"M-mom" agad na nanginig ang boses ko unang salita ko pa lamang kaya naman wala na akong lakas ng loob para dugsungan iyon.
Kahit na mayroon akong nararamdaman na natutuwa at nalulungkot, mas lamang pa rin siyempre ang kaba ko. Pakiramdam ko ay ito na ang huli kong pakikipag usap sa kanya dahil sa mga salitang binibitawan nya. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng oras na punan ng pagmamahal ang trato ko sa kanya.
Totoo talaga ang kasabihang, 'Kung kelan huli na ang lahat, doon mo lang malalaman ang importansya ng isang tao. Kapag mawawala na ito at malilisan kang mag isa habang pinapanood siyang naglalakad palayo sayo'
Masakit dahil wala akong magagawa kung ang Diyos na mismo ang babawi sa buhay ng taong ipinahiram nya sakin. Ang buhay ng taong kumalinga sa buhay ko kahit na mayroon siyang pagkukulang sakin. Kahit na kulang ang pagmamahal at pag aaruga na ibinibigay nya. Kahit na namamaborito siya kahit na dalawa ang anak niya.
Mahal ko si Mommy dahil siya ang ginamit ng Panginoon upang makabalik ako sa pamilya ko.
"Mag iingat ka palagi at patawad sa lahat. Mahalin mo ang Daddy mo at wag na wag mo siyang pababayaan.." ani niya hanggang sa ang pagkakahawak nya ng mariin sa kamay ko ay unti unting gumaan hanggang sa maging hangin at tuluyan nang naglaho sa ere.
"Mommy.." bulong ko kasabay ng panibagong bugso ng luha sa pisngi ko.
"Thalia !" Rinig kong sigaw ng isang boses kaya naman dali dali kong iniangat ang ulo ko. Agad akong hinila patayo ng nurse na kaharap ko at itinabi ako sa pader upang madulugan nila ang naghihingalo kong Ina. "Anak" humahagulgol na ani ni Daddy kasabay ng pagyakap sakin.
Kahit na anong gawin ko ay wala akong lakas ng loob upang titigan ang mga taong nagkakagulo sa harapan ko.
"Dios ko" ani ni Daddy kasabay muli ng pagbagsak ng panibagong luha.
Namumugto ang mata ko habang tinititigan ang mga doctor na nire-revive ang nag aagaw buhay na katawan ni Mommy.
"Clear" huling sambit ng doctor kasabay ng pagpump sa chest ni Mommy. Dismayadong iling ang ibinigay nya sa mga nurse na tumulong bago bumaling samin ni Daddy. "I'm sorry Mr. Conquez" ani nya bago bumaling sa isang nurse na may hawak na chart. "Time of death. 8:36 AM" ani nya bago naglakad palabas ng kwarto kasama ng mga nurse.
Hagulgol ang namutawi sa kabuuan ng kwarto nang kami na lamang ni Daddy ang natira.
"M-mom" utal kong tawag. Mukhang nagkamali ako na natuyot na ang mga mata ko sa kakaiyak dahil kasabay ng pagtawag ko sa kanya ay ang panibagong bugso muli ng luha ko.
Dahan dahan akong lumapit patungo sa katawan nya at malayang pinagmasdan ang namumutla ngunit payapa nitong mukha. "MOMMY !!" sigaw ko bago yumakap sa malamig nyang bangkay. "NOOOO !!" Sigaw ko pa kasabay ng paghagulgol.Parents are the only ones who show unconditional love. Si Daddy yung tipo ng tatay na hindi ganon kahigpit gaya ng ipinakita sakin ni Mommy. Si Daddy ang madalas kong makasundo at hindi si Mommy. Kami ang madalas na mag usap kesa kay Mommy. Hindi ko man ganon kagaling na i-define si Mommy di katulad ng ginagawa kong pagpuri kay Daddy. Hindi ko man madalas na maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Alam kong alam nya lahat ng nasa isip ko. Alam kong ipinapakita nya lang sakin ang bad sides upang hindi ako mamulat sa mundong puno ng luho, and I considered it as a parenting her child. She work and trained me well to prepare me for future challenges. And that's how she manage my life. Ganon ang mundong ipinapakita sakin ni Mommy pero minasama ko iyon. Sa mura kong edad, minasama ko lahat ng sinasabi nya at ginawa nyang tila ba pantataboy sakin.
Hindi ako nagtiwala sa lahat ng ginagawa nya para sakin. Hanggang sa kabilang buhay ay ako pa rin ang naisip niya, na sa akin pa rin siya nagpakita kesa sa mahal nyang asawa.
Pinili kong maging makasarili.
Iniwala ko ang kaisa isang bagay na nakakapagpasaya sa kanya bukod sakin. Sinira ko ang sarili nyang pamilya dahil sa mga walang kabuluhan kong pagseselos. Nawala ang kaisa isang kayamanan nya nang dahil sa kapabayaan ko.
Kung maaga ko lang ba na nasabi sa kanya na nahanap at nakilala ko na si Elise.. magkakaroon ba siya ng lakas ng loob upang lumaban sa buhay? Upang lumaban sa kinakaharap na sakit? Magkakaroon ba siya ng pag asa kapag sinabi kong si Aubrey at si Elise ay iisa lang?
Kasalanan ko ito.
Ang pagkasira ng pamilya nya.. ang pagkawala ng anak nya.. ang kakulangan ko bilang tagapag alaga nya.. ang pinangarap nyang pamilya na sinira ko dahil sa pagseselos ko.
Kasalanan ko.
"Condolence Ma'am" malungkot na ani ni Chessa na nagpabalik sakin sa reyalidad.
Tanging pili lamang ang inanyayahang dumalo sa burol ni Mommy. Ang mga stock holders at ang kanya kanyang pamilya nito. Ang mga kaibigan, at kakosa ni Mommy. Ang pamilyang Conquez at kasama na ron si Tita Francheska. Ang buong pamilya ng Yullenco-- maliban kay Coby. Sa pamilya ko-- maliban kay Aubrey-- kay Elise.
"Ma'am okay ka lang?" Tanong ni Chessa kasabay ng pagdungaw sa mukha ko na ikinagitla ko.
"Ayos lang" I lied. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paanong sasabihin kay Aubrey na wala na ang kaisa isang babaeng hinahanggan nya magmula pa nong bata.
Natatakot ako sa masasabi niya.
"Namumutla ka eh" puna nya pa na hindi ko na sinagot. Alam kong nakikisama lang siya dahil kailangan nya ring irespeto ang nararamdaman ko-- lalo na ngayong nawalan ako.
Pinaiwan ko sa bahay si Archer kasama ang yaya nito dahil natatakot akong baka masulyapan ito ni Coby at idahilang siya ang ama ng anak ko.
"Condolence" malamig ang boses ng taong nagmamay ari nito na nasa likuran ko. Pansin ko ang munting ngisi ni Chessa sa harap ko na inirapan ko na lang.
"Salamat" ani ko nang hindi lumilingon sa likuran dahilan upang marinig ko itong bumuntong hininga at naglakad palapit sa coffin.
"Taray. Wala man lang bang face to face?" Pang aasar ni Chessa.
"Shut up" angil ko na ikinanguso niya.
May iilan pa siyang salitang binigkas ngunit hindi ko na iyon nagawang pagbalingan ng tingin dahil napako ang paningin ko sa bulto ng babaeng nakatayo sa damba ng entrance. Simpleng white dress lamang ang suot nitong bistida na ipinares sa kulay majenta'ng doll shoes.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Roman d'amour"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."
