Chapter 93

140 7 0
                                    

Zen's POV

Tapos ko nang basahin ang tatlong libro kaya huminto muna ako sa pagbabasa. Napansin ko naman na may paparating na kotse papunta rito sa amin kaya sumilip muna ako sa bintana upang makita iyon.

Bumaba naman sa kotseng iyon si Mr. Richard. May kausap siya sa loob ngunit hindi ko makita kong sino iyon dahil tinted ang salaman ng sasakyan. Lumingon naman sila sa gawi ko pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanila. Mga ilang sandali lang din ay ipinagpatuloy ko na muli ang aking ginagawa.

"Ilang libro na ang natapos mo?" masayang bungad ni Mr. Richard nang makaakyat siya rito sa silid-aklatan.

"Pang-apat na ito."

"Nga pala, kasama ko ang isa sa mga ng Konseho."

Hindi naman ako sumagot.

"Nagugutom ka na ba?"

"Ba't ganito ang pamamalakad na mayroon kayo?" tanong ko sa kaniya.

Mukha namang natigilan siya at hindi agad nakasagot sa itinanong ko.

"Marami ho akong nakikitang butas, lalo na sa Konsehong tinutukoy n'yo."

"Sila ang nagtataguyod ng mga prinsipyo ng katarungan, kaayusan, at kaunlaran sa loob ng bansa. Ang kanilang mga tungkulin ay kasama ang pagpapatupad ng mga batas, pagbuo ng mga patakaran, at paggabay sa pagsulong ng bansa sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay. Sila ang naglalayong mapanatili ang kahalagahan ng hustisya, pagkakapantay-pantay, at kalayaan sa lipunan. Ang Konseho ang siyang nagsisilbing tagapagdala ng balanse at kaayusan sa pamamahala ng mga bansang nasasakupan ng UK."

Seryoso naman akong tumingin sa kaniya.

"May mali ho. Hindi ho gano'n ang naiintindihan ko."

"Maiintindihan mo rin kung ano bakit ganito ang pamamalakad ng Konseho."

"Hindi pamamalakad ang nakikita ko. Paghihigpit."

"Ang pangunahing layunin ng Konseho ay tiyakin ang balanseng implementasyon ng batas sa mga bansang nasasakupan nito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga patakaran at regulasyon na sumasaklaw sa mga pagsasagawa ng batas, nais ng Konseho na masiguro ang pagkakaroon ng pantay na pagpapatupad ng mga batas at paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng pagiging balanse, naglalayon ang Konseho na maiwasan ang pag-abuso at pagkakaroon ng hindi patas na pagsasagawa ng batas, na naglulunsad ng isang matatag at maayos na legal na sistema para sa mga bansa nito."

"Tinatanggal n'yo ang karapatan ng mga tao sa iba't ibang aspeto."

"Maiintindihan mo rin ang mga ito."

"Ayokong bulagin ang sarili ko."

Nakita ko naman na alam niyang seryoso ako sa iminutawi ko. Tumayo naman na ako at ibinalik 'yong mga libro.

"Tara na ho. Maghapunan na ho tayo."

Bumaba naman na kami at tumungo sa kusina. Pagdating doon ay halos magulantang na lang ako sa daming nakahain sa hapag-kainan. Akala mo ay may piyesta kaming pinuntahan sa dami ng pagkain. Gano'n din ang napakahabang lamesa na kasya ang dalawampung katao.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now