Rinig ko ang bawat tibok nito. Maging ang init ng hininga nya ay ramdam ko dahil tumatama ito sa mismong ulo ko.
"Nandito lang ako Aubrey. Hinding hindi kita iiwanan" saad nya kasabay ng paghagod sa balikat at likod ko.
Lumipas ang linggo. Naroon pa rin sila sa ospital at abala sa pagbabantay kay Thalia na inabot pa ng ilang araw bago umuwi.
Mag isa lamang ako sa mansyon at tanging ang mga katulong lamang ang kasama ko sa bahay.
Dahil sa sobrang bored ay nagpasya akong mag ayos ng sarili. Dahil nga sa iniwanan na ako ni Thina, ako na lamang ang mag isang tutungo sa Coastal-- isang bar na malapit lamang sa tabing dagat.
Hindi ko na tinawagan si Coby dahil tiyak ko namang hindi iyon sasama sakin aat mas lalong hindi ako non papahintulutang umalis upang uminom.
Nasa legal age na rin ako kaya naman may permiso akong magtungo sa kung saan ko man gustuhin-- sa imyerno man yan o kung saan.
Mabilis akong nagtungo sa sasakyan ko at mabilis na pinihit ang susi upang mabuhay ang makina. Swabeng ko ring iminaobra ang kotse upang makalabas na. Nangunot pa ang noo ko nang makita ko ang guwardiya na ibinaba ang post. Wala tuloy akong nagawa kundi tumigil at harapin ito.
"Saan po kayo pupunta Ma'am?" Tanong nya dahilan upang ngumisi ako.
"Sa impyerno. Sasama ka ba?" Tanong ko na ikinagitla nya.
"Ma'am. Mahigpit po kasing bilin ni Sir Coby na wag kayong pahintulutang umalis--"
"As if I care?" Pairap kong ani. Amoy ko ang alak na ininom ko kanina pero kahit na anong gawin ko ay wala man lang itong epekto sa sistema ko. "Iaangat mo ba ang post o kailangan ko pang bungguin yan?" Asar kong banta dahil unti unti na akong nawawalan ng oras.
"Pero m-ma'am--"
"Putang ina" singhal ko bago inapakan ang gas. Ramdam ko ang impact ng pagbangga ko pero hindi man lang ito ang naging dahilan upang huminto ako sa pagmamaneho.
Natatawa kong ipinark ang kotse ko sa malawak na parking lot ng Coastal. Agad rin akong nangiwi nang makita ko ang yupi ng kotse ko.
'Magagalit si Dad kapag nakita toh. Panigurado' kibit balikat lamang ang iginawad ko sa sarili bago kekembot kembot na nagtungo sa bar.
"Rémy Martin" ani ko sa bartender na tinanguan nya. Prente akong umupo sa stool sa counter at doon nagpasyang magpalipas ng oras habang hinihintay ang order ko.
Sa huli ay napagdesisyunan kong lumabas sa Coastal at magtungo sa dalampasigan upang doon magbalak na magpalipas ng oras at uminom. Ramdam ko na ang tama ng alak sa sistema ko bago ako umupo sa buhanginan at doon nakatungong umiyak habang yakap ang mga tuhod ko.
"Nasaan ang mga magulang ko? Anong ginawa mo sakin Ate?" Bulong ko habang humahagulgol.
Tila ba sapat na ang dalawang bote upang mawala ako sa wisyo. Hindi ko na rin naramdaman ang sarili ko na unti unting tumayo at tumitig sa maalon ngunit payapang dagat sa ilalim ng madilim na gabi.
"Kung ang pagkawala ko ang kaligayahan nyong lahat.. mas mabuti pa yatang pasayahin ko na lang kayo sa pamamagitan ng pagkawala ko" ani ko bago pumikit at pakiramdaman ang hangin.
Nagsimula akong tumapak sa buhangin at iwanan ang sandalyas ko sa dalampasigan. Nakayapak akong humakbang patungo sa maalong dagat at tila ba sinasalubong ang malamig na hanging nagmumula rito.
Halos rumiin rin ang pagkakapikit ko nang maramdaman ko ang ampyas ng alon sa paa ko hanggang sa umabot iyon sa bewang ko, paakyat sa leeg ko. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang buhangin sa talampakan ko at kusa na lamang na umayon sa payapang tubig ng karagatan.
Agad na pinanawan ako ng kaluluwa nang maramdaman ko ang tubig-dagat na pumasok sa butas ng tenga ko at maging sa ilong ko.
Isang hawak sa bewang ang naramdaman ko bago nagdilim ang lahat.
"She needs to rest. Luckily, hindi ganon kadami ang tubig na pumasok sa baga nya kaya kahit papaano'y naagapan natin. As of now, let her rest for the meantime. I think she's exhausted lalo na't sinabi mo kanina na nakainom siya.." marami pang sinabi ang boses ng lalaki na iyon ngunit hindi ko na iyon nasundan nang magmulat ang mata ko sa isang di pamilyar na kwarto.
"Ate.." tawag ko sa babaeng nakatalikod sa gawi ko. Nakasuot ito ng kulay dilaw na shirt na tinernuhan ng isang faded jeans. Sa itsura pa lang ng sapatos nito ay tiyak kong may lakad siya.
Palibhasa'y teenager na.
Dahan dahan siyang lumingon sakin. Hindi gaya ng mga napapanaginipan ko nung mga nakaraan na malabo ang itsura nya, ngayon ay malinaw na sa paningin ko. Malinaw na sa paningin ko ang mukha ni Thalia. Bata pa lamang ngunit mababakas na ang pagkasopistikada.
Nabitiwan ko ang laruang hawak ko habang gulat na nakatitig sa batang Thalia. Umamba siyang lalapit habang ako naman ay abala sa pag atras.
"T-thalia.." hindi makapaniwala kong tugon na ikinangisi niya.
"Elise"
Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at agad na napaupo sa kama. Ramdam ko ang swero na nakakabit sa kamay ko. Maging ang malambot na tshirt at ang mga kobre kama na nasa gilid ko ay ramdam ko.
"Thalia.." saad ko pero ang kaninang naaalala kong mukha ng babae ay tila ba isang naupos na kandila. Lalong naglalaho at lumalabo sa tuwing pinipilit kong maalala.
Iginala ko ang paningin ko at gustong manlaki ng mga mata ko nang hindi ko mawari kung nasaang lugar nga ba ako ngayon. Tiyak kong hindi ito ospital dahil sa mga muwebles na nakapaligid sa kabuuang iyon.
Tiyak kong nasa isang kwarto ako ng hindi ko kilalang tao. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo pero agad rin akong natigilan nang bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaking pamilyar sa paningin ko.
"Ikaw?!" Gulat kong singhal na ikinangisi nya.
"Goodmorning princess" bati nya pero nanatili lamang na nakabusangot ang mukha ko.
Pamilyar siya dahil siya ang lalaking nagpanggap na fiancé ko sa bar upang hindi ako mapormahan at mabastos nung lalaking nakipagkilala sakin.
Hinayaan ko lamang siyang lumapit sa wireless phone at doon nagpatawag ng katulong at nurse upang may tumulong sakin.
"Anong ginagawa ko dito? Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong. Pinanood ko lamang siyang lumapit at umupo sa sofa'ng nasa gilid lamang ng upuan ko at doon prenteng umupo.
"Niligtas kita" aniya na nagpangiti sakin ng peke.
"Dapat ba akong magpasalamat sayo o sisihin ka na lang?" Bakas ang pait sa boses ko na hindi ko man lang napigilan.
"You don't need to do such things Miss. Hindi lang ikaw ang taong may problema sa mundo" iling nyang pangaral na nagpairap sakin.
"Wala kang pakialam dahil buhay ko ito--"
"Na ipinahiram lang sayo" dagdag nya dahilan upang mapatungo ako sa kinauupuan. "Don't waste your life because of stupidity. Maraming pang paraan. Hindi lang yan ang sagot sa problema mo" dagdag nya pa pero hindi ko na nagawang sumagot dahil nagpatuloy na sa pagpatak ang luha ko habang nananatili pa ring nakatungo.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo sa bedside table. Agad rin akong napatingala sa kanya nang iabot nya sakin ang isang tissue box. "Salamat" mahina kong tugon bago dinampot ang ibinigay nya.
Hindi na rin kami gaanong nakapag usap nang pumasok ang isang nurse at isang katulong na may dalang pagkain sa tray.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."
