copyright@kyrayle23
CHAPTER 1
Nakatigin si Raydine sa maliwanag na buwan sa kalangitan ng gabi’ng iyon. Masama’ng-masama ang kanyang loob dahil sa pananakit ni Cassie, ang kanyang ex-gf na nang-iwan na lamang sa kanya ng basta-basta.
Ilang taon din ang kanilang pinagsamahan pero parang balewala lamang iyon sa babae. MINAHAL at inalagaan nya ito at binigay ang kahit na anung ginusto, ngunit bakit parang hindi man lang ito nag-atubili na iwanan sya?
Hindi na kaya sya nito mahal? O minahal nga ba talaga sya nito? Kaya mabilis pa sa kidlat na sya’y iwan ng babae sa kabila ng kanyang pakiusap at pagmamakaawa na wag sya’ng iwan nito at bumalik na ito sa kanya?
Sa isang bahagi naman ng kanyang puso, ay may hindi sya maintindihan roon.
Umiiyak sya ngayon sa ilalim ng maliwanag na buwan habang nakatingala at nakadungaw sa bintana ng kanilang bahay dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito ngunit sa isang sulok ng kanyang puso, naroon ang determinasyon na ayaw na nya’ng balikan ang babae oras na muli ito’ng makiusap at bumalik sa kanya na katulad ng lagi nito’ng ginagawa noon.
Sa loob ng Pito’ng taon nilang pagsasama ay ilang beses na nya itong inintindi sa paulit-ulit na ginagawang pakikipaghiwalay sa kanya. Karamihan nga sa kanyang mga kaibigan ay sinasabihan sya na wag na ito’ng muling tanggapin oras na muli sya’ng iwan. Ngunit dahil sa pagmamahal nya rito, hindi nya pinakinggan ang mga ito. Sa halip ay sinusuyo nya si Cassie upang muling makipagbalikan sa kanya. At matapos nga ang ilang buwan na pagwawala nito ay parang walang nangyari na bumabalik sa kanya ang kasintahan.
Ngunit ngayong huli ay sobra sya’ng nasaktan sa ginawa ng babae. Nalaman nya na meron na ito’ng ibang napupusuan at nang mahuli nya ito sa pamamagitan ng cellphone, kung saan sya ang nakasagot sa isang tawag sa cellphone ng babae nang minsang magkita sila at mag-check-in sa isang Motel, umamin ito sa kanya na meron na nga ito’ng iba.
Dahil doon ay nawalan sya ng gana rito. Kahit masakit ay pinilit nya ito’ng kalimutan.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Dla nastolatkówTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...