CHAPTER 19
copyright@kyrayle23
“ kailangan na nating maghiwalay!” isang text ang natanggap ni Raydine mula kay Andrea. Biglang kinabahan doon ang binata kaya dali-dali sya’ng nagreply dito.
“ pero bakit naman po? May nagawa ba ako’ng mali sayo?”
“ wala! Pero ako…ako ang may nagawang kasalanan kaya kailangan mo ng makipaghiwalay sa akin”
“ hindi po pwede, mahal kita!”
“ mahal? Hindi mo alam ang salitang yan! Kapag nalaman mo ang lahat-lahat sakin, sigurado ako’ng hindi mo na ako mamahalin!” mas lalong kinabahan si Raydine sa sagot nito ngunit pinakalma nya ang kanyang sarili. Mukhang may sasabihin sa kanya si Andrea na hindi nya alam kung matatanggap nya ba o hindi. “ madumi ako’ng babae, kaya hindi moko dapat na mahalin! Hindi ako nababagay sayo kaya ngayon palang….makikipaghiwalay na ako! mahal na mahal kita, pero kailangan ko’ng lumayo sayo!” nag-init ang kanyang tenga sa kanyang narinig. Hindi muna nya sinagot ang mensahe na iyon at kinalma muna ang sarili. Nakiramdam kung kaya ba nya’ng iwanan si Andrea o ilalaban nya ang relasyun na nag-uumpisa pa lamang na mabuo dahil unti-unti na nya’ng minahal ang babae.
Maya-maya lamang ay nagreply sya sa text mula rito.
“ hindi..ayoko, ayokong maghiwalay tayo, pero kung may sasabihin ka, sige sabihin mo lang! makikinig naman ako! mahal na mahal kita”
“ mahal? Mamahalin mo pa ba ako kapag nalaman mo na isa akong bayaran na babae? Na marami ang lalake’g sumisiping sa akin? Sa trabaho ko, iyon ang kadalasan na ginagawa naming kapalit ang libo-libong halaga na ibinabayad sa amin ng customer namin! Ngayon.. mamahalin mo pa ba ako ha?”
Biglang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Raydine sa narinig nya mula kay Andrea. Nagagalit sya hindi kay Andrea ngunit sa kanyang sarili dahil kung pinanganak lamang sya na mayaman, hindi na kailangang pumasok doon ni Andrea. Matutustusan nya ang mga pangangailangan ng babae at maibibigay dito ang buhay na nakasanayan at aalisin nya ito sa maduming trabaho na iyon.
Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili sa mga sandaling ito dahil sa kabila ng lahat na kanyang nalaman, wala pa rin sya’ng balak na iwanan ito. Mahal sya ni Andrea kaya ipaglalaban nya ang pagmamahal nito sa kabila ng kanyang nalaman.
Inisip nya na kung talagang mahal sya ng dalaga, ay magbabago din ito. Ang pagmamahalan nila ang magiging daan upang magbagong-buhay ang babae at tutulungan nya ito’ng magbago.
Namalayan na lamang nya ang kanyang sarili na dina-dial ang numero ni Andrea. Wala sya’ng pakialam kung kasama ngayon ng babae si Harry.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Novela JuvenilTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...