CHAPTER 10
copyright@kyrayle23
Harry’s POV
Mahal ma mahal ko si Andrea, handa ko’ng gawin ang lahat para lang hindi sya mawala sa akin. Pero sa mga nangyayari ngayon, nangangamba ako na baka isang araw magising na lang ako na wala na sya at naagaw na sya ng KABOTE na yun! na bigla nalang sumulpot sa buhay namin ng fiancée ko at magiging dahilan na manganganib na ngayon ang aming relasyun.
Sa mga nakikita ko na ginagawa nya, sa pagtakas pa lamang nya sa akin ngayon upang puntahan ang lalake na yun hindi ako pwede’ng maging kalmado. Ngayon ko lang nalaman kung gaanu ko sya kamahal.
Kung dati, pagkatapos ko’ng ibigay sa kanya ang lahat nang pangangailangan nya, at pag nagawa na yun ay panatag na ako’ng umaalis ng bahay nya upang umuwi sa amin, ngayon…kinakabahan na ako ng sobra. Ganoon pala sya kahalaga sa akin, ganoon kop ala sya kamahal. Ngayon ko napatunayan na hindi pera ang sagot upang makasama mo habangbuhay ang taong mahal mo dahil nakikita ko ngayon na mas masaya na sya kay Raydine.
“ anong gagawin ko?” habang hawak-hawak ko ang ulo ko, biglang sumakit iyon dahil nag-aalala ako kung nasan na sya ngayon. Alam ko na sa mga oras na ito, magkasama na sila’ng dalawa. “ may nangyayari na kaya sa kanila?” biglang naninibugho ang damdamin ko nang maalala yun.
Kung pinayagan ko nalang sana sya kanina na kausapin si Raydine sa labas ng bahay bago ito umalis, malamang hindi na nya ako tatakasan. “ mali yata ako dun” ang saglit na oras na mag-uusap sila at ihingi ako ng paumanhin sa ginawa ko, ang kapalit ay ang buong magdamag na hindi ko sya kasama. Mababaliw na yata ako. Biglang sumakit ang batok ko kaya napahawak ako dun. Kinakabahan ako ngayon. Anu na kaya ang ginagawa nila? “ shit, umuwi ka na Andrea..hindi ko kaya na mawala ka sa akin”
Hinabol ko sya kanina nang bigla sya’ng tumakbo paakyat sa itaas ng bahay at kahit hindi ko naman naisip ko’ng anu ang binabalak nya, bigla ako’ng kinabahan. Matalino si Andrea. Siya yung tipo ng babae na maloko pa sa lahat ng maloko, kaya nya’ng gawin ang lahat ng bagay na ninanais nya’ng gawin makuha lang ang gusto nya, minsan nga ay para sya’ng bata na nagtatatalon kapag nakukuha nya ang mga nais.
Sa bilis ng kilos nya, hindi ko na sya naabutan hanggang sa “ bluggggg!” naisara na nya ang main door ng second floor kaya wala ako’ng ibang ginawa kundi ang mangatok at magmamakaawa na pagbuksan nya ako ng pinto, ngunit nagkamali ako. Sa kagustuhan nya’ng umalis ng bahay upang puntahan si Raydine, hindi man lang sya naawa sa akin.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Roman pour AdolescentsTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...