Aly's POV
Kinagabihan ay pumunta naman ako sa opisina ni Mr. Richard. Kumatok naman ako bago ako pumasok.
"Hi, Aly. Magandang gabi. Pasok ka."
"Nagtatrabaho pa rin ho kayo?"
"Inaayos ko lang 'yong mga ipinadalang projects sa akin."
Hindi naman ako nagsalita at tumango na lang sa kaniya. Nilibot ko naman ang mata ko sa paligid. Punong-puno ng mga papeles pero maayos pa rin tingnan. Kitang-kita ko rin na ang dami niyang ginagawa at inaasikaso.
"Anyway, may kailangan ka ba?"
Bumalik naman ang tingin ko sa kaniya.
"Pupunta ako bukas sa University of Oxford para mag-apply."
"Bukas na ba iyon?"
"Hmm. Bukas na rin ako kukuha ng pagsusulit."
"Good luck. Kayang-kaya mo namang ipasa iyon."
"Target kong makakuha nang mataas na iskor para makakuha ako ng scholarship. Pero kung hindi umabot, binabalak kong pumasok ulit sa pagiging atleta."
"Bakit ka pa kukuha ng scholarship?"
"Para hindi ho ako magbayad ng pangmatrikula. Gano'n ho ang ginawa ko no'ng nag-apply ako sa Pilipinas, National University."
"Sandali lang."
Binuksan naman niya 'yong itim kahadeyero sa likod niya. Hindi naman iyon gano'n kalakihan. Sapat lang para sa mga papeles niya. Hindi ko naman kung para saan 'yong mga papeles na nakatago, pero wala naman akong balak alamin pa.
Humarap naman siya sa akin habang may hawak na card at isang puting sobre. Pagkatapos ay inilapag naman niya sa harapan ko.
"Ano 'yan?"
"Allowance mo. Pangbayad sa buong semestre mo, pangkain, at iba pang gusto mong bilhin. Kapag naubos na, sabihin—"
"Ayoko ho."
"B-Bakit?"
"Hindi ho ako sanay humingi ng pera. Kaya rin ho gusto ko kayong makausap dahil gusto kong magtrabaho habang nag-aaral. Hahanap din ho ako ng apartment na malapit lang para hindi ho ako mahirapan."
"Hindi mo naman ito hiningi. Binigay ko sa'yo ito dahil para sa'yo talaga ito."
"Pasensya na ho, Mr. Richard, pero hindi ko ho talaga matatanggap 'yang perang ibinibigay ninyo. Hindi dahil hindi pa rin maayos ang sitwasyon natin, kun'di dahil mas gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong inaasa ang sarili ko sa ibang tao kung kaya ko namang kumita at magtrabaho para sa sarili ko. Napagtanto ko ho na sa buhay, kailangan kong harapin ang mga hamon nang buong tapang at tiyaga. Hindi ako komportable sa ideya na may ibang tao na nag-aalaga sa aking pangangailangan. Kung kaya kong maghanap-buhay at maging produktibo, mas maligaya akong gawin ito kaysa umasa sa iba. Alam ko ho na sa edad kong ito, hindi na bata ang turing sa akin. Malaki na ho ako at dapat nang magpatatag sa sarili ko. Hindi ako puwedeng maghintay na lang sa tulong ng iba. Kailangan kong maging independiyente at gumawa ng mga desisyon para sa aking sarili. Hindi ko hinihimok ang anumang galit o sama ng loob, Mr. Richard. Gusto ko lang ho na maunawaan ninyo na mas maligaya ako na maging may-kaya sa sariling sikap. Hindi 'yong patuloy na umaasa at nagmumukhang pabigat sa iba. Alam kong may mabuting hangarin kayo sa akin, pero mas nais ko ho na harapin ang buhay na may sariling lakas at determinasyon. Salamat ho sa inyong pang-unawa."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
ActionCUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving up. But then, something new came into his life, bringing a glimmer of hope and the chance for a fresh start. He decided to go back to where...