[CHAPTER 9]
Biglang tumunog ang elevator kaya agad na nagsilabasan ang mga tao. Kaya kaming dalawa na naman ang natira. Agad akong lumayo sa kanya at pipindutin na sana ito para sumara na ang pinto ng elevator ng maunahan n'ya ako. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya pero parang wah epek! Kakaloka!! Sigurado na ba talaga akong maaakit ko 'to?? Naamoy ko pa ang pabango n'ya damn! Mamahalin talaga, ano? Nakasampok ang kilay n'ya na tumingin sa'kin kaya napalunok ako at napaayos ng tayo.
"Ah—"
"Why are you here?"
Grabe, hindi ko pa nga natatapos ang salita ko, nagtanong na s'ya. Pero anong isasagot ko sa kanya?? Na nandito ako dahil aakitin ko s'ya?? Gosh.
"Ahm" nag isip pa ako. "P-Pinapunta ako ni kuya.." damn! Sana gumana!
Napatingin ako sa kanya pero deretso lang sa pintuan ang tingin n'ya. Grabe, nagpaganda ako para sa kaniya tapos ignore pa rin pala ako.
"Why?"
"Am..meeting??"
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa naging tanong pa talaga ang salita ko. Napatingin s'ya sa'kin pero mas lalong sumampok ang kilay n'ya.
"Meeting?? About what?? He has no appointment to me this day," sabi n'ya. "And looks like hindi meeting ang pupuntahan mo." sabay iwas n'ya nang tingin.
Um??
Hindi naman kasi talaga meeting!! Ang swerte nga n'ya dahil may oras ako para sa kanya. My time is precious. Motto ko 'yan, pero pag dating sa kanya, my time is useless, yawa.
"What I am supposed to wear, then??" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"Formal attire." himala naman at kinakausap na n'ya ako. "Are you always wearing like that if...if you're having a meeting??" Nakita ko pa ang paglunok nito.
Augh! Bakit pati paglunok nito nakaka attract?! Parang ako pa ang unang mahuhulog sa gagawin ko, jusko!
Pero teka...nag eepekto naba?? Pero baka ilusyon ko lang. Amp.
Hindi ako nakasagot ng mag bukas ang elevator kaya sumunod nalang ako sa kanya. Umakyat kami pataas sa hagdan kong sa'n naka konekta ang opisina n'ya. He swipe something tapos bigla nalang bumukas. Pumasok na kami at nauna pa akong maupo sa kanya. Niluwagan n'ya naman ang kwelyo n'ya at agad na humarap sa'kin. Umupo 'to kaya pumantay ang tingin namin. Grabe ngayon ko lang na appreciate na talagang gwapo nga s'ya.
"Miss?"
Napakurap ako hindi ko namalayan na kulang nalang idikit ko ang mukha ko sa mukha n'ya.
"What about the meeting??" Deretsong tanong n'ya.
"Ahm, ang sabi ni kuya mag papa-deliver daw s'ya nan—"
"If he wanted a food delivery he can message me, no need to have a meeting."
Grabe, ganon na ba n'ya ako kaayaw makita?? Talagang wala s'yang nararamdaman?? Nag damit ako nang alam kong talang maakit s'ya. 'Yong mga tao nga sa ilalim kanina ay humahanga kong makatingin sa'kin, tapos 'tong lalaking 'to parang 'di alam ang salitang style! Nagawa pang punain kanina! Hindi n'ya manlang sinabi na ang ganda ko ngayon, na bagay sa'kin ang damit. Urgh! Nakakinis 'to! Patawarin n'yo ako sa gagawin ko. Ipagdasal n'yo na ako. Sana umepekto.
Tumayo ako at napapikit at agad na humugot ng hininga. Lumapit ako sa upuan n'ya at pasimpleng inilagay ang kamay ko sa mga balikat n'ya. Nasa likuran n'ya ako habang nakaupo s'ya. Naramdaman ko ang bigla n'yang pagkagulat sa paghawak ko dahil sa bigla nitong pag ayos ng upo.
"Mr—"
"Hands off." agad n'yang putol.
Nagulat naman ako dahil sa sinabi n'ya. Akala koba effective 'toh!? Siguro kailangan ko pang galingan, jusmiyo. Hindi ako nakinig sa kanya at agad na pinababa ang kanan kong kamay papunta sa dibdib n'ya. Ang katawan ko naman ay nakayuko sa kaniya kaya nailagay ko ang baba ko sa balikat n'ya. Inilapit ko ang labi ko sa taenga n'ya at ang kamay ko, kahit na kinakabahan ay bumaba lang 'to nang bumaba. Pero dahil nga makapal ang suot n'ya ay hindi ko alam kong umepekto ba sa kanya o hindi.
"Makikipag meeting kana ba sa'kin ngayon, Mr. Villegas??" Bulong ko sa taenga n'ya, nang-aakit. "O, gusto mong cancel muna, hmm??"
Agad niyang kinuha ang kamay ko at agad na tumayo at hinarap ako. Nakaigting ang panga nito habang nakatingin sa'kin. Kaya napa ayos ako ng tayo.
"What do you think your doing, huh??" May bahid ng galit at inis sa tanong n'ya.
Hindi ako nakasagot at parang nanlumo ako dahil sa ginawa ko. Nakakahiya!! Pero hindi dapat ako magpa-apekto! Hinarap ko ang titig n'ya nang buong tapang kahit alam kong nakakapaso 'to.
"Why, Mr. Villegas?? We're having a conversation, right??"
"Is that what you think of having a conversation!?"
Lumapit ako sa kanya dahilan para gumalaw ang panga n'ya. Yeah, I'm observing his every movement. Hinawakan ko ang polo n'ya papunta sa kwelyo n'ya at inayos ang bowtie n'ya. Pinag pagan ko pa ang balikat ng sleeve n'ya sabay tingin sa kanya nang seryoso. Hindi ko namalayan na napakagat na ako sa labi ko habang nakatingin sa buo n'yang mukha. Mas lalo 'tong nakaka attract kapag malapitan. Nakatingin ako sa mga mata n'ya, nang bigla 'tong bumaba sa mga labi ko.
"Why, Mr. Villegas?? Bakit ganiyan ka maka react, hm??" Hindi s'ya nakapag salita. "If your not effected on my touch, hindi ka mag re-react ng ganyan unless—"
"I'm not." napatingin ako sa adams apple n'ya ng lumunok 'to. "It just—"
Naputol ang sasabihin n'ya nang tumunog ang cellphone n'ya. Pinagpagan ko ang kwelyo n'ya at ngumiti sa kanya. Tignan natin kong makakatulog ka mamayang gabi.
"Have a nice day, Mr. Villegas" sabi ko sabay talikod at kinuha ang pouch ko na nasa upuan sabay lakad paalis.
"Yes?" Dinig ko pang sagot n'ya sa cellphone n'ya. "Your sister??"
Napatigil ako sandali. Damn!! Kuya ko ba ang tumawag sa kanya?!
"Ow?? Is she really missing?!" Sinadya n'ya talagang lakasan ang boses n'ya para marinig ko. "How come??"
Hinarap ko s'ya at nakatingin lang s'ya sa'kin ng deretso. Pero yung tingin n'ya, shit!! Parang gusto ko nang tumakbo!
"Hmm? Maybe your sister is having a good time visiting someone and having some conversation, or maybe HAVING.A.MEETING." diin n'yang sabi habang nakatingin pa rin sa'kin.
Inis akong tumalikod sa kanya at agad na binuksan ang pinto pero shuta!! Ayaw bumukas?!! Kaya napabalik ang tingin ko sa kanya at mukhang tapos na silang mag-usap ng magaling kong kuya. Humakbang s'ya papalapit sa'kin kaya napadikit ako sa pinto. Letseng pinto!! Bakit ayaw bumukas?!!
"Meeting, huh??" Nananadya talaga 'to, eh! Gusto ko lang naman na subukan ang plano ko talaga.
Napalunok ako hindi dahil sa sinabi n'ya, kundi dahil sa papalapit na s'ya! Owshittt!! Owshittt!! Anong gagawin ko?!!
"Is that what you want??"
Napapalunok ako bawat hakbang n'ya. Napapikit nalang ako nang hinampas n'ya ang pintuan ng kamay n'ya. Galit ba s'ya?? Naiinis?? Akala ko ako na 'yong nasuntok. Pagmulat ko ay halos magkalapit na ang mukha naming dalawa. Hindi ako makahinga!!!!
"Having a meeting or not, you are not allowed to do that! You know why??" Naipikit ko ulit ang mata ko at naramdaman ko ang hininga n'ya sa gilid ng pisngi ko.
"Coz' it's not effective on me." he whispered.
>>>next update!
BINABASA MO ANG
Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓
Любовные романы|R-18| SPG [COMPLETED]✓ Billionaire Series #3 Started: April 7, 2021 End: May 31, 2021 Hindi inaasahan ni Jewel na aabot siya sa puntong kailangan niyang akitin ang isang bilyonaryo. Hindi niya alam kong pa'no sisimulan, pero sinubukan niya parin. H...