CHAPTER 11
copyright@kyrayle23
TWO MONTHS in relationship na ang status ni Raydine at Andrea. Sa loob ng dalawang buwan ay hindi pa din nila maintindihan ang sarili kung anu ba talaga ang nararamdaman nila sa isat-isa.
Raydine Mondrald ay patuloy pa din sa pag-iisip kung anu ba talaga ang puwang ni Andrea sa puso nya. Basta ang alam lang nya masayang-masaya sya kapag kasama ang dalaga. Every moment, every minute, every hour and everyday sya’ng pinapasaya nito kaya naman nasasanay na sya sa presensya ng dalaga.
Tila may kulang sa kanyang pagkatao kapag hindi nya ito nakita sa loob ng isang araw. Nandoon yung nag-iinit nalang bigla ang ulo nya at naiirita dahil na-miss nya ito.
Kaya naman pag niyaya sya nito sa inuman kung saan doon sila laging nakakapag-bonding, pinagbibigyan nya ito kahit pa kasama nila si Harry. Oowh, tama ang narinig nyu, hindi nya alam kung anu ang nakain ni Andrea o pinagtripan lang sila’ng dalawa ni Harry dahil minsan sila’ng tatlo ang nag-iinuman. Syempre hindi natatapos ang gabi na hindi nya natitikman ang labi ni Andrea dahil kapag umaalis kahit saglit lang si Harry papunta sa Toilet, hinihila nito ang mukha nya at hinahalikan nalang bigla. Kaya walang oras na hindi napapa-angat ng dalaga ang likido nya sa katawan. Lagi sya’ng pinasasabik nito na ginagawan naman ng paraan ng dalaga upang may mangyari na nga sa kanila.
Hindi nya maintindihan ang sarili kung dahil lang bas a SEX kaya lalong napapagaan ang loob nya sa babae. Hindi naman sya ganoon kamanyak para sa bagay na yun. Conservative sya’ng tao at hindi sya basta-basta na nakikipagsiping sa kahit kanino’ng babae.
Inaamin nya na noong bago pa lamang sila naghiwalay ni Cassie, tumikim sya ng ibang putahe, siguro kung hindi sya nagkakamali, mga Apat na babae din ang pinatikim nya ng kanyang pagka-yummy. Kaya lang, matapos may mangyari sa kanila, iniiwasan na nya ang mga ito o kaya hindi na nya sinasagot ang mga text ng mga ito. Wala naman kasi sya’ng balak na ipagpalit noon si Cassie. Pero kay Andrea, labis pa din sya’ng naguguluhan dahil kahit ilang beses nang pauli-ulit na may nangyari sa kanila, hindi pa din sya nagsasawa rito.
Sa tuwing niyayaya sya nitong lumabas, at hindi naman sya tanga upang hindi malaman na pagkatapos nila’ng mag-jamming, napapapadpad na sila sa malamig na lugar kung saan nakilala na nga sila dahil halos isang beses isang linggo sila kung mag-check-in, pumapayag nalang sya kaagad sa gusto’ng mangyari ng dalaga. “Anu nga ba ang meron sa Andrea na yun?” naguguluhan sya. Para sya’ng alaga nitong hayop na umaamo sa tuwing tinatawag sya.
Isa pa, ang pinagtataka nya lalo, paanu sya napapasunud ni Andrea gayung kahit kelan, hindi nya binalak o kahit inisip na papatol sya o makipagrelasyon sa babae’ng may sabit na …na katulad ni Andrea.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...