CHAPTER 13 - Wondering why?

103 2 0
                                    

CHAPTER 13

copyright@kyrayle23

         Naguguluhan si Raydine sa kanyang sarili lalo na kapag naaalala nya ang mga pangyayari. Bakit ganoon? Dati lang sobrang maarte sya sa pagpili ng babaeng pwede’ng maging karelasyon. Pero bakit ngayon napasok sya sa ganito’ng sitwasyon?

          Dati, kahit gaano pa kaganda ng babae, kapag nalaman nya na meron na ito’ng karelasyon, binabalewala lamang nya iyon. Hindi sya yung tipo ng lalake na nanunulot ng girlfriend ng may girlfriend. Matino sya’ng lalake.Yun ang pagkakakilala nya sa sarili nya. Pero bakit ganoon? pagdating kay Andrea, hindi nya napipigilan ang kanyang sarili. Napapailing na nga lang sya kapag nagpa-flashback sa kanya ang mga nagaganap na eksena sa kanilang tatlo ni Harry at Andrea. Basta isa lang ang alam nya, hindi nya basta-basta isusuko si Andrea. Isa pa,hindi pa naman ito kasal kay Harry kaya may pag-asa pa sya. Kasalanan man sa mata ng iba, wala na sya’ng pakialam. Dito sya masaya.

            Sabi nga nila, “maiksi lang ang buhay sa mundo, gawin mo ang alam mo’ng makapagpapasaya sayo!”  at yun ang gagawin nya.

 

 

 

Andrea’s POV

            Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maging kami ni Raydine. At sa loob ng dalawang buwan na  yun, marami na ang nangyari, at ilang beses ko na din sya’ng ipinaglaban sa lahat lalo na kay Harry. Pero kahit ganun ang nangyari hindi pa din sumusuko si Harry sa akin. Patuloy pa din sya sa pagpapakita ng pagmamahal nya at dahan-dahan na din nya’ng natatanggap na hindi nalang sya ang nagmamay-ari sa akin. May kahati na sya. Inamin ko din naman sa kanya na mahal ko na si Raydine at kulang na ang araw ko pag hindi ko sya nakakasama. Kaya naman sa tuwing nagpapaalam ako sa kanya upang puntahan si Raydine, malugod nya ako’ng pinapayagan. “ umuwi ka ng maaga ha? At wag kang pagagabi, delikado sa labas” yun nalang ang naririnig ko mula sa kanya.

           Habang nagtatagal kami ni Raydine ay nararamdaman ko na unti-unting nababawasan ang pagmamahal ko kay Harry. Hindi ko naman sinasadya yun. Dahil nung hindi pa dumating si Raydine sa buhay namin ni Harry, masaya naman kami at kontento na ako sa kanya kahit pa wala sya’ng gaanong oras sa akin dahil nga sa trabaho nya at linggohan lang sya kung umuwi sa bahay. Kaya din siguro nabaling kay Raydine ang buong atensyon ko dahil sya ang lagi’ng nasa tabi ko magmula nang naging kami. Sa tuwing kakailanganin ko sya, kahit pagod na pagod na sya sa trabaho at sobrang antok na halos hindi na maidilat ang mga mata at gusto ng pumikit, pinupuntahan nya pa din ako. “ basta para sa babae’ng mahal ko, gagawin ko ang lahat” ito yung laging dialog nya sa akin. Hindi ko nga alam kung nambobola lang sya. Pero kung totoo man ang hinala ko, anu naman? Ginagawa naman din nya ang sinasabi nya at napapakilig nya ako.

           Tulad na lamang ngayon, wala ako’ng magawa dito sa bahay dahil wala din naman si Harry. As usual, umuwi na naman sa kanila pagkatapos ibigay ang isang linggo’ng allowance ko.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon