CHAPTER 16
copyright@kyrayle23
Raydine’s POV:
Matagal ko’ng tinititigan ang suot ko’ng singsing sa kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman. Naniniwala na ako’ng mahal talaga ako ni Andrea. Hindi naman magbibigay ng singsing ang isang tao kapag hindi nila mahal yung bibigyan nila nito. Isa pa, lalake ako kaya alam ko yun.
Noon nga na kami pa ni Cassie, hindi ko naalalang bigyan sya ng singsing. May binigay din noon sa akin si Cassie kaya lang parang balewala lang yun sakin? Hindi gaanong masaya na katulad ngayon na si Andrea ang nagbigay sa akin ng couple ring.
Huminga nalang ako nang maluwag dahil parang naramdaman ko pa yung kaba na naramdaman ko kanina kaya hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ngayon. Buti nalang at wala gaanong tao, nakakapagmuni-muni ako kahit papanu. Naisip ko si Andrea. Nasa bahay nila sya ngayon, anu kaya ginagawa nya? Kasama nya kaya si Harry?
Kahit nandyan pa ang lalakeng yun, hindi ko iiwanan si Andrea. Hindi pa naman sila kasal at alam ko na mahal nya ako kaya ipaglalaban ko yun.
Sa ilang buwan naming pagsasama, walang araw na hindi ako naging masaya sa piling nya. Sya na ang perfect girl para sakin kahit pa maraming bagay sa kanya ang ayaw ko sa babae. Siguro naman pagdating ng tamang panahon na handa na si Andrea na iwanan ang nakasanayan nya, magbabago din sya kung talagang mahal nya ako.
Lahat-lahat na ayaw ko sa isang babae, kay Andrea ko nakikita. May karelasyun? At si Harry nga yun, nagtatrabaho sa club, medyo malandi kumilos, garapal minsan at hindi man lang halos natitikom ang bibig sa kakangiti sa kahit na sinong lalake na kakilala na pinakaayoko sa babaeng karelasyun ko. Gusto ko kasi sa babae, simple lang at tahimik.
At kabaliktaran doon ang babaeng dahan-dahan ko nang natutunang mahalin.
Noong una ay naguguluhan pa ako sa kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya. Pag gusto nya ako’ng makasama, cool lang ako pag ayaw nya kahit na nababadtrip ako, okey pa din sa akin. Ngayon, gustong-gusto ko nang lagi syang kasama at nakukulangan na ako sa oras na nilalaan nya sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo kaya lang pinapangarap ko na na makasama pa sya ng mas matagal sa loob ng isang araw, na nakikita ko naman na binibigyan nya’ng katuparan kaya napapasaya nya talaga ako.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Ficção AdolescenteTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...