Aly's POV
Paglabas ko ng bar, kinuha ko ang helmet ko mula sa motorsiklo. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Alam ko naman na hindi obligasyon na humingi sila ng tulong sa akin. Pero kung sakaling kailanganin nila, hindi nila kailangang mag-atubiling lumapit dahil handa naman akong tumulong basta't kaya ko.
"Aly..." narinig kong tawag ni Jerwin. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo kasama si Damian na tahimik lang pero seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko, diretso ang tingin.
"Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan sa ginawa mo. Ang laki ng naitulong mo sa akin at talagang nahihiya ako. Pero thank you..." sagot ni Jerwin, halatang sinsero ang pasasalamat niya.
Bumuntong-hininga ako at saka tumango, pinipilit na alisin ang inis sa loob ko.
"Wala 'yun," sabi ko nang malamig. "Pero seryoso ako sa banta ko, Jerwin. Kapag nabalitaan ko na hindi ka pa rin nagbago, tiyak na ikaw ang susunod na babagsak sa arena." Napangiwi siya sa sinabi ko, pero alam kong naiintindihan niya ang bigat ng mga binitawan kong salita.
"Sige, balik na ako," paalam ni Jerwin bago siya umalis, bitbit ang bigat ng pasya na magbago.
Nang maiwan kami ni Damian, nanatiling seryoso at tahimik ang aura niya habang nakatitig sa akin.
"Ano na naman?" tanong ko, halatang hindi pa ako nawawala sa mood.
"Will you stop worrying me? You keep doing stunts that risk your life. Can't you be more careful?" madiing sabi niya, ramdam ko ang alala sa bawat salita.
"Okay. Pasensya na," sagot ko nang mahina, medyo napalambot ang boses ko dahil sa pag-aalala na ipinakita ni Damian. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, kaya hindi ko na siya pinahaba pa.
"Sige, alis na ako. Thanks for the advice. Try ko," sabi ko habang inaayos ang helmet.
"Just try? Do it," desisyon niya, walang pasubaling tono.
"Okay," sagot ko na lang, pilit na itinatago ang ngiti sa likod ng helmet ko. Alam kong tama siya, pero mahirap magbago ng ugali lalo na kung sanay ka na. Pero para kay Damian, susubukan ko.
Itinaas ko na lang ang kamay ko bilang paalam bago ko pinaandar ang motor palayo sa bar. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga nangyari habang tinatahak ko ang madilim na kalsada. Pagdating sa apartment, agad kong inalis ang helmet at diretso sa banyo para maligo. Gusto kong banlawan hindi lang ang alikabok sa katawan ko, kundi pati na rin ang tensyon at stress na dala ng gabi.
Pagkatapos maligo, nagbihis ako nang maluwag na damit at umupo sa harap ng mesa. Kinuha ko ang mga libro at papel, sinimulan ang paggawa ng mga takdang aralin na dapat tapusin. Habang nagsusulat, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa mga nangyari kanina. Nakangiti ako nang bahagya, iniisip kung paano nagbago ang araw ko mula sa pagiging mapanganib hanggang sa simple at tahimik na gabi.
Hindi nagtagal, naramdaman ko na ang pagod sa katawan. Iniayos ko ang mga gamit ko at humiga na sa kama. Kahit maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko, pinilit kong ipikit ang mga mata dahil alam kong maaga pa ang pasok ko kinabukasan.
Habang nakahiga, hindi ko maiwasang maisip si Carlo. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang tanong kung kumusta na kaya siya, kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito, at kung nami-miss din ba niya ako. Bagaman may tampo ako sa nangyari noon sa amin, hindi ko maikakailang nandiyan pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya, na parang hindi kayang mawala kahit anong pilit kong itago o kalimutan.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
ActionCUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But then, something unexpected changed everything-a new spark of hope, a chance to begin again. He decided to return to the place where it all s...
