[Last Seduce]
Nakahanda na ang lahat at kinakabahan na ako.
"Anong oras na??" Tanong ko sa kanila.
Agad namang lumapit si Chan sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Kanina kapa nagtatanong kong ano ng oras" tumingin siya sa akin at inakbayan na ako. "Wag kang mag alala dahil maya-maya ay nandito na si Laine"
"Kinakabahan ako" sabi ko.
Hinarap niya Naman ako at tumawa. "Wag kang Kabahan dahil panigurado na pagpayag yong pakasalan ka"
"Sir! Congrats!"
Napatingin kami sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin. Napabitaw Naman si Chan sa pag akbay sa akin at agad na umakbay sa sekretarya ko.
"Bitiwan monga ako!" Agad na pagkakawala nito sa akbay ni Chan.
Napailing nalang ako. "Maiwan ko mona kayo"
Naglakad ako at tinignan ang buong paligid. Sinenyasan ko ang Ilan na mag ready na dahil ilang minuto nalang ay nandito na si Laine. Napaupo ako sa Isang table at hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na nararamdaman ko.
So Ito pala ang pakiramdam na mag po-propose??
"Hey dude!"
Napatingin ako sa mga dumating. Tulad ng inaasahan, nandito na Naman ang mga kaibigan kong hindi ko alam kong nandito ba para magsaya o inisin ako.
"Congrats!"
"Wala pa nga. Wag nating paasahin ang kaibigan na—"
Siniko ni Vaughn si Cannon. "Akala koba sabi mo kanina—"
"Shut up"
Nakatingin lang ako sa kanila dahil sa pagtataka. Mga mokong talaga.
"Handa kana bang matali??"
"Mag po-propose ba yan kung hindi?"
"Fuck you!"
"Si Thalia nalang itali—"
"Shut up! Kung ayaw mong ikaw ang itali ko" sabi ni Vaughn kay Cannon.
"Uhuh? Hahanapin ako ng asawa ko kong ganon"
"Sasabihin ko nambabae—"
"Hoy Vaughn! Wag kang mag biro ng ganiyan!"
"Tumigil na nga kayong dalawa" pag papagitna ni Killian. "Para kay Whitaker ang gabing Ito wag niyong sirain"
"Eh ikaw, Killian kaba papatali??" Pang asar Naman sa kaniya ni Whitaker.
Pare-pareho nalang kami napatawa dahil sa ka cornihan ni Cannon.
"Kapag ikaw na nanganak imbes na si Rencel"
Mas lalong lumakas ang tawanan namin. Mga kalokohan.
"Nandiyan na siya" agad na sabi ni Bella dahilan para magsi tahimik kami.
"Good luck" sabi pa ni Cannon.
Humugot ako ng hininga sabay Tayo at ayos ng damit ko.
"Kinakabahan ka??" Tanong ni Cannon sa tabi ko. "Ganiyan din ako nong mag propose ako kay Rencel—"
"Tumahimik kana Cannon wag kanang mag kwento ng buhay mo" saway sa kaniya ni Vaughn.
Tumahimik nalang sila. Naglakad ako palayo sa kanila at pumunta na sa gitna. Hinintay kong pumasok si Laine at maglalakad patungo sa akin. Isinilid ko ang kamay ko sa bulsa ko kung Saan naroon ang sing-sing. Nilaro-laro ko Ito sa loob ng bulsa ko dahil sa kaba. Damn.
Napatingin ako sa pinto ng magbukas Ito. Hindi ko maintindihan pero Parang gustong tumulo ng mga luha ko. Ang ganda Niya. Kahit Naman hindi na siya mag ayos ang ganda Niya parin. Pakiramdam ko Parang ikakasal na kami. Damn! Nagulat Ito ng makitang nasa gitna ako at hinihintay siya. Ang sabi ko sa kaniya ay Isang normal na dinner lang Ito. Pero ang hindi Niya alam ay hindi lang Isang dinner ang mang yayari Ngayon.
Unti-unti siyang humahakbang papalapit sa akin. Parang nag slow motion ang lahat. Rinig ko ang pag tunog ng heels Niya habang naglalakad papalapit sa akin. Makikita ko sa mga mata Niya na Parang maiiyak na siya. Huminto Ito ng nasa harapan kona siya. Nakatingin siya sa akin at agad na napatingin sa likuran ko. Kung Saan may nakalagay na 'Will you marry me?'
"W-Whitaker.." sambit niya.
Ngumiti ako sa kaniya at lumapit para pahiran ang mga luha na kumukuwala sa mga mata Niya. Hinalikan ko ang noo Niya at napatitig sa mga mata Niya. Hinawakan ko ang kamay Niya at agad na lumuhod sa harapan Niya. Nakatingin lang siya sa akin. Nakita ko ulit ang pagluha Niya.
"Don't cry" sabi ko sa kaniya.
"Whitaker.."
"Jewel, Laine, kahit ano paman ang pangalan mo hindi mapapalitan non ang pagmamahal ko sayo. Kahit ano pa ang nakaraan mo. Kahit mataba kaman o hindi, kahit maganda kaman o pangit, Mahal parin kita. Ikaw lang ang tanging babae—"
"Whitaker.." pigil Niya sa akin.
Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumawa ng mahina. "Ang Dami kong sinasabi" sabi ko.
Agad kong inilabas ang sing-sing at ipinakita sa kaniya. Ngayon alam kong siya na talaga ang papakasalan ko. Na siya na talaga ang magiging buhay ko. Handa akong magpatali para sa kaniya.
"Will you marry—"
"S-Soryy..Whitaker"
Agad akong napabitaw sa kamay niya at agad na tumayo Ng maayos para mag pantay ang mga tingin namin.
"Laine.." Hindi makapaniwalang sambit ko. "Anong problema?? Are you not ready?? Kung hindi pa pwedi Naman akong maghintay—"
"S-Sorry..sorry Whitaker" mag kakasunod itong umiling sabay talikod at tumakbo palabas.
Napatingin ako sa mga taong nakasaksi ng pangyayari. Agad kong isinilid ang sing-sing pabalik sa bulsa ko at agad siyang hinabol. Agad kong hinawakan ang braso Niya dahilan para mapatigil siya.
"Laine, Anong nangyayari??"
Hinarap Niya ako habang puno ng luha ang mukha Niya. "B-Bitiwan mo ako Whitaker.."
"No" matigas na sabi ko.
"Whitaker bitiwan mo ako! Ano ba!" Pag pupumiglas Niya.
Hindi ako nakinig sa kaniya at agad siyang hinapit payakap sa akin. Napapikit ako at rinig ko Naman ang pag hagulhol Niya.
"Tell me, what's wrong baby??" Tanong ko sa kaniya.
"A-Ayokong...m-magpakasal sayo Whitaker.."
Napatigil ang kamay ko sa likuran Niya. Bakit ang sakit marinig?? Agad ko siyang hinarap at hinawakan ang mukha niya.
"Laine, tumingin ka sa akin" sabi ko.
Agad niyang kinuha ang kamay ko at agad na lumayo sa akin. "A-Ayoko sayo Whitaker!"
"Laine—"
"Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sayo!" Dugtong pa nito.
"At Sino ang babaeng karapat-dapat sa akin?? Ha Laine!?"
"Whitaker.."
"Laine!" Agad kong hinawakan ang balikat Niya. "Hindi Kita maintindihan Ngayon! Anong nangyayari??"
"Alam kona ang lahat Whitaker.." umiwas Ito ng tingin.
"What?? Anong alam??" Nalilitong tanong ko.
"Whitaker Naman! Alam kong alam mo na ako ang may kasalanan kong bakit namatay ang daddy mo!"
I froze.
"Laine.." sinubukan ko siyang hawakan pero umiwas na siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat!? Bakit hinayaan mong ipaalala pa sa akin ang nakaraan!? Kahit na alam mo namang ako ang may kasalanan sa nangyaring sunog!"
"Laine..please calm down"
"Paano Whitaker!? Ako dapat ang nakakulong Ngayon! Ako dapat ang magbayad—"
"Sshh" pigil ko sa kaniya. "May mga parte kang nakaligtaaan.."
BINABASA MO ANG
Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓
Romansa|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan niyang akitin ang isang bilyonaryo. Hindi niya alam kong pa'no sisimulan, pero sinubukan niya parin. H...