CHAPTER 20
copyright@kyrayle23
Andrea’s POV:
December 31 na ngayon, mamaya-maya lamang ay bagong taon na. sabi nga nila…bagong taon bagong buhay.
Kadalasan kapag bagong taon ay dito kami nagtitipon-tipon sa bahay ng Mommy ko. Pag bagong taon kasi may ginagawang ritwal an gaming pamilya. Kahit pa sabihing nakabukod na ako ng bahay, hindi pa naman ako talagang nag-asawa kaya dito pa din ako magsi-celebrate ng bagong taon sa Mommy ko.
Masaya naman ako ngayon kaya lang hindi buo dahil wala dito si Raydine. Pero nandito naman si Harry. Tuwing bagong taon ay kasama ko na sya’ng magcelebrate.
Natapos na ang putukan sa labas at tapos na din an gaming ritwal nang naglakas-loob akong lapitan si Harry.
“ papupuntahin ko sana dito si Raydine? Okey lang ba sayo?”
“ bakit na-miss mo ba sya?”
“ oowh, pwede ba?”
“ ikaw bahala! Kung san ka masaya, sige…tagasuporta lang naman ako eh!” sabi nya sa akin. Kung tutuusin sobrang bait nya di ba? Na minsan ay hindi ko na din maintindihan kung saan galing ang lakas ng loob nya na tanggapin ang sitwasyon namin na harap-harapan nya’ng alam na nilolokoko sya at ipinagpalit sa iba ngunit hanggang ngayon ay kumakapit pa din sya sa isang relasyon na matagal nang sira.
Raydine’s POV:
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay naming. Wearing all white clothes. White shorts and white T-shirt dahil ito ang gusto’ng ipasuot sa akin ni Andrea. Ganito daw kasi ang sinusuot nila kapag New Year.
Kanina pa ako niyayaya ng mga kaibigan ko na magtagay kaya lang sabi ni Andrea, bawal daw. Buong taon daw akong lango kaya sinunod ko nalang sya.
Kanina ko pa gustong papakin ang litson kaya lang naiilang ako dahil bawal daw gumamit ng tinidor, kutsilyo o mga matutulis na bagay dahil malas daw iyon. Dahil ayokong mag-away kaming dalawa at ayokong magalit sya sa akin, susundin ko nalang sya. Nagkasya nalang ako na patunugin ang barya sa bulsa ko, sabi din ito ni Andrea, dapat madami ako’ng barya sa bulsa.
Ewan ko ba kung anong gayuma ang pinainum sa akin ng babaeng iyon at naging sunud-sunuran ako sa kanya. Sa katunayan, namimiss ko sya ngayon ng sobra. Gusto ko sya’ng makasama kaya lang hindi naman pwede. Mainit ang dugo ng Mommy nya sa akin. Inaway pa nga ako noon sa Facebook at ewan ko din kung paano nya nakuha ang dalawang number ko dahil biglang nagtext sa akin upang sabihin lang sa akin na iwasan o kaya tantanan ko na ang anak nya. Isa pa, alam ko’ng magkasama ngayon sila ni Harry.
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Teen FictionTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...