copyright@kyrayle23
CHAPTER 5
Raydine’s POV
Matapos ang mangyari sa amin ni Andrea ay balak ko na sya’ng iwasan upang wala nang mamagitan sa aming dalawa. Ngunit bakit ganoon? Parang hindi ko sya magawang iwasan? Sa tuwing nagti-text sya,panay pa din ang sagot ko sa kanya at sa tuwing nagpupunta sya sa pamilihan,hindi ko maiwasang hindi tumingin at magpapa-cute sa kanya. Alam ko na gustong-gusto nya’ng tingnan ang mga mata ko kapag nagpapa-cute ako kaya ganun ang lagi ko’ng ginagawa sa tuwing nasa paligid ko lang sya.
Ang hindi ko pa maintindihan sa sarili ko, parang may kulang sa araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Tulad nalang ngayon, may natanggap akong text mula sa kanya na hindi nga raw sya makakapunta kaya hindi ko sya makikita. Bakit bigla akong nabadtrip at nawalan ng gana? Biglang nag-init ang ulo ko at nakaramdam ako ng panghihinayang na hindi ko sya makita. Dapat pala nag-half day nalang ako kanina kung wala din naman pala sya.
Hanggang sa………
“ anung klaseng kain yan ha?” nagulat pa ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na kanina ko pa inaasam na marinig at paglingon ko nakita ko ang mukha nya na nakangiti. Sabagay, lagi naman talaga sya’ng nakangiti kaya napakabait nya’ng tingnan dahil lahat nalang nginingitian nya. Natulala nalang ako at nakaramdam ng hiya dahil nakita nya ako’ng kumakain sa ganun eksena. Nakatayo, may plastic sa kamay dahil wala ako’ng gamit na kutsara at tinidor. Kaya napasimangot nalang ako ng mapalingon sa kanya. Kala ko ba hindi sya pupunta? Kung alam ko lang na dadating naman pala sya, dapat pala kanina pa ako kumain at ngayon tapos na sana? Hindi na sana nya ako naabutan. Nakakahiya naman talaga. Nakita nya siguro kung gaanu kalaki ang kanin na isinubo ko kanina? Haiiiiiiizzzst!! Kainis!
Ngunit sa kabila nun, happy ako dahil makakasama ko na naman sya, masaya na ako’ng nagkukwentuhan kami na umaabot hanggang sa masaraduhan na kami ng pamilihan.
Pasimple ko sya’ng sinusulyapan habang paikot-ikot at naniningil ng mga pautang nya. Nakangiti, masaya, at madami’ng gusto’ng kumausap sa kanya. Maya-maya din ang daan nya sa pwesto ko kaya madalas ko’ng naaamoy ang gamit nya’ng pabango na gusto’ng-gusto ko’ng amuyin. Yun din ang gamit nya nung unang may mangyari sa amin. Sa tuwing napapadaan sya ay halos lagi kami’ng nagkakadikit. Ewan ko ba pero may kutob ako na sinasadya din nya na madikit sa akin. Kinikilig ako alam ba nya yun? at parang na-i-in love yata ako sa mga tingin nya na parang inaakit ako. shit, tumbling! Naaakit na yata ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/27489644-288-k654518.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...