copyright@kyrayle23
Andrea's POV:
Magmula nang nagsama kami ni Raydine ay naging masaya naman ako sa piling nya. Pinagsisilbihan nya ako araw-araw, nilalambing na parang bata, kulang nalang kulambuan pa nya pati pagtulog ko upang hindi ako makagat lamok. Ganun sya kaprotective sa akin. KAya naman minsan para nalang tuloy akong bata kung ituring nya.
Sya din ang nagluluto sa bahay pagkatapos nyang magtinda sa pamilihan. Kahit alam kong pagod na sya... hindi nya pa din inaasa sa akin ang pagluluto. Para sa akin sulit na sulit na kung iiwanan ko man si Harry at ipagpalit ko sa kanya dahil aminado naman ako na maraming nagagawa si Raydine na hindi kayang gawin ni Harry. Isa na nga dun ang gawaing bahay.
Kaya lang, tulad ng iilang relasyun... meron at meron ka pa ding mararanasan na bagay kung saan maiinis ka, makaramdam ng pagkairita at pagkasakal. Masyado kasing mahigpit si Raydine lalo na sa mga damit na isusuot ko. Kapag nagsusuot ako ng damit na ayaw nya... hindi nya ako tinitigilan hanggang sa hindi ko ito hinubad. Away ang kalalabasan naming dalawa.Isa pa doon..hindi ko na napupuntahan ang nagiisa kong regular guest noon sa bar na kahiy hindi na ako pumapasok, y nagkikita pa din kami at nagbibigay pa din sa akin ng allowance,kumbaga....nakikipagdate ako isang beses man lang sana sa loob ng isang linggo. Extra income ko din kasi yun ngunit hindi ko na nagagawa dahil pinagbabawalan na nya ako.
" sige subukan mong gawin, kapag ginawa mo yun hinding hindi mo na ako makikita!" naalala ko pang sabi nya sakin. Ito lagi ang isinasagot nya kapag nagpapaalam ako sa kanya kapag tumatawag sa akin si Glenn. Hindi ko maitatanggi na nanghinayang ako sa kita ko sa kanya dahil malaki-laking halaga din kasi ang binibigay nya sa akin.
Isa pang kinaiinisan ko at lagi naming pinag-aawayan kapag nasa mga okasyun kami at napapainom na ako. Bilang isang babae na mahilig noon sa party-party at dati pang pumapasok sa Club, hindi ko maiwasan ang umindak sa tugtugan. Pinagbabawalan din nya akong gawin yun. Hindi naman nya ako totally pinapahiya sa mga taong naroon kaya lang nananahimik sya sa iisang tabi, salubong ang kilay at hindi ako pinapansin o kaya naman ay umaalis nalang sya bigla ng walang paalam.
" anu na naman ba ang problema mo?bakit ba galit ka na naman sa akin huh?anu na naman ang ginawa ko?" tanong ko sa kanya nung minsang may handaan sa bahay namin, araw iyon ng birthday nya. Nakita ko kasi syang nakasimangot at nakunot at salubong ang kilay.
" wala! " nagdeny pa sya sa akin nun.
" sus...kilala na kita noh! anu nga yun ha?bakit nga badtrip ka dyan!" paulit-ulit ko yung tinanong sa kanya hanggang sa magsawa sya.
" alam mo na yun!"
" dahil sumayaw na naman ako huh? grabe ka naman! wala namang ibang tao di ba? tayo-tayo lang! saka yung mga nasa loob...sanay na sa akin ang mga yun na ganito na ako! bago pa kita nakilala...kilalang-kilala ko na sila sa loob ng mahabang panahon" na ang tinutukoy ko ay sina Joven, Cocoy at Christian.
" kung puro babae lang ang nandoon hahayaan kitang gawin ang kahit na anung gusto mong gawin kaso may mga lalake dun! ang sagwa kaya ng sayaw mo!"
" anu naman ang masagwa sa sayaw ko aber? alam ko namang hindi masagwa dahil alam kong bagay sa akin ang pagsayaw ng sexy dance! gusto mo lang kasi...sasayaw ako na ikaw lang ang audience!" bulyaw ko sa kanya pero maya-maya ay inamo ko din. Baka kasi nakakalimutan natin na birthday nya ngayon. " dali na...tama na yang pagsisimangot mo! ngiti na dali!" at pinilit naman nya ang sarili nya na ngumiti tuloy naging magkamukha na sila ni Mr. BEn! " dali na! ayusin mo naman yang ngiti mo!" at maya-maya nga nun ay naging maayos naman ang mood nya.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...