Chapter 100

128 6 0
                                    

Aly's POV

Ang klase namin ngayon ay tungkol sa Economics and Management, at ito ang unang araw namin na makikilala ang aming bagong propesor. Wala namang nakaupo sa unahan kaya doon na lamang ako umupo. Halos lahat kasi ay nasa itaas na bahagi.  Parang theater ang mga silid—maluwang at maayos ang pagkakaayos.

Habang naghihintay ay naramdaman ko naman sa tabi ko si Damian. Lumingon naman akosa kaniya ngunit irap lamang ng mata ang natanggap ko mula rito.

"Huwag mong isipin na umupo ako rito dahil binabantayan kita. Wala nang ibang upuan," masungit na wari nito.

"Wala akong sinasabi.""

"Tch."

Pagpasok ng Propesor namin, agad kaming binati ng kaniyang ngiti. Napansin ko na kahit bago pa lang siya, mukhang madali siyang makilala at magaan ang pakiramdam sa kaniya.

"Good day, everyone. I'm Ms. Lenie Pangilinan, and I will be your professor for Economics and Management this semester. I'm excited to get started and see what you already know about the subject. Today, we'll have a surprise quiz to assess your current knowledge and understanding of key concepts in our field. This will help me tailor the course to your needs and ensure everyone is on the same page. As an added incentive, the student with the highest score will earn additional points on their exam at the end of the month. So, give it your best shot! Remember, this is just a way to gauge where we all stand, so don't worry if you're not familiar with everything just yet. Good luck, and let's get started!"

Habang nagsasalita siya, nakikita ko ang mga estudyante sa paligid ko. May mga tila nagrereklamo o nag-aalala dahil sa biglaang quiz, habang ang iba naman ay mukhang masaya dahil sa oportunidad na makakuha ng dagdag na puntos.

"Ngayon araw," sabi ni Ms. Pangilinan, "ang quiz natin ay hindi lang para sukatin ang inyong kaalaman. Layunin nito na malaman ko kung saan tayo magsisimula at kung ano ang mga paksa na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Kasama dito ang mga pangunahing ideya tulad ng supply and demand, at mga estratehiya sa pamamahala."

Habang ibinibigay ang mga papel para sa quiz, narinig ko ang tunog ng mga ballpen at lapis sa paligid. Ang bawat tanong ay tila isang pagsubok sa aming mga natutunan. Hindi ko alam kung paano ko huhusgahan ang lahat, pero sinusubukan kong manatiling kalmado.

"Ang quiz na ito," dagdag ni Ms. Pangilinan, "ay para malaman ko kung paano ko dapat ituro ang mga susunod na leksyon. Pagkatapos ng quiz, magkakaroon tayo ng pagkakataon na pag-usapan ang mga sagot at mga ideya na hindi pa natin naiintindihan."

Habang nakikinig ako, iniisip ko kung gaano kahalaga ang pagsusulit na ito para sa aking pag-aaral. Kahit na kinakabahan ako, ito ay isang magandang pagkakataon para mas malaman ko ang mga bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Lumapit naman siya malapit sa harap ko banag may hawak-hawak itong maliit na papel. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"1. Identify the economic theory that suggests markets are the most efficient way to allocate resources."

Market Efficiency Theory

"2. Name the concept that refers to the total value of goods and services produced in a country in a given period."

Gross Domestic Product (GDP)

"3. What is the role of supply and demand in determining prices in a market economy?"

They balance the quantity of goods available with consumer desire, influencing price levels.

"4. Identify the principle that examines the trade-offs involved in allocating scarce resources."

Opportunity Cost

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now