CHAPTER 47: Forty-Seven Seduce

3.4K 92 2
                                    





[CHAPTER 47]







WHITAKER'S POV





"Doc! What is the result??" Agad na salubong ko sa doctor.

"I'm sorry, Mr. Villegas"

Parang nanlumo ako. No!

Agad akong pumasok sa loob kong saan naroon si Laine na nakahiga. Mas lalo pa akong nanlumo dahil sa lagay Niya. Wala na siyang malay kanina ng maabutan namin at dinudugo kaya agad naming siyang sinugod sa hospital.

Napatingin ako sa kaniya at agad na lumapit ng gumalaw ang ulo Niya at napatingin sa akin. Agad kong kinuha ang kamay Niya at umupo sa tabi Niya.

"Anong nararamdaman mo??" Agad na tanong ko.

Umiling Naman siya at ngumiti pero agad ding napangiwi sa sakit.

"Saan ang masakit??" Agad na tanong ko.

"A-Ang..anak natin??" Hindi Niya ako sinagot.

Napaiwas ako ng tingin at hindi malaman kong sasagutin ba ang tanong niya. Damn.

"W-Whitaker..! Sa..sagutin mo ako!"

Napatingin ako sa kaniya. Makikita na talagang nag aalala din siya. Umiling ako sa kaniya at hinawakan ulit ang kamay Niya sabay halik dito.

"I'm sorry.." yon lang ang nasabi ko.

"B-Bakit??"

Napatingin ako sa kaniya at Ngayon ay isa-isa ng tumutulo ang luha sa mga mata Niya. Napatayo ako at agad na pinunasan Ito sabay yakap sa kaniya.

"Sssh..this is my fault. Sana ay hindi Kita hinayaan—"

"Wala kang kasalanan Whitaker" sabay tingin niya sa akin. "Ang sakit lang..." Napayuko siya. "Ang sakit lang dahil hindi manlang natin siya nasilayan.."

Niyakap ko ulit siya at isinubsob sa dibdib ko. Napatingala ako at ng sa hindi tumulo ang mga luha ko. Pinatahan kolang siya hanggang sa naramdaman ko na hindi na siya humihikbi. Napatingin ako sa kaniya at nakitang tulog na pala. Maingat ko siyang ibinalik sa pagkakahiga sa kama. Napatingin ako sa mukha Niya sabay hawak dito. Hinalikan ko siya sa noo at agad ng tumayo.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog Ito. Kinuha ko Ito at agad na lumabas at sinagot.

"Mr. Villegas??"

"Ako nga" sagot ko.

"Wala na ang kakambal mo.."

Bigla kong nabitawan ang cellphone ko at Parang pino-proseso sa ulo ko ang sinabi ng taong tumawag.

Wala pa bang may mas sasakit dito..?

Naalala ko na kanina ay nag pupumilit siyang siya nalang ang magpapakita kay Rhose imbes na ako dapat. Pero bakit nauwi ang lahat sa ganito??

Napaupo nalang ako Bigla dahil hindi ko na nakayanan ang panginginig ng mga binti ko. Sa mahabang taon na se-sekreto nito, ngayon ay alam na ng lahat. Naalala kopa ang sinabi niyang hindi niya gustong mag pakilala sa maraming tao. Dahil sa kahit makilala man siya nito, ako parin at ang pangalan ko ang tatawagin at hindi siya.

Tumulo ang mga luha ko kaya napatingala nalang ako at pinipigilan na umagos Ito. Kahit kaylan hindi siya naging masama sa akin. Hindi Niya pinaramdam sa akin na naiingit siya sa Anong Meron ako. Tatahimik lang siya sa gilid. At kapag kailangan ko siya, palagi siyang nandiyan. Damn. Bakit kailangang mauwi sa ganito ang lahat!?

Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon