CHAPTER 27- i do everything but still she's not happy

38 1 0
                                    

copyright©kyrayle23

Raydine's POV:

     Sa trabaho ko aminado naman ako na hindi ganun kalaki ang kinikita ko. Sakto lang kumbaga pero ginagawa ko naman ang lahat para matugunan ang pangangailangan namin ni Andrea. Halos hindi ako lumiliban sa aking trabaho kahit pa nga minsan ay masama ang pakiramdam ko. TAO lang naman din kasi ako. Sabi nga nila...kalabaw man ay kelangan din magpahinga!

       Ngunit s araw- araw na lumilipas, buwan at hanggang ngayon na halos isang taon na kaming mgkasama ni Andrea sa iisang bubong, parang pakiramdam ko hindi pa din ako sakto para sa kanya.Oowh mahal nya ako pero nalalaman ko na lunalabas pa din sya paminsan-minsan kasama ang dati nyang customer nung nagtatrabaho pa sya sa club na pinapasukan nya noon. NAloloko pa din sa kanya hanggang ngayon yung Glenn na iyon na minsan na naming pinagtalunan noon. Nasasaktan ako sa tuwing nalalaman ko na ginagawa nya yun! natanong ko tuloy sa aking sarili kong hindi paba talaga ako sapat para sa kanya.

  
      Minsan naiisip ko nalang din na...paanu kaya kung ibabalik ko nalang sya kay Harry? total naman kayang ibigay ni Harry ang lahat ng pangangailangan nya. Hanggang ngayon naman kasi hinahabol pa din ni Harry si Andrea. Mas magiging masaya kaya sya muli dito? ngunit sa tuwing naiisip ko yun ay nadudurog ang puso ko. Hindi ko kaya na mawala sya sakin.

      Pilit naman din na pinapaintindi sa akin ni Andrea ang sitwasyun. Oowh nga naman...madami din kasi syang pangangailangan na kahit pilit ko man'g tugunan ay hindi ko pa din maibigay lahat.Kung ipinanganak nga lang sana akong mayaman, nasisiguro ko na magiging mas masaya sya sa piling ko.

      " sorry na..." pangungulit nya sakin nang minsang nalaman ko ang kanyang pakikipagkita sa ibang lalake. " ginagawa ko lang naman yun dahil sa pera! kung hindi naman ako binabayaran ng mga yun, hinding hindi nila ako makakasama! magalit ka sakin kung ginawa ko sayo ang ginawa ko noon kay Harry! na niloko ko sya kahit wala naman akong nakukuha sayo! ikaw yung mahal ko !" pagpapatuloy nya pero galit pa din ako hindi ako kumikibo. Hindi ko alam kung saan ako nagagalit. KAy Andrea ba o sa sarili ko.

       Ngunit wala pa man'g isang oras mula ng magaway kaming dalawa ay napapaamo na nya ako.

       Pagdating kay Andrea lumalambot ako kaagad. Nawala na yung dating Raydine na sinusunod lagi noon ni Casey noong kami pa ang magkarelasyun. AKO ang hari noon sa relasyun namin. Boses ko ang nasusunod sa loob ng bahay nung nagsasama pa kaming dalawa at paminsan-minsan nga ay napagbubuhatan ko pa ng kamay si Casey dahil lang sa simpleng pagaaway. NAisip ko nalang baka karma ko na si Andrea dahil sa pinaggagawa ko noon sa dati kong nobya. Kung pagselosan ko sya noon ay wagas kahit alam ko na wala naman talaga syang ginagawang masama sakin at kahit alam ko na wala naman talagang iba bukod sakin. PEro ngayon, kahit harap-harapan ko ng nakikita na hindi lang ako ang lalake sa buhay ni Andrea, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit patuloy ko pa din syang minamahal, gustong alagaan at pinaniniwalaan. Sa mga simpleng ngiti nya at paglalambing ay napapaamo na nya kaagad ako.

      Bukod kay Glenn ay karibal ko pa din hanggang ngayon si Harry kahit na tuluyan na silang naghiwalay ni Andrea.Kaya hindi ko maiwasang masaktan ng sobra.

       " laluvs" yun ang tawag sakin ni Andrea. nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya nasa trabaho kasi ako ngayon. " nandito si Harry sa bahay!" uminit ang ulo ko ng mabasa anh kanyang mensahe. HANggang ngayon ay ayaw pa din tantanan ni Harry ang asawa ko. Oowh asawa ko nga, dahil halos ilang taon na din naman kaminh nagsasama at kasal nalang ang kulang sa amin na hindi ko pa kayang ialok sa kaya dahil wala pa akong ipon.

      " bakit kasi ayaw nyu pang magbalikan na dalawa? pinapahirapan nyu pa nga sarili nyu! magbalikan na kayo at ng matahimik na tayo! kung hindi pa din pala ako sapat sayo!" sagot ko sa kanya kahit nasasaktan ako.

     " bakit kaba nagagalit huh? hindi ko naman sya pinapunta dito diba?  sya ang kusang nagpunta! so...gusto mo ba na ipagtabuyan ko sya palabas ng bahay huh? ipagtabuyan ko palabas ng bahay yung tao na walang ibabg ginawa kundi ang mahalin lang naman ako! yung taong niloko ko at sa kabila ng lahat kaya pa din akong patawarin at intindihin dahil mahal nya ako?!"

        " wag mo naman ipagawa sakin yun! maawa ka naman dun sa tao! gusto lang naman nya akong makita !yun lang! wala naman syang ginagawang masama sayo!" sunod-sunod na text ang natanggap ko galing sa kanya. At yun nga nag-umpisa na naman kaming mag-away na dalawa at dahil na naman yun kay Harry. Nakuha ko na nga si Andrea, hiwalay na nga sila ni HArry pero hanggang ngayon ay itinuturing ko pa din itong karibal sa babaeng mahal ko. Sabagay hindi ko sya masisisi, tulad ko...nagmamahal lang din sya, at ang babaeng mahal nya, ay ang babaeng minahal ko ng sobra.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon