Andrea. Extra lang naman kasi ako dito. Gusto ko mang mainis sa sinabi ng pinsan nya na si Chelsea, paanu naman ako maiinis kung totoo naman ang sinasabi nito?

           Bakit nga ba ako pumasok sa ganito’ng sitwasyon? Bakit ako nakikipagrelasyon sa isang babae na meron nang karelasyon?hindi ako ganito noon pero bakit ganito ang nangyari ngayon?

SA BAHAY NI ANDREA….

              Madaling araw na ng marinig ni Andrea na may nangatok. Alam nya’ng si Harry na ang nasa labas at wala sya’ng balak na pagbuksan ito ng pintuan dahil hindi nito binigay kanina ang susi.

              “ Andrea….Andrea!” nagdadabog na ito sa labas ngunit hindi nya pa din ito pinagbubuksan. Hanggang sa narinig nalang nya ang malakas na lagabog ng pinto kaya napilitan sya’ng tumayo.

                Kitang-kita ng dalawang mata nya kung paanu pinagkasya ni Harry ang malaking katawan sa masikip na pintuan na pinipilit nito’ng buksan. Halos nasira na nito ang pinto.

             “ napakawalang-hiya mo, hindi na nga kita pinagbuksan di  ba? Pinilit mo pa’ng ipasok ang sarili mo dyan!” galit na sabi ni Andrea.

            Tahimik lamang na pumasok si Harry sa loob ng bahay. Lasing na lasing ito. Bawat lakad nito ay halos bubulagta na sa sahig.

             Hindi pa din nanahimik si Andrea sa kakadaldal dahil sobrang naiinis pa din sya kay Harry kaya naman pinatulan na sya nito dahil na rin sa ingay ng bibig nya.

             Hinawakan sya nito at sapilitang ihiniga sa kama.

           “ bitawan mo nga ako!”

         “ alam ko na lahat! Alam ko na lahat ang pinaggagawa mo sa trabaho mo!” galit na  galit na sabi nito habang nakatunghay sa harapan nya. “ putang-ina mo! Bakit mo ginawa sa akin to ha? Minahal naman kita! Iningatan kita sa loob ng maraming taon! Pero bakit moko ginanito ha?!” umiiyak na ito habang nagsasalita. Pero si Andrea, nagmamatigas pa din. Lumalaban sya sa bawat tabig ni Harry sa mukha nya at sa kamay nya. “ ang babae na iningatan ko sa mahabang panahon… ang babae na halos ayaw ko’ng padapuan ng lamok o kahit na anung insekto, binababoy ng ibang tao!” galit na  galit nito’ng sabi. Hinahampas pa nito ang sariling dibdib.

            Ngayon alam n ani Andrea kung saan nagagalit si Harry. Hindi dahil sa pinalo nya ito ng upuan sa harapan ng marami’ng tao at napahiya ito, kundi sa ginawa nya sa kanyang pinagtatrabahuang Club.

            Nagtagal din ng halos Isang ora sang away nila na iyon at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaktan sya ni Harry. Sinakal sya nito ng sinakal at tinigilan lamang noong hinimatay na sya.

              Hindi matanggap ni Harry ang pinaggagawa nya sa trabaho. Kung si Harry nga na halos ibinigay sa kanya ang lahat, iniintindi sya , hindi iyon matanggap?lalo pa siguro si Raydine na alam na alam nya na simula’t sapul, nadudumihan sa trabaho na iyon.

             “ nahihilo ako!” nagmamadaling tumayo si Harry upang kuhaan ng tubig si Andrea nang nagkamalay na ito.

            “ ito uminom ka!” inabot nya iyon sa dalaga kaya lang hindi ito tinanggap ni Andrea.

            “ ayoko na sayo! Ayoko na sayo!” paulit-ulit nito”ng sabi sa lalake habang humihikbi.

            Niyakap sya ng mahigpit ni Harry. “ I’m sorry baby, sobrang nasasaktan lang kasi ako, hindi ko sinasadya na saktan ka!” humagulgol ito ng iyak at paulit-ulit na humingi ng tawad.

Harry’s POV:

         “ ayoko na sayo, ayoko na sayo!” paulit-ulit iyon na umi-ecko sa tenga ko. Sa nangyari ngayon, alam ko na lalayuan na ako ni Andrea. Lalo pa’t may mahal na sya’ng iba. Hindi ko naman sinadya na saktan sya kaya lang nanilim kasi ang paningin ko.

            Ang ipahiya nya ako sa harap ng maraming tao, matatanggap ko pa, hindi lang naman kami ang nagkaganito, mas marami pa nga ang mas malala pa sa amin. Pero ang malaman na nakikipagsiping sya sa iba’t-ibang lalake sa trabaho nya, hindi ko iyon matanggap. Ginawa ko halos ang lahat para lang maibigay sa kanya ang lahat-lahat na pangangailangan nya pati na ang ikaliligaya nya at iyon ay si Raydine pero nagawa nya pa ding gumawa ng kalokohan sa Club na iyon.

             Aminado naman ako na humina ang kita ko ngayong taon na ito at malamang ay kulang na iyon sa mga pangangailangan nya kaya lang hindi ko pa din matanggap na nagawa nya yun. Matino si Andrea sa pagkakakilala ko at  alam ko na hindi nya yun ginagawa. Pagkatapos ngayon, malalaman ko nalang mula kay Chelsea na nagpapagamit pala sya roon?

             Galit na galit ako sa sarili ko. Galit na  galit ako dahil sa kabila ng lahat…mahal na mahal ko pa din sya. Handa ko pa ding tanggapin ang lahat-lahat sa kanya kaya sobra ako’ng nasasaktan ngayon.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon