Aly's POV
Sa tuwing lumilipas ang mga araw, tila ba may pagbabago sa pagsibol ng hangin sa paligid. Sa bawat hakbang ko sa mga daan at pasilyo ng unibersidad, napapansin ko ang mga titig ng iba't ibang mga tao na tila ba'y sinusubaybayan ang bawat galaw ko. Maingat kong iniwasan ang kanilang mga mata, nagmumukmok sa aking mga gawain sa paaralan.
Sa kabila ng mga titig na iyon, walang hanggang layunin kong manatiling malayo sa anumang gulo. Kahit pa kailangan kong magkunwaring bingi upang mapanatili ang katahimikan, handa akong gawin ito nang walang pag-aalinlangan.
Ang pangunahing layunin ko ay huwag madamay ang pangalan ni Mr. Richard sa alinmang kaguluhan na maaaring maging sanhi ng bawat magiging aksyon ko. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit na ako ay inosente o walang kinalaman, ay hindi ko hahayaang mawalan siya ng kapanatagan dahil sa akin.
Sa bawat hakbang ng aking pag-aatubiling mangyari, mas pinipili ko na lang ang tahimik at payapang buhay kaysa sa anumang uri ng kaguluhan na maaring magdulot ng sakit sa ibang tao. Ayokong mangyari muli ang nangyari na noon sa Pilipinas. Kaya hangga't maaari ay sisikapin kong ilayo ang sarili ko sa gulo o kung ano pa man 'yan.
"Sir Nick, may ideya po ba kayo patungkol sa mga Konseho?"
Natigil naman ako sa pagsusulat dahil literal na naantig ang tenga ko sa usaping iyon. Dahan-dahan ko namang iniangat ang paningin ko at nagtama ang mata namin ni Sir Nick. Base sa kaniyang mga titig, alam din niyang may ideya siya sa kung anong mayroon sa akin.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Narinig ko lang po sa mga magulang ko, Sir. Hindi ko naman po sila matanong. Nakaka-curious po kasi sila."
Narinig ko naman ang bulong-bulungan sa paligid kung ano at kung sino ang mga Konseho. Gayunman, parang kaming dalawa lang ni Sir Nick ang may ideya at alam kung ano ang itinutukoy nila.
"Ang mga Konseho ay may malaking papel sa pagpapabuti ng ating komunidad. Ang mga Konseho ay nagbibigay ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa mga patakaran at polisiya na dapat ipatupad sa ating lugar, maging sa kabuuang bansa. Sila ang nagtutok sa mga isyu at pangangailangan ng mga mamamayan, at nagiging boses ng mga hindi napapakinggang opinyon. Sa pamamagitan ng kanilang trabaho, naipapahayag ang mga bagay na kailangan ng mga tao at naaangkop na mga solusyon. Ang mga Konseho rin ay nagbibigay ng direksyon at gabay sa tamang pagpaplano ng mga proyekto para sa kaunlaran ng komunidad. Ipinapakita nito ang halaga ng kolektibong pagkilos para sa ikabubuti ng lahat. Sa madaling salita, ang mga Konseho ay nagiging tulay ng mga mamamayan tungo sa mas maunlad at mas maayos na pamumuhay."
"So, sila po ang namumuno sa atin dahil monarchy tayo?"
"Parte lamang sila. Pero ang Hari at Reyna ang pinakamataas na namumuno sa atin."
"Akala ko po, Sir, ay namatay na sila? Sino na po ang papalit sa kanila?"
"Mayroon silang anak, at iyon ang susunod sa yapak ng kaniyang mga magulang."
"Paano kung wala po silang anak? Paano naman po kung nag-ampon sila, makapapayag kaya ang mga Konseho kung siya ang susunod sa yapak?"
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
AksiCUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving up. But then, something new came into his life, bringing a glimmer of hope and the chance for a fresh start. He decided to go back to where...