CHAPTER 40

8 2 0
                                    

"Bakit hindi ikaw ang magpaligaw?" Pang aasar ko na ikinapula naman ng mukha nito.

Ilang oras kaming nagkatuwaan sa pang aasar sa isat isa bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

"It's nice to be back" nakangiti kong ani kasabay ng pagpasada ng daliri sa dati kong table.

Agad rin akong natigil sa ginagawa nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina ko at bumulaga si Daddy Roger kasama si Chessa na ngayon ay hindi magkada ugaga sa pagkakahawak sa mga dokumento.

"Welcome back Anak" ani ni Daddy Roger dahilan upang gulat na bumaling ng tingin sakin si Chessa.

"Maaaam !!" Sigaw nya kasabay ng pagsabog ng mga dokumento sa sahig at ang pagtakbo at pagtalon nya patungo sakin.

Natatawa ko siyang hinampas sa pwet dahil nag umpisa na siyang humagulgol sa balikat ko habang nakayakap pa rin sakin.

"Akala ko wala ka nang balak na bumalik dito. Akala ko nawala ka na nang tuluyan. Akala ko--"

"Shhh.. ang importante bumalik ako" ani ko bago kumalas at lumapit kay Daddy Roger upang yumakap. "I miss you Dad" nakapikit kong ani nang sandaling maramdaman ko itong gumanti ng mahigpit na yakap.

"I miss you Thalia-- Anak" madamdamin nitong ani bago ako hinarap at hinaplos sa pisngi. "Salamat at bumalik ka, ngayong kailangang kailangan ka ng kumpanya"

Nangiti ako dahil sa sinabi nito. "That's why I'm back"

"Dapat lang na bumalik ka dahil hinahanap ka ni Kuya" natatawang ani ni Chessa dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan. Halos maubusan rin ng dugo ang mukha ko dahil sa nalaman. "He was looking for you for almost five freaking years" natatawa nyang dagdag.

I wonder if may alam ba silang lahat na may Anak na ako?

"Yan lang ang kailangan mong tapusin sa araw na ito. Si Bie na ang bahala sa pag sasaayos nyan kapag ipe-present na sa board" bilin ng secretary ni Dad na tinanguan ko na lamang bago pinasadahan ng tingin ang form na naglalaman ng buwanang inventory ng sales.

"Anong pinag awayan niyo ni Kuya at bakit pinagtaguan mo kami ng limang taon?" Taas kilay na tanong ni Chessa dahilan upang bumaling ako ng tingin sa kanya.

Sa nakalipas na limang taon. Maraming nagbago sa features ng mukha ni Chessa. Kuminis ang mukha nito. Nagkaroon rin ng kurba ang katawan nito. Tumangkad ang height nito habang ang buhok naman nya ay humaba at malayong malayo na sa short hair cut nito dati.

Nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na gumamit ng mapulang lipstick at makapal na shades ng kilay.

"We're done" simpleng sagot ko bago bumaling sa forms. Busy siya sa pagsasaayos ng mga documents na naikalat nya kanina habang ako naman ay busy sa pag a-analyze ng sales.

"Tologo bo" epal nyang sagot na ikinakunot ng noo. "Alam mo ba Maam na halos masira ang buhay ni Kuya nang dahil sa pag alis--"

"Wala akong pakialam Chessa" walang gana kong sagot. Rinig ko ang palihim na singhal nya ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. "Trabaho ang binalikan ko at hindi siya"

"Talaga ba?" Rinig kong ani ng boses dahilan upang matigilan ako. "Trabaho ang binalikan mo at hindi ako?" Taas kilay na ani ni Coby habang nakahilig sa damba ng pintuan at nakahalukipkip na nakatitig sakin.

"Uh-oh" pang aasar pa ni Chessa pero napukol na kay Coby ang paningin ko.

"Let's talk" aniya bago ako hinigit sa braso. Isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kanya ngunit wala na yatang makakatalo sa sama ng tingin nya sakin.

"Bitawan mo ako"

"Mag usap tayo. Please, Thalia" pakiusap nya pero pumiglas ako at pabatong tinanggal ang kamay nya. "Ano bang problema?"

Sarkastiko akong tumawa sa harapan nya at bumaling kay Chessa na ngayon ay nagugulat sa inaakto ko.

"Labas muna ako" paalam nya bago lumabas ng opisina ko.

"Anong problema mo Thalia? Maayos naman tayo di ba?" Tanong nya dahilan upang masama ko muli siyang balingan ng tingin.

"Maayos? Anong problema?" Magkasunod kong tanong pero naroon ang pait. "Nagka amnesia ka ba? Pansamantala ka bang namatay? Nahihibang ka na ba?" Magkakasunod kong tanong habang dinadamba ang dibdib nya. Magkakasunod na patak ng luha amg kumawala sa mata ko. Binalak nya iyong palisin ngunit malakas ko lang na tinampal ang kamay nya. "Layuan mo na ako Coby--"

"Ano bang problema--"

"Niloloko mo lang kame ng kapatid ko !" Buong lakas kong sumbat na ikinagitla nya. "Tama ako di ba? Tama ako? Na niloloko mo lang kami ni Elise. Niloloko mo lang kami ng kapatid ko !"

"E-elise?" Naguguluhan nyang tanong na ikinatigil ko. "Kapatid mo si Elise?" Patungkol nya sa anak ng mayordoma nila.

"H-hindi. Umalis ka na" mahinahon kong ani bago siya itinulak tulak sa pintuan. Naroon ang gulat sa mukha nya na binalewala ko na lang. "Sawang sawa na ako Coby. A-ayoko na" garalgal kong dagdag nang makita ko itong nanatili lamang sa kinatatayuan.

"What about my son-- my daughter? Paano ang anak natin?" Mahinahon nyang tanong ngunit naroon ang pait sa boses nito na tila ba nagkukubli.

"Wala kang a-anak" I lied just to keep my son protected. "H-hindi ka kailanman nagkaroon ng Anak sakin"

"Anong wala? You are two weeks pregnant back then. Doctor ang nagsabi sakin na--"

"Miscarriage" bulong ko na tiyak kong kami lang ang makakarinig. Tears began to fall down to my cheeks. I felt shivered as I throw him the lies about our child. "I lost our c-child" dagdag ko pa.

"No" ani nya na hindi ko na nasundan dahil everything wents black.

"I told you to rest Thalia" singhal ni Lolo nang makita nya akong nakatulala sa ceiling ng kwarto ko. "Bakit ba tumitigas ang ulo mo Apo?" Di tulad kanina ay naging malumanay na ang boses nito.

"I l-lied.." panimula ko na nagpakunot sa noo nya. "Nagsinungaling ako sa ama ng Anak ko.."

"Anong sinasabi mo Apo?"

"Sinabi ko sa kanya na nakunan ako.." paliwanag ko bago tumungo sa pagkakahiga. Nagsimula nanamang gumuhit ang mainit na luha sa pisngi ko dahil sa naalalang iyon. "Am I w-wrong?"

"Let's talk about it later, Apo. Magpahinga ka na" ani nya bago ako hinipo sa noo.

Buong linggo akong nanatili sa opisina. Lola wants to withdraw her shares para naman mawalan na ako ng karapatang magtrabaho ron pero ginawa ko lahat ng makakaya ko upang pigilan ang gusto nyang mangyari.

Ang buong linggo kong pananatili sa opisina ay nangangahulugan rin na buong linggong nakamasid sa opisina si Coby. Wala akong choice kundi irapan siya sa twing mapapatingin sya sakin.

DISTANT (Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon