CHAPTER 7: Seventh Seduce

5.4K 176 3
                                    



[CHAPTER 7]






Agad akong lumabas matapos marinig ang sinabi n'ya. Kinakabahan ako at hindi ko alam kong dahil ba sa e-expose n'ya ako sa lahat, o dahil sa gagawin ko kay Villegas??

Nang makabalik sa mesa ay napatingin si kuya sa'kin, may pagtataka sa mukha n'ya. Nakatayo na ang ilan at nag uusap. Napatingin naman ako kay Mr. Villegas pero agad ding umiwas.

"Kuya alis na tayo." sabi ko.

"Huh? Why??"

"Ang sama ng pakiramdam ko." Palusot ko.

Nauna na akong umalis at hindi na nag abalang magpaalam. Kinakabahan talaga ako.

"Hey, wait for me Jewel." tawag sakin ni kuya. "What happened??"

"Wala." sabi ko sabay bukas ng pinto nang sasakyan.

Sumunod din s'ya at umupo sa tabi ko. Agad ng umandar ang sasakyan. Mabuti at hindi na n'ya na ako kinulit. Buong biyahe nasa labas lang ang tingin ko, nilalamon ng pag-iisip. Wala pa naman akong ginagawa pero hindi ko maintindihan kung bakit kabado ako.

"Kuya, ibaba mo muna ako dito." sabi ko.

"Wha—why??" Naguguluhan n'yang tanong.

"Basta baba mo lang ako dito, may dadaanan lang ako." Ulit ko.

Rinig ko naman ang buntong hininga n'ya at agad na iniliko at inihinto ang sasakyan. "Go home when the clock strikes—"

"Hindi na ako bata, kuya. Uuwi din ako pagkatapos." Mabilis nalang ako na kumilos at agad ng bumaba. Tinawag n'ya pa ako pero deretso lang akong naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko monang mapag-isa para makapag-isip ng maayos.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa banta n'ya. Marami nang nag banta o nag blackmail sa'kin, pero hindi ko maintindihan kong bakit parang totoo ang banta n'ya. Pero maniniwala ba ako sa kanya?? Pero alam niya ang real name ko na 'Jewel' which is hindi alam ng publiko. Si kuya lang nakakaalam non at isa pa ay kong marinig man nila ang pangalan ko ay alam kung hindi nila ako makikilala dahil sa iba ako no'n kesa ngayon.

"Outch!"

Muntik na akong mawalan ng balanse nang may biglang bumangga sa akin.

"Miss, sorry." agad na yumuko ang bata.

Nang umangat ito ng tingin ay namilog ang mga mata ko, but luckily hindi n'ya nakikita dahil sa naka shades ako. Paanong nandito s'ya?

"Miss? Sorry talaga." pag paumanhin n'ya pa.

"W-Will??"

Nagulat naman ito dahil sa alam ko ang pangalan n'ya. "P-Paano niyo po.."

"Ahm..I mean...w-well, it's okay" pag pagpapalusot ko.

"Thank you, po. Hindi ko kasi nakita na may mababangga ako.."

Madiin ko s'yang tinignan. Bakit parang iba s'ya ngayon?? Kung no'n kong maka insulto siya—

"I mean, mabilis po kasi ang takbo ko.,kaya hindi ko nakita—"

"Okay lang." putol ko sa kanya.

"But wait po...you look familiar.." nag ooserba pa ang tingin n'ya.

Muntik na akong mapaatras dahil sa kaba. Namumukhaan n'ya ba 'ko?? Pero pa'no?? Ang laki na ng pinagbago ko at isa pa naka shades ako. Grabe nga naman talaga ang observation ng batang 'toh!

"Ah..hm"

"Ikaw si Miss Laine, 'di ba??" Turo n'ya pa na mukhang sigurado.

Nakahinga naman ako dahil do'n. Akala ko kilala n'ya talaga ako. Napaayos nalang ako ng tayo at ngumiti sa kanya.

Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon