"What's wrong?" Nag aalala nyang tanong dahilan upang sunod sunod akong umiling.
Nanatili ako sa ospital for almost two weeks. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi pa muling nagpapakita sakin si Coby. Ni hindi rin siya nag aabalang sumagot sa mga text ko. Maging ang kumustahin man lang ako ay hindi nya magawa kaya naman hindi ko rin maibalita sa kanya ang kalagayan ko at ng magiging kalagayan ng kanyang Anak ko.
"I'm home" pabuntong hiningang ani ni Aubrey ngunit walang pumansin sa kanya-- maliban sakin syempre. Maging kasi ang mga katulobg ay napagsabihan na wag na siyang pagsipbihan o pansinin dahil nga sa utos ng Lola ko. "Great" bulong nya nang mapagtantong walang sasagot sa kanya pabalik. Padabog siyang nagtungo sa taas at maging ang pagkalabog ng pintuan ng kwarto nito ay umalingawngaw sa baba.
"Honey. What are you doing here?" Tanong ni Mommy bago ako inakay sa braso. "You need to rest" nakangiti nya pang ani. Kahit na nakakahawa ang ngiti nito ay hindi ko magawang mangiti.
"Goodmorning po" mababang boses ang umalingawngaw sa living room kaya naman dali dali kong ibinaling ang paningin rito.
"Oh iho. Ikaw pala" ani ni Daddy bago lumapit kay Coby upang batiin. Nanatili naman ako sa pwesto habang si Mommy naman ay iniwan ako upang batiin ang bagong dating.
"What are you doing here? Gabi na ah" puna naman ni Mommy.
Kung nandito lang at gising pa ang grandparents ko-- baka sinabuyan na siya ng asin mapalabas lang sa pintuan namin.
Sa halip na sagutin si Mommy ay agaran na itong bumaling ng tingin sakin. Pero hindi katulad ng dati ay malungkot ang mga mata nya. Sa halip rin na batiin ako ay iniwas nya lamang ang titig sakin bago bumaling kila Mommy na ngayon ay nag aabang sa sagot nya.
"Nagpunta lang po ako rito para ihatid si Aubrey. Nagta-tantrums kaya hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya--"
Imbes na pakinggan siya ay napairap na lamang ako sa kawalan at nilagpasan na silang tatlo. Maging sa pag akyat sa hagdan ay nagdabog ako kaya naman nakuha nila ang atensyon ko.
"Mag ingat ka sa pag akyat, Anak. Makakasama sa--" putol na ani ni Daddy dahil masama na ang titig ko nang bumaling ako sa kanila.
"I'm okay Dad. We're okay" pilit ngiti kong ani bago nagpatuloy sa pag akyat na tila ba huminahon na.
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at doon humagulgol ng humagulgol. Alam kong emosyonal ako ngayon dahil nga sa pagbubuntis ko. Gusto ko mang iwasan ay hindi ko rin magawa.
Nagising ako dahil sa mga nagbubulungan sa kabilang kwarto. Hindi naman ganoon kakapal ang mga pader kaya naman naririnig ko, hindi nga lang din malinaw.
Dali dali akong umalis sa kama at dahan dahang binuksan ang pintuan. Sa labas nga ay rinig na rinig ko ang boses ni Aubrey na humahagulgol. Agad akong nagtungo sa pintuan nito upang idikit lang ang tenga ko. Gusto kong marinig ang pag uusap nila ni Aubrey.
"Mahal mo siya.. di ba?" Hikbing sambit ni Aubrey dahilan uoang maestatwa ako sa pagkakatayo. "Sumagot ka Coby.. mahal mo si Thalia di ba?"
Inabot pa ng ilang segundo bago nagsalita si Coby. Hindi ko rin naman inaasahan ang isinagot nito kaya naman nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
"No" simpleng salita lang pero bolta-boltahe ang sakit na pinaparamdam sakin. "Ikaw lang ang mahal ko Aubrey. Tumigil ka na sa pag iyak huh?" Malambing ang boses nito, bagay na nakapagpabaligtad sa sikmura ko.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kwarto nila ay nagsunod sunod na ang pagduwal ko sa hallway. Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Idagdag mo pa yung mga narinig kong sinabi ni Coby.
"Ma'am !!" Sigaw ng mga katulong kasama na ron si Mommy at Daddy.
"Anong ginagawa mo dito Nak? Malalim na ang gabi" ani ni Mommy bago ako hinawakan sa braso upang mapatayo. "Bakit ka umiiyak huh?" Nag aalala nyang tanong bago pinalis ng mga daliri nya ang luhang tumakas sa pisngi ko.
"Magpahinga ka Anak. Makakasama sa baby mo yan" ani ni Daddy bago ako iginayak sa kwarto.
Pero agad rin kaming natigilan nang makita namin si Coby na nakatayo at nakahawak sa kamay ni Aubrey.
"B-buntis ka?" Gulat nitong tanong bago tuluyang bumitaw sa pagkakahawak kay Aubrey. "Buntis ka T-thalia?" Dagdag pa nito.
Bagsak ang katawan ko habang pinagmamasdan ang text message ni Coby magmula pa kaninang umaga. Ilang linggo na rin kaming ganito. Sinubukan nya akong kausapin ng kami lang dalawa ngunit wala akong ginawa kundi manahimik at irapan siya. Sinubukan nya rin akong kausapin kasama ang pamilya ko ngunit maski isa sa kanila ay hindi ko man lang sinagot.
"Nagtatampo na ako sayo Anak" nakangusong ani ni Mommy isang umaga sakin. Abala ako sa pag iimpake habang siya naman ay nakangusong nakamasid sakin. "Ni hindi mo man lang sabihin sakin kung sino ang tatay--"
"Break na kami" matabang kong ani bago tinapos ang pag iimpake. "Matagal ng wala kami. Kaya hindi na kailangan"
"Pero dapat malaman nyang may Anak siya sayo.."
"It's okay Mom. Besides, kaya ko namang buhayin ang Anak ko kahit na mag isa lang ako" pagmamatigas ko na ipinagkibit balikat nya lang. "Kailangan ko nang umalis" paalam ko bago humalik sa pisngi nya. Hahatakin ko na sana ang maleta ko pero agad na siyang suminghal.
"Hayaan mo na sa mga katulong yan. Baka makunan ka pa.."
"Pero hindi naman ito ganon kabigat--"
"No. Listen to me" pinal nyang ani na tinawanan ko na lang. Habang pababa kami sa hagdan ay hindi rin maputol si Mommy sa mga paalala na sinasang-ayunan ko na lang. Panay ang habilin nya patungkol sa mga dapat at hindi dapat kong gawin. "Basta. Tatawag ka kapag nakarating ka na sa Amerika. Wag kang magpapalipas ng gutom dahil makakasama sa Anak mo yan" ani nya na sinasang ayunan ko rin.
"Malelate ka na sa flight mo Anak" ani ni Daddy bago tumayo at sinalubong ako ng yakap. "Tatawag ka kapag nakarating ka na 'ron ha?" Habilin nya na tinanguan ko rin.
"Basta Dad, Mom. Yung habilin ko ha?" Paalala ko na tinanguan nila.
Napagkasunduan namin na kahit anong mangyari, walang dapat na makaalam sa pag alis ko. Maging si Aubrey ay hindi dapat makaalam sa lihim kong pag alis. Tanging sila Lola at Lolo, Mom at Dad lamang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."