[CHAPTER 49]
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ng secretary ni Whitaker na si Bella sa akin.
"Kailangan ko ng tulong mo" nag puppy eyes pa ako sa kaniya. "Wag kang mag alala dahil hindi ko Naman ipag dadamot si kuya—"
"Laine!" Pigil Niya sa akin.
Tumawa nalang ako. "Kailangan ko kasi ang opinion mo" ngumiti pa ako. "Kung alin sa mga Ito ang susuotin ko" turo ko sa mga damit.
Tumingin Naman siya dito. "Miss—"
"Laine nalang Sabi eh"
"Okay. Laine, kahit Saan naman sa mga yan ay talagang babagay sayo. Ang galing mo kayang magdala ng damit. Isa pa ay Parang nag rarampa kalang niyan sa stage"
Ngumiti Naman ako sa kaniya. "Pero pagdating Kasi kay Whitaker hindi ako makapag decide kong anong susuotin ko mamaya"
Tumawa Naman Ito at napailing. "Sukat mo mona ito"
Kinuha ko ang ibinigay niyang dress sabay pasok sa dressing room para isukat. Nang matapos ay lumabas ako at umikot sa harapan Niya.
"Ito Naman" sabay abot Niya ng Isang black strapless dress.
Pumasok ulit ako sabay suot ng dress at pagkatapos ay lumabas at umikot sa harapan niya.
Umiling Naman siya. "Masiyadong bulgar baka hindi makapag timpi si Mr. Villegas niyan"
Hinampas ko Naman siya. "Tumigil ka nga"
"Totoo Naman eh" sabay abot niya ng Isang dress na skinetone. "Tignan natin to"
Tumango nalang ako sa kaniya at pumasok ulit sa dressing room. Nagpatulong ako sa kaniya dahil hindi ko maabot ang zipper sa likuran. Nang matapos ay tinignan Niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngiti.
"Okay na"
Ngumiti nalang ako at agad na hinubad para bayaran.
"Eh ikaw? Wala kabang gustong suotin??" Tanong ko sa kaniya.
Umiling Naman siya. "Meron na ako sa bahay"
Tumango nalang ako sa kaniya at sabay na kaming umalis. Napatigil kami ng tumunog ang phone niya.
"Sasagutin kolang to" pakita Niya sa phone Niya.
Tumango nalang ako sa kaniya. Lumayo Naman siya para sagutin ang tawag. Napalingon-lingon nalang ako sa ibang naka display na mga damit at iba pang bilihin. Matagal nadin akong hindi nakapag mall. Naglakad-lakad nalang ako para tumingin sa ilang mga damit at heels. Napatigil ako ng may nabunggo ako. Napatingin ako sa kaniya ng malaglag ang Ilan niyang pinamili. Agad ko siyang tinulungan at ng magtama ang paningin namin ay nagulat ako ng makilala kong sino Ito.
"I-Ikaw..?"
Ngumisi Naman Ito. "Natatandaan mopa ba ako Jewel??"
Matagal kona siyang Hindi nakikita simula nong pag babanta Niya.
"How are you Jewel??"
Agad kong ibinigay sa kaniya ang pinamili Niya at agad na tumalikod dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hahakbang na Sana ako ng hinawakan Niya ang balikat ko at pinaharap ako. Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Naaalala mona ba ako Jewel??"
Bakit ba paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ko!? Hindi na ako ang dating Jewel!
"A-Ano bang kailangan mo!?"
"Ikaw" nakangisi Niya paring sabi.
"Bitiwan mo nga—"
"No!" Mas hinigpitan Niya pa ang paghawak sa balikat ko.
Ang mga mata Niya ay Parang lalabas na dahil sa sama ng tingin Niya sa akin. Kinakabahan na Naman ako sa maari niyang gawin sa akin!
"Alalahanin mo ang lahat Jewel! Alalahanin mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang dahilan ng kagulugan! Ikaw ang dahilan kong bakit namatay ang ina namin! Ikaw ang dahilan kong bakit—"
"Ano bang pinagsasabi mo—bitawan monga ako!" Napasigaw na ako.
Pero Parang ang daya lang dahil mukhang walang nakarinig sa akin!
"Hindi mo parin ba naaalala??" Inilapit Niya ang mukha Niya sa akin habang masama ang tingin. "Ikaw ang dahilan kong bakit nakakulong ang kapatid ko Ngayon!!"
Parang na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at napabitaw sa paper bag na hawak ko.
"S-Si..Rhose k-kapatid mo??" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Dapat ikaw ang nandon!! At hindi siya!! Dapat ikaw ang nakakulong dahil sa ikaw Naman talaga ang may kasalanan ng labat!! Kung hindi dahil sayo hindi Sana nagkaroon ng sunog!!" Makikita na nag aapoy ang galit nito sa akin.
Pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi Niya. Wala akong alam!
Narinig namin ang papalapit na mga gwardiya. Nasa likuran na Ito ngayon ng kapatid ni Rhose.
"Tandaan mo ito Jewel, Hindi ka patatahimikin ng konsensiya mo sa oras na maalala mo ang lahat!! Ikaw ang dapat na makulong! Ikaw—"
"Hulihin niyo na siya!" Agad na pagdating ni Bella sa tabi ko.
Agad na hinuli ng mga gwardiya Ito at inilayo pero patuloy parin ang pagsigaw niya. Halos napatingin at magtaka na ang mga tao. Napatingin ako kay Bella ng pulutin nito ang paper bag na nabitawan ko sabay bigay sa akin.
"Okay kalang ba??" Nag aalalang tanong Niya.
Hindi ko maintindihan kong Anong e re-react ko. Hindi ko din alam kong sasagutin ko ang tanong Niya. Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Wala akong alam. Hindi ko alam. Pero Ngayon nagdududa na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kong gugustuhin kopa bang makaalala o hahayaan nalang na wala akong maalala?
Tumango nalang ako sa kaniya. "O-Oo.."
Napabuntong hininga nalang ito at inalalayan na ako sa paglakad. "Baliw siguro ang babaeng yon..."
Hindi kona narinig ang mga sinasabi niya dahil nililipad na ang isip ko. Parang kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan pero may pumipigil sa aking wag kong alalahanin ang nakaraan. Pero mayron ding nagpupumilit na maalala ko ang lahat at ng sa masagot na ang mga katanungan sa isipan ko.
Bakit ganon ang mga pinagsasabi Niya??
Sino siya..??
>>>next update!
![](https://img.wattpad.com/cover/262973243-288-k409988.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓
Romance|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan niyang akitin ang isang bilyonaryo. Hindi niya alam kong pa'no sisimulan, pero sinubukan niya parin. H...