Aly's POV
"Magandang gabi," bati ng Punong Ministro sa akin. Tiningnan ko lang siya, hindi ko sinagot ang bati niya.
Napatitig ako sa mga kotse na nasa paligid. Nagtataka ako kung bakit wala man lang bumababa na mga tauhan niya, lalo na’t napakaimportanteng tao ng kaharap ko ngayon. Bakit kaya hindi siya binabantayan? Kahit na maraming katanunang bumabalot sa akin ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Sa halip ay itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa Punong Ministro na nasa harapan ko.
"Ano hong kailangan n'yo?" diretsong tanong ko, walang paligoy-ligoy.
"Gusto lang kitang makausap," sagot niya nang payak.
"Ano 'yun?" tanong ko muli, diretso pa rin ang tono ko.
Tiningnan niya ang kabuuan ko, halatang nagtataka sa simpleng suot ko. Pero imbes na sumagot, umusog siya ng kaunti sa gilid. Napatitig ako sa kotseng nasa likod niya nang biglang bumukas ang pinto nito. Agad na nag-init ang ulo ko nang makita ko si Mr. Richard na nakaupo sa loob, parang naghihintay sa eksena.
Naglakad ako nang marahan papalapit. Bago pa man makapagbigay ng paliwanag ang Punong Ministro, agad kong hinatak ang kuwelyo niya, ikinuwelyuhan ko siya ng mahigpit, at pinaikot para mapaluhod siya paharap kay Mr. Richard. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya, hudyat para sa mahigit dalawampung tauhan na lumabas mula sa mga sasakyan, nakaumang ang kanilang mga baril sa akin.
"Bitawan mo ang Punong Ministro!" sigaw ng isang tauhan niya, ngunit ngumisi lang ako, tila nag-eenjoy sa sitwasyon.
"Alam n'yo ho talagang paano ako paiyakin sa galit, Punong Ministro," bulong ko sa tenga niya. Kahit nahihirapan siya sa pagkakakapit ko, hindi siya nagpupumiglas. Tila ba handa siyang tanggapin ang anumang mangyari.
Nagmamadaling lumabas si Mr. Richard mula sa kotse, halatang may halong pag-aalala sa kanyang mukha.
"Aly..." tawag ni Mr. Richard, seryosong nagmamakaawa na bitawan ko ang Punong Ministro.
Kahit na gusto kong malaman kung ano ang plano ni Mr. Richard, bumitaw na lang ako at tinanggal ang kamay ko mula sa leeg ng Punong Ministro. Tumayo siya, ngunit kita pa rin ang kaba sa kanyang mga mata, kahit pilit niyang itinatago.
Tinulungan ni Mr. Richard ang Punong Ministro na makatayo nang maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Nang lingunin ako ni Mr. Richard, agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pagpulot ng mga pinamili kong grocery.
Hindi pa man ako nakakalayo ay muli akong tinawag ni Mr. Richard. "Aly, kailangan ka naming makausap. May mahalaga kang dapat malaman," sabi niya.
"Ano ho ba 'yun?" tanong ko, na hindi man lang nag-abala na lingunin sila.
"Puwede ba naming hingin ang ilang minuto mo? Hindi tayo puwedeng mag-usap dito, lalo na at kasama natin ang Punong Ministro," paliwanag ni Mr. Richard, may halong pagsusumamo ang boses niya.
Napatingin ako sa Punong Ministro na inaayos pa rin ang kuwelyo ng kaniyang damit. Halatang galit pa rin siya dahil namumula ang kanyang mukha at leeg dahil sa ginawa ko.
"Alam na nga niyang delikado rin ang buhay niya, pasikot-sikot pa siya sa lugar na 'to," sambit ko.
"Aly."
"Naubos n'yo na ho ang oras ko. Mas marami pa ho akong dapat gawin," sagot ko, ramdam ang inis sa tono ng boses ko.
"Pakiusap..." sabi ni Mr. Richard, tila ba nagmamakaawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/264862899-288-k822712.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
AzioneCUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving up. But then, something new came into his life, bringing a glimmer of hope and the chance for a fresh start. He decided to go back to where...