CHAPTER 7 - pagbabalik ng dati'ng minahal( sino ang magwawagi?)

170 2 0
                                    

CHAPTER 7

copyright@kyrayle23

          Naka-black dress na above- the –knee ang haba at may manggas, naka-doll shoes, nakalugay ang mahaba na buhok, at may suot na accessories na all black, ganito ang suot ngayon ni Andrea papunta sa pamilihan. Nagmamadali pa sya dahil excited sya’ng makita ang binata.

           “ ayan na sya” narinig nya’ng bulung-bulungan ng mga tao roon na kakilala na rin nya sa mukha.

          “ naku, yari na!” narinig pa nya’ng sabi ng isa. Hindi nya alam kung anu ang nangyayari sa kanyang paligid. May nagaganap ba’ng hindi nya alam? Hanggang sa nakita nya si Raydine na papalapit sa kanya. Sinalubong sya ng lalake na natutunugan nya’ng may nais sabihin dahil kahit na nakangiti ito sa kanya, parang may kakaiba sa dating ng pagmumukha nito. Ginantihan na lamang nya ito ng ngiti.

              Nang tuluyan na ito’ng makalapit sa kanya ay bigla sya’ng binulungan nito kaya naman ang lapit ng pagmumukha nila sa isa’t-isa. Magkadikit na magkadikit kaya naaamoy nya ang pabango ng lalake. Gustong-gusto nya ang amoy na yun.

           “ nandyan si Cassie, gusto ka raw makita” kaya naman nahampas nya ito sa gulat at nasabunutan pa ang buhok sa ulo. “ aray, bat mo ako sinasabunutan?!” habang hila-hila nya ito.

          “ bakit naman kasi, hindi mo sinabi sa akin na nandito sya ha? E di sana nakapaghanda man lang ako di  ba? Bakit kung kelan nandito na ako, saka mo sasabihin na nandito sya ha?!”

          “ hindi ko naman po kasi alam eh? Kala ko aalis din sya agad pero hindi naman pala”

             Kung nagkataon siguro na mahal na nya ang lalake, malamang magseselos sya sa muling pagbabalik ni Cassie, kaso dahil hindi pa nga nya maintindihan ang naramdaman para dito, balewala lang sa dalaga ang mga nangyayari ngayon.

             Wala sya’ng pakialam kung magbalikan pa ang dalawa, ang mahalaga nakuha na nya si Raydine at alam na nya sa sarili nya na bago ito bumalik kay Cassie, napagtaksilan na nito ang babae na  yun. Sabagay, deserving din naman si Cassie sa pagtataksil na  yun dahil ilang beses na rin naman nya’ng sinaktan si Raydine. Kaya nga sya nagkaroon ng kaugnayan kay Raydine upang makaganti man lang ito sa babae’ng nanakit dito. Awa ang nararamdaman nya sa binata dahil sa kabila ng tapat na pagmamahal nito, nagawa pa din ito’ng saktan ni Cassie, at sya bilang mapagpanggap na hero’ng tagasalo ng mga nasasaktan, heto sya at handing tulungan ang lalake. Hindi na nya inisip kung anuman ang kahihinatnan ng lahat, ang mahalaga, masaya naman sya sa ginagawa nya.

Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon