Chapter 85

133 6 0
                                    

Zen's POV

[Continuation of Flashback]

Mahahalata naman sa kanila na parang hindi sila makapaniwala na sinabi iyon ni Mr. Richard. Akala ko pa naman ay sasabihin niyang anak niya ako. Parang may ibang rason. Gano'n ang naramdaman ko. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung bakit.

Napatingin naman ako roon sa Damian dahil nakakunot lamang itong nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kung galit, masaya, o naniniwala ba ito. Basta, ewan ko. Ang bigat ng presensya niya. Akala mo naman na may ginawa akong masama sa kaniya kahit na ngayon ko lang naman siya nakita. Kung makatitig akala mo naman kung sino.

Napalunok na lamang ako dahil titig na titig siya sa akin. Pero pansin ko rin na hindi naman niya ako aawayin. Wala lang. Ramdam ko lang sa kaniya. Siguro hindi lang ako sanay sa walang gana niyang mga matang nakatitig sa akin.

"I-I'm sorry. I shouldn't treat you that way..."

Yumuko naman sa akin 'yong Andrew upang humingi ng tawad.

"H-Hala, no! I-It's okay..."

Lumapit naman 'yong Papa ko sa amin at habang nakatingin pa rin doon sa Andrew.

"You're free to leave and just continue your training. Just a nice reminder not to mess with or hurt him or anyone else; it is against our rules to harm others."

"Y-Yes, Mr. Richard."

Tumalikod naman na sila at bumalik na sa pagsasanay na ginagawa nila kanina. Aalis naman na sana 'yong Damian nang hawakan ko ang laylayang damit niya sa baba.

"What?"

"T-Thank you."

Tumango naman na ito at umalis na.

"A-Are you okay?" tanong ni Mr. Richard sa akin.

"O-Opo. Wala naman po siyang ginawang masama sa akin."

"Did he say something?"

"W-Wala naman po. Sa katunayan po ay ayos lang po iyon dahil mukhang inaalam lang po niya kung ispiya raw po ako."

Hindi naman siya nagsalita.

"B-Bakit po pala may mga bata rito? Pati po ano po 'yong sinasabi nila?" tanong ko pa kaya lumingon na sa akin si Mr. Richard.

Hindi pa man siya nakakasagot ay lumapit na sa akin

"L-Let's go, Young Master."

Lumingon naman ako pabalik sa Papa ko bago kami tuluyang umalis dito.

"Galit po ba 'yong Papa ko?"

"H-Huh? Hindi po, Young Master. Sa ngayon po ay masyado pa po kayong bata upang malaman o maintindihan 'yong gano'ng mga bagay. Gusto lang po ni Mr. Richard na maging maayos ang buhay niyo po rito. Pero paniguradong sa tamang panahon, maiintindihan niyo rin po ang Papa niyo kung bakit at ano ang dahilan niya."

"P-Po?"

Ngumiti na lang si Ate Sarah sa akin. Mga ilang minuto lang ay nakauwi na kami ng bahay. Hindi na lang ako nagsalita pa at kusa na lang akong umakyat sa taas.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now