[CHAPTER 5]
"Turn left."
"Yeah, like that."
"Another one, chin up."
Sinunod kolang ang mga sinabi nang photographer. Photoshoot ko ngayon kaya panay na naman ang ikot-ikot ko. Kanina pa pero hindi parin natatapos. Pakiramdam ko nahihilo na naman ako, pero mabuti na 'to para di ako lamunin ng pag-iisip.
"Next, seat on that chair. Paki assess."
Napabuntong hininga naman ako at pagod na umupo. Minsan nakakatamad din pala. Panay lang ang ikot ko tapos haharap sa camera. Pero ginusto ko 'to, eh, kaya dapat kobg panindigan 'to.
'Yong kuya ko nasa gilid lang at pinapanood ako. Nakaramdam na naman ako ng gutom. Dapat lang na ipaghain n'ya ako ng masasarap na pagkain mamaya at ng sa ganon ay magka-energy naman ako.
"What's the problem, Miss Laine?? Mukhang wala ka sa mood ngayon." halata nga siguro sa mukha ko.
Agad naman na kumilos ang kuya ko at kinausap ang mga staffs. "Maybe she needs a break."
Pareho nalang silang nag sang-ayon. Napatingin naman ako sa kuya ko na madiin ang mga tingin sa akin.
"What's the problem??"
"Wala gutom lang siguro." sabi ko.
Nakarinig kami ng tilian kaya napatingin kami dito. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nakita att parang gusto ko ding tumili dahil sa mala-adonis na kagwapuhan ang papunta na sa direksiyon ko.
"President, Chan." bati niya sa kapatid ko. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya kahit na hindi manlang 'to bumaling sa'kin.
"Oh, President, Villegas." balik na bati ng kapatid ko.
Nakatitig lang ako sa kaniya. Gosh!! Siguro makaka move-on na ako nito kapag s'ya palagi nakikita ko, 'di ba?? Bakit ba ako nag kakaganito, ha?! Hindi naman ako ganito dati, eh! Syempre hindi ko pa alam na may ganito palang ka gwapuhan na nabubuhay ngayon. Napahagikhik nalang ako sa naisip ko. 'Yong gutom ko kanina ay parang bigla nalang nawala dahil sa busog na ako habang nakatingin sa kanya.
"Ahem, Miss Laine." biglang siko sa'kin ng kuya ko.
"Huh??" Tanong ko.
"May pagkain na sa table mo—"
"Ah, hindi na. Busog na ako hehehe—" Agad n'ya naman akong binatukan kaya inis ko siyang tinignan. "Masakit ah!"
"Mas masasaktan ka talaga kapag hindi ka pa kumain" banta n'ya.
Napasimangot naman ako sa kanya at inis na umalis. Tumingin pa ako kay Mr. Villegas, pero grabe!! Inignore n'ya lang ang kagandahan ko!! Amp! 'Di manlang ako binati!
Inis kong binuksan ang pagkain ko at inis din na tinusok-tusok ito ng tinidor at kutsara.
"Hmp! Hindi manlang namamansin!" Inis na pag patuloy kopa habang patuloy na nilalaro ang pagkain ko.
"Please, don't waste the food. If you don't want to eat that just give it to others."
"Ay puting itlog!" Gulat na sabi ko. Agad kong nasaboy ang pagkain dahilan para kumalat ito sa lapag.
"Tsk." rinig kong singhal n'ya.
Inis ko naman s'yang binalingan. "Ikaw kasi, eh! Bakit ka ba kasi nang gugulat, ha?! 'Yan tuloy wala na akong pagkain!" Inis na paninisi ko. "Kukuha nalang ako—"
"No." agad na pigil n'ya sa'kin.
"Bakit??"
"The foods that I'd deliver are only for 50 persons. So, if you'll get another one, paano na ang isa pang kakain??"
BINABASA MO ANG
Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓
Romance|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan niyang akitin ang isang bilyonaryo. Hindi niya alam kong pa'no sisimulan, pero sinubukan niya parin. H...