copyright@kyrayle23
CHAPTER 2
Kahapon lang nakita ni Raydine ang babae , ganetong oras din iyon. Namimili sa kabilang pwesto na katabi mismo ng pwesto nila. Inaasam –asam nya na muli ito’ng makita upang makilala. “ sana mamimili uli’t sya”
Hanggang sa may tumawag sa kanyang pangalan. Si Ate Eula na nagbabantay sa mga pwesto nila sa gabi. Nagroronda ito sa loob ng pamilihan sa magdamag.
“ Ray…. May tuna ka pa ba dyan? Bibili sya?” anito sabay turo sa babae na nasa likuran nito.
Ngumiti nang maluwag si Raydine dahil muli nya’ng nakita ang babae na nakita nya kahapon. Maamo ang mukha nito na tila kaybait tingnan. Ngumiti din ito sa kanya at “ bat parang tulala ka?” anito kaya napayuko sya dahil nahihiya. Masyado naman kasi sya’ng halata na may crush sya dito kahit pangalawang beses pa lamang nya itong nakita.
Inaamin nya na sa kanyang puso ay may puwang pa si Cassie at hindi pa tuluyang nawawala ang pagmamahal nya dito ngunit nakakalimutan nya ang dating nobya kapag nakikita nya ang babae na kaharap nya ngayon.
Andrea’s POV
Ako si Alexa Andrea Ramirez.
Easy go lucky, masayahin,palatawa, walang pakialam sa iba kahit anu pa ang sasabihin nila, hindi uso sa akin ang mapapahiya sa iba! Basta ang mahalaga sa akin, masaya ako sa ginagawa ko.
Yung mga kapitbahay namin na tsismosa? Hindi ko pinapansin ang mga yun kapag nagkukumpul-kumpulan sila at pinag-uusapan ako dahil may iba na naman ako’ng kasama na lalake.
Ang maganda lang naman dito, kahit kelan ay wala pa’ng ni isa na humarap sa akin at pagsabihan ako sa mga mali na ginagawa ko except may mother. Ayoko ng tipo’ng napapahiya ako kapag pinagsasalitaan ako ng masama ng isang tao, pag ginawa nya yun? take note..manghihiram sya ng mukha sa aso at isa pa dun, mapapahiya sya ng sobra sa gagawin ko!
Lahat ng tao,walang malinis! Yun ang katwiran ko kaya wag nila ako’ng pakikialaman at wala ako’ng pakialam sa kanila kahit anu’ng gusto nilang gawin sa buhay nila.
Kahit nga sa mga nangyayari sa ating bansa, wala ako’ng pakialam kaya nga hanggang ngayon na twenty nine na ako, hindi pa ako nakarehistro at ni minsan hindi pa bumobuto.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Ficção AdolescenteTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...