Chapter 82

188 14 0
                                    

Zen's POV

"Z-Zen, anak..."

Lumingon naman ako kay Mr. Richard.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatingin naman ako sa gilid dahil kasama niya rin si Mr. Mendiola pati 'yong tatlong bodyguard niya.

"Z-Zen..."

Matagal akong napatingin kay Mr. Richard dahil napansin ko na may kakaibang anyo siya ngayon. Iba ang kanyang presensya, at mababasa mo sa kaniyang mga mata ang kapangyarihan na taglay niya. Hindi ko maiwasang maramdaman ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ako sanay sa ganitong mga pagbabago.

"Ano hong ginagawa niyo rito?" takang wika ko habang tinitingnan sila.

"W-We need to talk."

"Wala ho akong oras."

"B-But-"

Hindi ko na siya pinahintulutan na tapusin ang kaniyang sinasabi at agad akong tumayo at naglakad palabas. Ang pag-alis ko ay hindi dulot ng kawalan ng oras, kundi sa malalim na pagninilay sa mga naganap sa pagitan namin sa mga nakaraang sandali. Sa kabila ng aking pag-aalala at pagdaramdam, napagtanto kong ang koneksyon at pagkakaunawaan sa pagitan namin ay unti-unti nang nawawala.

Hindi maikakaila na ang mga salitang binitiwan niya ay puno ng emosyon at pagnanais na maging malapit sa akin. Subalit, sa kabila ng mga iyon, alam kong hindi ito sapat upang mapanatili ang koneksyon namin. Sa aking puso, unti-unti kong nararamdaman na hindi ko na siya kailangan sa aking buhay. Ang aming relasyon ay puno na ng mga masalimuot na kaganapan, mga pagkakataon ng pagkabigo, at kawalan ng pagsasang-ayon. Sa kabila ng mga ito, hindi na ako handang magbigay ng mas marami pang oras at enerhiya upang kilalanin siya pa nang mas mabuti.

Batid ko na ang aming relasyon ay may mga kakulangan at hindi na angkop para sa akin. Hindi na ako magtitiis sa mga hindi pagkakaunawaan at masasakit na salita. Bagkus, mas pinili kong alagaan ang aking sarili at ang aking emosyonal na kalusugan. Ang mga oras na dati'y aking inilaan para sa kanya, ngayon ay ibinigay ko sa sarili ko.

"A-Ako ang Tatay mo."

Napangisi na lang ako habang pinipigilang huwag maluha sa nagbabadyang mga luha ko. Huminga naman muna ako nang malalim bago ako humarap sa kaniya.

"Ano naman ho ngayon? Hindi ho magbabago ang tingin ko sa sinabi ninyo."

"Z-Zen..."

"Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ng Ama."

"P-Please, Anak. P-Pakinggan mo naman si Papa..."

"Papa? Seryoso ka? Pakinggan kita? Pinakinggan mo ba ako no'ng nagmakaawa ako sa'yo? Pinakinggan mo ba ako no'ng mga panahon na kailangan kita? Pinakinggan mo ba ako no'ng panahon na sinabi kong huwag mo akong iwan? Tapos ngayon sinasabi mo na pakinggan kita?"

Nakita ko naman na napahinto si Mr. Richard sa sinabi kong iyon.

"Saan ho kayo kumukuha ng lakas ng loob upang makiusap sa akin?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Pinigilan ko naman ang sarili ko na sumigaw dahil nasa loob pa rin kami ng simbahan.

"I-I know your mad, b-but-"

Humarap naman ako sa kaniya.

"Hindi ako galit. Nasasaktan ako. Magkaiba 'yon."

Nabigla naman si Mr. Richard na iwinari ko. Totoo naman, e. Nasasaktan na talaga ako. Pakiramdam ko na lang na halos lahat ng nasa paligid ko ay hindi nagsasabi ng totoo. Pakiramdam ko ay lahat sila nagsisinungaling.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now