CHAPTER 1: First Seduce

13.6K 243 19
                                    

[CHAPTER 1]






"Jewel! Tama na nga 'yang kakakain mo! Mataba ka na nga pinapataba mo pa! Mamaya n'yan iwanan ka ni Jereck!" Saway ng kaibigan ko.

Eh sa sarap kayang kumain ng cake! With donuts! With ice cream, ugh!!

"Manahimik ka nalang, Rhose. S'ya nga nagbigay nito kaya bakit ko sasayangin?? Wag mong sabihin na gusto mong ikaw lang kumain nito??" Tanong ko sa kanya.

"Kaloka ka talaga! Hindi ko kayang ubusin yan! Ang dami kaya!"

"Kaya manahimik ka nalang okay?? Gusto n'ya akong busugin ng pagmamahal, eh, kaya sa pagkain n'ya pinapadaan." sabay subo ko nang isang donut.

"Basta wag kang iiyak kapag iniwan ka n'ya ah! Ayokong magastusan."

Masama ko naman s'yang tinignan. "Kaibigan ba talaga kita, ha?!"

"Oo naman! Kaya nga concern ako sayo, 'di ba?? Bilisan mona at mag sisimula na tayong magturo."

Kumain nalang ako ng marami. Confident ako na hindi ako iiwan ni Jereck dahil lang sa mataba ako. Duh! Mahal n'ya ako kaya binubusog n'ya ako ng pagkain. At mahal ko din s'ya dahil ang sweet n'ya. Kung pagkain lang yon siguro ay pati siya kinain kona. Biro lang.

Nang matapos na ay niligpit nalang namin ang gamit namin at agad na bumalik sa faculty room. Kinuha ko ang lesson na ituturo ko ngayong araw.

"Jewel, mukhang lumaki kapa lalo, ah?"

Napatingin ako sa head teacher na may katandaan na. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Busog po ng pagmamahal." sabi ko.

"Baka palagi kang binubusog dahil pagkain nalang ang kaligayahan mo at hindi na s'ya?" biglang sabat ng isang teacher.

Nag pigil nalang ako at kinuha nalang ang ilan kopang gamit.

"Bawas-bawas din kasi ng timbang, Jewel. Mamaya niyan wala nang numero ang makakapag kilo ng katabaan mo." tukso naman ng isa pa.

Para namang hindi mga professional 'tong mga 'toh!

"Bakit ba ako nalang ang nakikita n'yo palagi??" Inis na baling ko sa kanila.

"Paano ba naman, eh, ang laki-laki mo. Sinong hindi makakakita sayo?? Bulag nalang ang mag sisinungaling." at tumawa pa 'to.

Rinig ko namang tumawa din ang ilan na nandito sa loob. Agad na kinuha ni Rhose ang kamay ko at kinaladkad palabas. Napaiwas ako nang tingin at nag pipigil ng mga luha.

"Wag mo na silang isipin."

"Bakit ko naman sila iisipin?? Eh, hindi naman sila si Jereck" sabi kopa.

Pinapalakas ko lang ang loob ko. Normal na araw lang 'to sa'kin. Sanay na ako na kapag pumasok ako sa faculty ay ako na agad ang pina-paringgan nila.

"Tama 'yan! Sige na pumunta kana sa klase mo at pupunta na din ako sa klase ko." ngiti n'ya.

Tumango nalang ako sa kanya. Habang tinatanaw siya ay agad akong nakaramdam ng insecurities. I don't know but seeing how the other praise her parang gusto ko din maging katulad n'ya. Rhose, has this unique beauty. Bilugang mukha, mapupulang mga pisngi at labi. Matangos ang ilong at maganda ang mata. Malabong walang makakapansin sa ganda n'ya. Kaya minsan nakakailang na s'ya ang kasama ko dahil sa magkabaliktad kaming dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na sa klase ko. Pero nang pagbukas ko sa pinto ay agad na eraser ang tumama sa mukha ko. Shit!

Rinig ko ang tawanan ng mga estudyante ko kaya inis akong pumagitna at kinalampag ang mesa.

Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon