copyright©kyrayle23Andrea's POV:
Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Unti-unti na itong pumapatak mula sa aking mga mata habang patuloy ang pagtatype ko sa keyboard ng cellphone. Kausap ko si Raydine.Pinaalis ko na si Harry kahit naaawa ako sa kanya para wala ng masabi pa si RAydine. Kahit labag sa loob kong gawin ang bagay na iyon dahil naaawa ako sa kanya ginawa ko pa din.
" ahhhh...sige alis na ako?!" agad nyang sabi kanina bago umalis at nakikita ko sa mukha nya na gusto pa nyang mag.stay kahit sandali upang makapagusap pa kaming dalawa. Parang dinurog ang puso ko sa ginawa kong iyon. Pero kailangan kong gawin upang hindi na humaba pa ang pagtatalo namin ni Raydine.
Naisip ko tuloy na masyado syang unffair! dahil noong kami pa ni Harry ang magkasama at sya pa ang nasa posisyun na kinaroroonan ngayon ni Raydine, ay hindi sya nito pinagbawalan na makita ako. PAnatag kasi noon ang kalooban ni Harry na kahit anung mangyari sya ang pipiliin ko dahil mas naipakita nya sa akin ang todong pagmamahal at pag-aalaga.
Noong alam nya na bukod sa kanya ay meron pang iba, mas madalas na nya akong alagaan at iniintindi. Itinuring nya akong Prinsesa na kahit pati pagkain ko, sinusubuan nya pa ako. Ang katwiran nya, maghiwalay man kaming dalawa ay wala syang pagsisisihan dahil alam nyang naibigay nya ang lahat-lahat.
Nag-flash back ang mga nangyari noon sa utak ko ngayon habang kausap ko sa text si Raydine kaya napahagulgol nalang ako ng iyak.
Nakokonsensya ako dahil sa kabila ng pagmamahal sakin ni Harry noon ay nagawa ko pa din syang lokohin. Kung umiwas lang sana ako sa tukso habang maaga pa ay hindi sana nangyari ang ganetong sitwasyun ngayon.
Lahat ng hinanakit ng dibdib ko ay sinabi kong lahat sa kanya.
Pinaalala ko sa kanya upang malaman nya na hindi na nya kelangan na magalit o magselos pa dahil hawak na nya ako.
" wag mo naman sanang gawin sakin to ! magkasama na tayo ngayon diba? ang gusto lang naman ni Harry ay ang makita lang ako!"
" nakokonsensya ako laluvs! wala naman kasing ginawang kasalanan sakin yung tao! kaya anu gusto mong gawin ko kapag dumalaw sya sa akin dito?"
" gusto mo pagtabuyan ko sya? minahal lang naman nya ako at gusto ko lang suklian yun sa ibang paraan kahit sa kausapin ko man lang sya! naalala ko dati...nung nagsasama pa kami, konting sinat at sama ng pakiramdam ko nagkakandarapa na sya kaagad maghanao ng gamot ba ipapainum sa kin! samantalang nung sya ang inaapoy ng lagnat na halos hindi na maidilat ang mata, iniwan ko sya dito sa bahay na nag-iisa! nasan ako nung mga oras na kailangan nya ako? nasayo! ikaw ang kasama ko nagpapakasarap samantalang sya dito sa bahay nahihirapan na sa paghinga sa sobrang taas ng lagnat!" habang tina-type ko ang mga iyon ay patuloy ako sa paghagulgol.
MULI kasing bumalik lahat ng pangit na alaala na ginawa ko noon kay Harry, at lahat ng alaalang yun ay puro pasakit para sa kanya. Kung tutuusin na kay Harry na lahat ng karapatan para kasuklaman ako pero hindi nya ginawa. Sa halip ay patuloy pa din nyang ipinapakita ang kanyang pagmamahal sa akin.
Muling tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko ito kaagad.
" yung mga nararamdaman nya alam mo....paanu naman yung naramdaman ko?alam mo ba?" at iyon na ang huling mensahe natanggap ko galing sa kanya. Kahit pa panay ang text ko ay hindi na nya sinasagot kaya mas lalo pa akong napasubsob sa unan sa kakaiyak dahil alam ko na nasaktan ko si Raydine. Ramdam ko yun dahil sa sinabi nya. Hindi ko man gustuhin na saktan ni isa sa kanila, nasasaktan at nasasaktan ko pa din silang dalawa.
Sana pala hindi ko nalang hinayaan na muling magkita pa kami ni Harry.Siguro ay tuluyan na sana nya akong nakalimutan.
Hindi ko lang din kasi napigilan ang sarili ko dahil halos kalahating taon din kaming hindi nagkita magmula noong sinabi ko sa kanya na huwag na syang umuwi ng bahay at tuluyan na kaming nagsama ni Raydine dahil mula nung nagbalik sya ay nagulo na ang utak ko at buong pagkatao ko. Parang may parte kasi doon na nagsasabing mahal ko pa si Harry. Pagmamahal nga ba talaga o namimiss ko lang sya?
FEW DAYS BEFORE....
Halos kalahating taon na hindi nagparamdam si Harry kay Andrea. Kaya naman nung nalaman ni ANdrea na dadalaw sa lugar nila si Harry ay mabilis pa sa alas kwatro ang sagot nya na "oowh, sige punta ka dito" kina Migz, asawa ng Tita ni Andrea ang punta ni Harry kapag bumibisita ito. CLose kasi ang dalawa at lagi itong nag-iinuman noon.
Bagong taon kaya pumasyal si Harry.Excited si Andrea na makita ito kaya naman ng nalaman nya na nandoon na ito sa bahay ng Tiyahin nya ay agad syang nagpunta. Nasa trabaho pa noon si Raydine kaya pede pa nyang gawin iyon. Wala pa syang kaaway.
"hi babz" aniya. ito na ang tawag nya sa lalake ngayon.Kung dati ay babe , mula noong hindi na sila nagkikita ay "babz" na . Medyo chubby kasi noon si HArry kaya Babz for short ng baboy.
" hi "! sagot naman sa kanya ni HArry na nakangiti at halatang sabik na sabik na makita sya. Tumabi sya sa tabi nito at hinalikan ito sa pisngi kaya nagkakatuksuan kasama ng mga kasamahan nilang nag-iinuman.
" bilib talaga ako sayo Andrea!" sabi nung isa. Jhun ang pangalan nya.
" bakit naman?"
" lahat kasi kaya mong pakisamahan!" anito na parang lasing na.
" wala naman kasi syang ginawang masama sakin noon kaya hanggang ngayon okey pa din kami!"
Kahit matagal ng hindi nagsasama at nagkita si Andrea at Harry ay parang wala pa ding nagbago sa samahan nila. Hindi pa din sila nagkakailangan sa isat-isa! sabagay ...limang taon din ang pinagsamahan nila noon bilang mag-asawa. At katulad ngayon kay Raydine, kasal nalang din ang kulang sa noon sa kanila.
Kitang-kita ni Andrea ang saya sa mukha ni Harry. Mas napapasarap pa ang pagtungga nito ng alak dahil katabi nya si Andrea.
Lumipas ang ilang oras , hanggang sa narinig na ni Andrea ang motor na minamaneho ni Raydine. Nandun na ito sa bahay nila.Rinig na rinig nya ito mula sa bahay ng Tiyahin nya. Malapit lang naman kasi.
" babz, alis na ako? nandyan na si Raydine"
"sige" anito pero biglang nalungkot.Kita agad iyon ni Andrea ngunit kailangan na nyang umalis.
Ngunit bago pa man sya nakalabas ng pinto ay nasa harapan na nya si Raydine.
Nakangiti ito kay Harry. " ayos tayo ngayon ah? pumayat ka na ah?mukhang busy ka na?" anito kay Harry.
"ay oowh! hindi kasi ako gaanung nagkakakain ! tinira ako ng highblood kaya diet ako! kamote lang lagi kinakain ko!" sagot naman ng isa at ipinakita pa nito ang tyan.
" ako naman ang lumaki ngayon, wala ng exercise eh!" si Raydine.
Nagusap ng pormal yung dalawa kaya medyo naging panatag na si Andrea at natutuwa dahil natutong makisama ni Raydine kay Harry.
Tama nga naman ang sinabi nito. Sya man kanina ay humanga sa kagwapuhan ngayon ni Harry. Pumayat ito at lumiit ng bahagya ang mukha.Mas pumuti at mas kuminis kesa dati. At kung noon ay nagkatiyan ito dahil hindi na nag.gi.gym, ngayon ay flat na flat na ang tiyan nito. Medyo malayo na noong huling kasama nya pa ito.
NAkijoin si RAydine sa inuman kaya nagtagal pa doon si Andrea. Bagong taon, bagong buhay at magkasama silang tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/27489644-288-k654518.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Mister CONSERVATIVE at Si Miss LIBERATED (kyrayle23)
Roman pour AdolescentsTwo people fall in love with each other with different fashion in life.A man that is so conservative, and a girl lives in different ways, she is so liberated.Can they handle their situation? or they will end up to break up!!Well...lets see...if how...