CHAPTER 44

5 2 0
                                    

"Pwede bang ihiwalay mo ang advice mo sakin at sa sarili mo?" Reklamo niya. As usual, panay ang kuda nya na hindi ko na pinapakinggan kahit na patuloy lang ako sa pagtango.

Our conversation went on, until--

"Thalia?" Tanong ng isang hindi pamilyar na boses kaya naman lumingon ako sa gilid ko at agad na napatayo.

"Emerton?" Gulat kong tanong na tinawanan nya. Inilahad ko sa kanya ang katabi kong upuan na tinanggap nya naman.

"Whew. Pamalit ka Coby?" Pang aasar ni Thina dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.

"Coby?" Natutuwang tanong ni Emerton dahilan upang mag init ang mukha ko.

"I'm sorry. I'm out" pasukong paalam ni Thina bago tumayo at iwanan kami ni Emerton.

"Until now nahuhulog ka pa rin kay Coby? I thought kasal na sila ni--"

"Walang kami" pigil ko sa kanya dahil hindi ko maatim ang mga salitang isusunod nya. "By the way. Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita ah?" Balik sigla kong tanong na nginiwian nya.

"I'm handsome" puri nya sa sarili na nginiwian ko. Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko. "Isa na nga lang ang kulang para maging masaya ako" natatawa nyang dagdag dahilan upang matawa ako.

"Talaga? Ano?" Tatawa tawa kong tanong pero ang kaninang natutuwa nyang reaksyon ay napalitan ng pagka seryoso at-- misteryo.

"Ikaw" sagot nya.

Saksi ang dim lights at music sa kung paano nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nya.

"Walang hiya ka talaga" angil ko kay Emerton kasabay ng paghampas sa balikat nito. Wala naman siyang nagawa kundi tumawa sa biro niya.

Pwede naman nating seryosohin kung gusto mo--"

"Emerton" putol sa kanya ng isang boses dahilan upang mag angat ako ng tingin sa kung kanina man nanggaling ang boses nito.

"Oh Coby" nag abala pang tumayo si Emerton upang salubungin si Coby pero ang masamang tingin nito ay sa akin mismo ipinukol. "Hindi ko alam na nandito ka--"

"What are you doing here?" Kunot noo nyang tanong kay Emerton na tila ba pagmamay ari nya ang lugar na ito. Na parang walang karapatang tumapak sa lugar na ito ang mga taong nasa harapan niya.

"A-ah. Just chillin'. Nakita ko si Thalia kaya--"

"Ikaw?" Kunot noong baling sakin ninCoby dahilan upang umasim ang mukha ko at napaduro sa sarili nang wala sa oras.

"Anong ako?" Natatawa kunwari kong tanong na mas lalong nagpakunot at nagpasama sa titig nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Diin nya sa mga salita na gusto nyang ipaintindi sakin.

"Bakit? Sayo ba ang Coastal? Ikaw ba ang nagmamay ari--"

"Sumagot ka ng maayos--"

"Maayos akong kausap at ikaw ang malabo dito, tangina ka !" Sigaw ko kasabay ng pagtayo at pagturo na nagpagitla sa kanila ni Emerton.

"Thalia.." tawag sakin ni Emerton kasabay ng paghawak sa braso ko upang mapakalma ngunit mas lalo lamang nag init ang dugo ko.

"Wag kang umasta na pagmamay ari mo lahat, Coby ! Wala kang maski isang karapatan!" Sigaw ko pa. Nakukuha ko na ang atensyon ng karamihan kaya naman naglakas na ng loob si Emerton upang hilahin ako palabas. "Tanginang Coby yan. Akala mo kung sino. Akala mo pagmamay ari nya lahat.." patuloy kong reklamo hanggang sa marating namin ang malawak na parking lot.

Sa halip na makiusyoso ay tinawanan na lamang ako ni Emerton kaya naman nagtaas ako ng kilay nang sandaling bumaling ako sa kanya.

"Masyado naman yatang mainit ang dugo mo sa first love--"

"Isa ka pa Emerton. Busalan mo yang bibig mo" reklamo ko na tinawanan nya bago naglakad patungo sa kung saan.

"Where are you going?" Taka nyang tanong nang lumagpas ako sa kotse ni Thina at Jameson. "Thalia.." saad nya pa bago ako hinawakan sa pulsuhan upang mapatigil sa paglalakad.

"What?" I hissed na ikinatawa nya.

"Saan ka pupunta?"

"Malamang uuwi" ani ko. Sumilay ang ngiti sa labi nya habang nakatitig sakin kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

"Gusto pa kitang maka-kwentuhan eh" pag aarte nya na inirapan ko. "Minsan na nga lang tayong magkita--"

"Saan mo ba gustong pumunta?" Putol ko sa sasabihin nya kaya naman ang ngisi nya sa labi ay mas lalong lumaki at lumawak.

"May alam akong lugar" ani nya bago ako hinila at dinala sa sasakyan niya.

Gusto kong magtaka dahil tila ba nakaangat na siya sa buhay. Maliban sa pag iwas kay Coby ay gusto ko ring makakwentuhan si Emerton kaya naman pumayag ako sa gusto nya.

Isang oras ang itinagal ng biyahe namin. Habang nasa daan ay nagkukwento siya ng mga bagay na natutunan nya sa bahay ampunan hanggang sa maglakas siya ng loob na umalis rito at mag aral na maswerte namang pinayagan naman Sister Esme.

Hanggang sa i-park nya ang kotse sa isang bakanteng lote. Tiyak kong nasa taas kami ng abandonadong burol dahil paakyat ang daan na tinungo namin kanina.

"Nasaan tayo?" Tanong ko nang makalabas at agad na natungo sa pinakagilid ng maliit na bundok. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang maliit na siyudad kung saan kami nanggaling ni Emerton kanina.

Iba't iba ang kulay ng mga liwanag na para bang nagmumula sa mga alitaptap dahil sa sobrang layo ng kinaroroonan namin.

"Welcome sa comfort place ko" aniya bago umakbay sakin at kapwa namin pinagmasdan ang maliwanag na siyudad.

Hindi ko na pinakiramdaman ang akbay nya dahil natuon na ang atensyon ko sa magandang tanawin. Naramdaman ko ang init ng yakap nya sa tagiliran at maging ang paghigpit ng kapit nito sa puno ng balikat ko bagay na nakapagpataas sa kilay ko.

"Alam mo bang, dito kami nagpupunta ni Coby kapag may problema kami?" Kwento nya dahilan upang lingunin ko siya. Ang nagtataka kong tingin ay sinuklian nya ng isang tipid at nagniningning na ngiti. "Dito namin pinag uusapan ang lahat.."

"Lahat?" Tanong ko na nakangiti nyang tinanguan.

"Lahat."

"Tungkol sakin?" Pinilit kong hindi magtunog na umaasa pero mukhang nagkamali ako dahil ang nakangiti nyang mukha kanina ay tila ba lumaylay.

"Tungkol kay Aubrey" sagot niya.

Hindi ko alam pero tila ba may punyal na paulit ulit na sumasaksak sa dibdib ko ngayon.

Tama naman. Bakit pa ba ako umaasa?

Eh si Aubrey ang mahal niya.

Naubos ang oras ko sa tawanan namin ni Emerton. Panay ang kuda nya sa kung paano siyang pinahirapan ni Sister Esme sa pamamalagi nya sa ampunan hanggang sa makabukod siya at kuhanin si Cassandra.

"Siya ang ginagawa kong alila kapag wala ako sa bahay" aniya nya na tinawanan ko.

Close namin ni Coby si Cassandra, lalong lalo na si Emerton. Mas matagal namin silang nakasama kumpara kay Remon na katulad namin ay ulila rin.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon