Chapter 111

143 9 0
                                        

Aly's POV

Habang nakatayo ako sa labas ng opisina, hindi ko maiwasang huminga nang malalim. Ang bawat hakbang palayo sa opisina ay parang nagpapalayo sa akin mula sa isang sistema na hindi ko kayang palampasin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa; agad kong dinukot ang telepono sa aking bulsa at tinawagan si Mr. Richard. Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam sa kung anong maaaring mangyari—kailangan kong humingi ng tulong.

Pagkarinig pa lang ni Mr. Richard ng boses ko, naramdaman ko na agad ang pagbabago sa tono niya. "A-Aly, anak? Bakit ka napatawag? May kailangan ka ba?" tanong niya, halatang nag-aalala.

"Puwede ho ba kayong pumunta rito?" tanong ko, diretso pero puno ng tensyon. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon sa bawat salita ko.

"Sa Oxford? Sige, pupunta ako riyan. Sakto at katatapos lang din namin mag-usap ng Punong Ministro. Pero puwede ko bang malaman kung bakit, Anak? Ano'ng nangyari? May problema ba? Nasaan si Damian?" tanong niya, ngayon ay mas alerto na, halatang kinukutuban na ng masamang balita.

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng galit at pagkadismaya sa boses ko. "Hindi ko alam na puwede pala ang pananakit ng guro sa estudyante rito. Nagpatawag ho ako ng pulis para i-report ang nangyari, pero kasalanan pa raw ng estudyante iyon. Maging 'yung Chancellor dito, kinakampihan pa ang guro. Para bang walang karapatan ang estudyante kahit bugbugin pa," sagot ko, halos halata sa boses ko ang inis at pagkadismaya.

Napansin kong huminga nang malalim si Mr. Richard bago magsalita. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. "Aly, huwag kang mag-alala. Pupunta ako riyan. Hindi ko papalampasin 'to. I’ll be there in a few minutes. Hintayin mo ako, at huwag kang aalis diyan, okay?" Ang boses niya ay puno ng determinasyon, alam kong gagawin niya ang lahat para matulungan ako.

"S-Salamat ho, Mr. Richard," sagot kom Sa likod ng lahat ng nangyayari, alam kong may isa akong taong maaasahan—isang taong handang tumayo para sa akin kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon. Hindi pa man natatapos ang usapan namin ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagkalma ng loob ko.

Bumuntong-hininga ako at isinandal ang ulo sa malamig na pader ng pasilyo. Habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Richard, hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim. Nakakainis isipin na sa isang unibersidad na kasing prestihiyoso ng Oxford, may mga bagay pa ring kagaya nito ang nangyayari. Paano na lang kaya kung walang maglakas-loob na magsalita? Hanggang kailan magiging bulag ang sistema sa ganitong klaseng pang-aabuso?

Bago pa man ako tuluyang malunod sa aking mga iniisip, nakita kong si Damian ay nagmamadaling papalapit mula sa dulo ng pasilyo. Mabilis at mabigat ang kanyang mga hakbang, halatang balisa at puno ng pag-aalala. Nang magtama ang mga mata namin, agad siyang sumugod sa akin, tila ba may kargang mabigat na tanong sa kanyang isip.

“What happened? What did they tell you about the incident? Did they say anything bad about you, or give you some kind of punishment?” tanong niya, halos nagmamadali ang mga salita habang ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Kita ko rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata, parang sinisigurado niyang walang anumang masamang nangyari sa akin.

“Wala naman silang sinabi na masama sa akin. Pero, Damian, hindi ko maintindihan kung bakit parang baluktot ang takbo ng utak nila. Sobrang nakakairita,” sagot ko, na medyo nanginginig pa sa inis. Alam kong sapat na ang sinabi ko para iparating kay Damian na kailangan ko lang ng oras para huminahon, pero alam ko rin na hindi siya basta-basta titigil hangga’t hindi siya nakakakita ng malinaw na senyales na ayos lang ako.

Tahimik lang siyang tumingin sa akin, parang iniisip kung dapat pa siyang magsalita. Alam kong gusto niyang sabihin pa ang opinyon niya, pero mukhang napagtanto na rin niya na walang saysay na ipagtanggol pa si Sir Ed sa sitwasyong ito. Kita ko sa mukha niya ang pagtanggap at pag-unawa sa galit na nararamdaman ko.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Stories to obsess over. Discover now