We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 27

1.6K 56 4
                                        

Alliston

Nagising akong masakit ang ulo. I even felt something on my forehead. Nangunot ang noo ko at balikwas na napabangon.

I instantly regret it dahil tila naalog naman ang utak ko kaya mariin akong napapikit at sandaling minasahe ang ulo ko.

Damn. It hurts!

Matapos ang naging usapan namin ni Ivy kagabi ay hindi na ako nakakain at nakatulog na lang agad sa sofa dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Speaking of sofa. Bakit nasa kwarto na ako ngayon?

"Oh you're awake!"

A familiar voice echoed through out the room. Agad akong napamulat at lumipad ang tingin ko sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Agad akong napatayo pero mas mabilis siyang nakalapit sakin at muli akong Pinahiga sa kama.

"You're sick! Stay there and let me take care of you."

Napalunok ako. "Where's my daughter?"

Hindi ko na ininda ang mainit na singaw na nagmumula sa katawan ko.  Fudge mukhang nagkasakit nga talaga ako.

Sinalat niya ang noo at leeg ko. Tinitigan ko pa siya ng maigi dahil hindi siya sumasagot.

"Yung an-anak ko!"

Wala ulit siyang imik. Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil parang Wala lang siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Nag-usap na kami. Pumayag na ako sa gusto niyang mangyari para lang makita ko ang anak ko pero bakit tila iba yata ang naging kalabasan.

Sunod sunod na luha na ang lumabas sa mata ko. Masakit na nga yung ulo ko tapos ngayon pati mata ko sasakit na din sa kakaiyak.

Ilang saglit pa bago ko ulit narinig ang pagbukas ng pinto. I saw her with a tray full of foods and walked sophisticated towards my direction.

Tahimik niya iyong nilagay sa harap ko. Pinapanood ko lang ang bawat niyang kilos mula sa pag lalagay ng spoon ang fork sa pinggan hanggang sa pagsasalin niya ng gatas sa baso.

"Eat. I prepared it by myself!" Seryosong sambit nito.

Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin dito at daretso ko siyang tinignan sa mata.

"Pero, I-Ivy..."

"Mamaya tayo mag-uusap. Kapag nakakain kana at nakapag ayos ng sarili mo!"

Napayuko ako at mariing kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak.

Wala na akong nagawa kundi kainin yung mga hinanda niya. Hirap man ako sa paglunok dahil sa mariin niyang pagtitig sakin ay pinilit ko padin ngumuya at magpatuloy sa pagkain.

Ilang subo palang pero wala na akong gana. "A-Ayoko na."

"Ubusin mo yan."

"Busog na ako e." Masakit din kasi ang lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok.

Tinignan ko siya pero natakot ako dahil nanlilisik ang mga mata niya kaya wala sa sariling napasubo ako ng pagkain. Pinipigilan kong humikbi pero taksil ang mga luhang kumawala sa mata ko.

"Fine. Stop crying!"

Mariin niyang kinuha ang mga pagkain sa harap ko at nilagay sa bed side table.

"Now, take a bath!" Muling utos nito.

"Pero may sakit ako." Mariing sagot ko.

Masakit na talaga ang mga kalamnan ko at maski konting galaw ay nagdudulot ng kirot.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now