CHAPTER 40: Forty Seduce

3.8K 109 1
                                    



[CHAPTER 40]



"Careful" sabi Niya habang patuloy akong inalalayan.

Mahigpit ang kapit ko sa kaniya sa takot na baka madapa ako o matapilok. Paano ba naman mayroong nakatakip sa mata ko. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Basta ang sabi niya lang ay may surprise daw siya sa akin.

"Matagal paba??" Tanong ko sa kaniya.

"Malapit na" sagot niya naman.

Tumango nalang ako at patuloy parin sa paghakbang.

"We're here"

Tumigil na siya sa paglalakad kaya tumigil nadin ako. Naramdaman ko ang kamay Niya sa likurang bahagi ng ulo ko, hanggang sa tuluyan ng nahubad ang takip sa mata ko.

Napapikit mona ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang kaya konang idilat ang mga mata ko ay napatingin ako sa buong paligid.

Sandali...

Seems I went here already...

Napatingin ako sa dinaanan namin at napabalik sa harapan ko. Hindi ako maaring magkamali. Nanggaling na nga ako dito.

"What's wrong??"

Napatingin ako kay Whitaker at nakita ko ang pag aalala sa mga mata Niya. Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"Wala" ngumiti ako. "Bakit mo ako dinala dito??" Tanong ko nalang.

"Matagal ng sarado Ito. But I think.. kailangan ko ulit na buksan ito" sabi Niya habang nakatingin sa loob.

"You mean...sayo to??" Gulat kong tanong.

He nodded. "Yes. Pamana sa akin ni Daddy. Matagal ng nakasarado to because of that accident" napatingin siya sa kawalan.

Habang nakatitig ako sa kaniya ay parang may dumaan na alala sa isip Niya dahil nagkaroon ng lungkot ang mga mata Niya.

"Accident??"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Nevermind. Ayokong masira ang araw na ito" sabi Niya. "Dinala Kita dito because I want you to know na babalik na ulit ako sa pagluluto. At gusto kong nandiyan ka sa tabi ko. I want you to be with me always and forever" kinuha Niya ang kamay ko at hinalikan Ito.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero natutuwa ako sa sinabi Niya. Ngumiti ako sa kaniya ng tumama ang paningin naming dalawa.

"Gusto mong pumasok?" Nakangiting tanong Niya.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Noong unang beses ko dito ay hindi ko Naman natignan ang loob dahil baka makasuhan pa ako ng trespassing. At Isa pa hindi Naman ako nagtagal dahil sa isinugod ako sa hospital dahil sa pusang yon.

Nakatingin ako sa kamay naming magkahawak. Hindi niya Ito binitawan hanggang sa makapasok kami. Nilibot ko ang paningin ko sa buong sulok at ang ganda ng set up. Mukhang restaurant siya dahil sa pag arrange ng mga tables. Akala ko bahay to?? Kung titignan mo Kasi sa labas Parang bahay siya. Pero hindi ko akalain na ganito pala ang loob niya. Nakakamangha.

"May ipapakita ako sayo" nakangiting sabi Niya.

Hinatak Niya Naman ako at dinala sa Isang pinto. Binuksan Niya Ito at tumambad sa amin ang magandang tanawin.

"Wow" namamangha na sabi ko. "Bakit Ngayon kolang nalaman na may ganito pala kagandang tanawin sa itaas ng
bahay—resto pala" sabi ko sabay tawa.

Tumawa din siya. "Maganda talaga dito kaya pinaayos ko ulit dahil sira ang ilang mga gamit"

"Maganda ang naisip mo na buksan ulit Ito. Panigurado na maraming tao ang maiingganyo na pumunta dito" Sabi ko sa kaniya at tumingin sa malawak na tanawin.

Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon