Nakatitig ako sa kaniya ng madiin. Anong ibig niyang sabihin?? Malinaw sa isipan ko ngayon ang mga nangyari noon. Kaya ano ang sinasabi niyang parteng nakaligtaan ko??
"A-Anong sinasabi mo???"
"Naaalala mo kong sino ang kalaro mo that time??"
Napaisip ako at inalala ang lahat.
Naglalaro ako noon sa likurang bahagi ng resto ng may Isang batang lumapit sa akin.
"Anong nilalaro mo??" Tanong nito sa akin.
"Nagluluto mag Isa" sagot ko sa kaniya.
"Nasaan Naman ang apoy mo??" Takang tanong nito.
"Hindi ko Naman kailangan ng apoy dahil sa ang sabi ni mama ay delikado daw maglaro non" sagot ko sa kaniya.
"Paano mo matitikman ang niluto mo kong wala kang apoy??" Tanong ulit nito.
"Hindi ko Naman kakainin Ito" sagot ko sa kaniya.
"Ano ba yan. Ang boring Naman ng nilalaro mo" sabi nito. "Hahanapin ko nalang ang kapatid ko. Nakita moba siya??"
Umiling ako sa kaniya. "Hindi"
Bumalik nalang ako sa paglalaro at siya Naman ay umalis na.
"El-el"
Napatingin ako sa batang lalaki na nasa harapan ko. "Bakit ker-ker??"
"Bakit mag Isa kalang na naglalaro dito??"
"Wala Naman si Ro-ro at yung ate Niya hinahanap siya kanina"
"Tara pasok tayo sa loob ipagluluto kita" agad niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa loob.
"Huh?? Marunong kabang magluto??"
"Oo naman. Tinuruan kaya ako ni Daddy" pagmamalaki nito sa akin.
"Diba wala ang daddy mo Ngayon??" Taming ko.
Tumango Naman Ito. "Oo"
"Tawagin nalang natin si mama para ipagluto Tayo" sabi ko sa kaniya.
"Nakita moba sila??" Tanong nito.
Umiling ako. "Hanapin nalang natin"
Tumango Naman Ito sa akin. "Umupo ka mona dito. Ako nalang ang maghahanap. Wag kang umalis dito okay?"
Tumango nalang ako sa kaniya. Umalis na Ito at ako Naman ay naiwan sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa Isang malaking gasul. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit dito. Nakikita ko na may iniikot si mama dito kapag magluluto siya.
Dahil sa kainosentehan at sa pagka curious ay napahawak ako sa parang ikutan nito. Wala akong alam kong Anong tawag dito pero Parang dito si mama nag a-adjust. Natuwa ako Bigla ng agad na lumuwag Ito. Para lang palang gripo kong ikutin.
"El, anong ginagawa mo diyan??"
Nagulat ako ng may marinig akong boses mula sa likuran. "Ate.."
"Tinatawag kana ng mama mo"
Tumango nalang ako sa kaniya at agad ng umalis sa kusina.
"Mama!" Tawag ko kay mama.
"Saan ka nang galing??" Tanong nito sa akin.
"Sa kusina po" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓
Roman d'amour|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan niyang akitin ang isang bilyonaryo. Hindi niya alam kong pa'no sisimulan, pero sinubukan niya parin. H...