Hindi ko na rin nasundan ang usapan nila dahil nauwi nanaman ako sa mahimbing na pagkakatulog.
Umaga na nang magising ako. Si Lolo ang kasama ko sa kwarto kaya naman bakas ang saya sa mukha nya nang makita nya na akong nakadilat. Di rin siya magkumahog sa pagtawag ng nurse.
Nung una ay ni-check muna nila ang vital signs ko. Kabi kabila ang tanong nila na karaniwan namang tinatanong sa mga pasyente sa twing magkakaroon ng minor injury sa ulo.
"Mabuti na lamang at nagising kayo. Apat na araw na po kayong natutulog at nakakabahala po talaga ang bagay na yon" nakangiting ani nung nurse na tinanguan ko na lang bago siya bumaling kay Lolo. "Tingin ko po ay hindi siya magkakaroon ng amnesia dahil katulad po nung sinabi ni Doc, hindi naman ganon kalala ang tinamo nya. Apat na araw lang ang tinulog nya dahil na rin siguro sa matinding panghihina" paliwanag nito habang nagsusulat sa chart.
"Thank you Nurse Shiera" ani ni Lolo kasabay ng matamis na ngiti.
"Limitahan lamang po ang paggalaw. I'll ask Doc Frontilla kung pwede nyong i-take ang medicines na ni-prescribed nya dahil baka maapektuhan nito ang baby nyo" dagdag pa niya na nagpabilis sa tibok ng puso ko.
'Baby? Buntis ako?' Gulat kong ani sa isip.
Paulit ulit na tumango ang nurse kay Lolo na ngayon ay gulat gulat pa ring nakatitig sa kanya.
Nang makalabas ang nurse ay doon lang bumaling sakin si Lolo.
"B-buntis ka apo?" Utal nyang ani na nagpatindig sa balahibo ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinaglalaruan ang mga daliri. May namumukol rin sa gitna ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak at magmakaawa sa kanila na hayaan na lamang ang pagbubuntis ko, na hayaan na lamang kami ng baby ko. Handa akong maging Ina kahit na walang suporta ng tatay. Kahit na hindi alam ni Coby ang pagdadalang tao ko.
Kita ko ang mga tingin nila. Ramdam ko ang tensyon habang nakatungong nakaupo sa hospital bed. Bagamat nakakunot ang noo nila ay di makakailang nagniningning rin ang mga mata nila.
"Anong sabi ng doctor?" Tanong ni Dad na nakabaling kay Mom na ngayon ay nakalabing nakatingin sakin. Namumula ang mga mata at kunot na kunot rin ang noo.
"Two weeks pregnant" ani ni Mommy bago kumawala ang ngiti sa labi nya. "H-hindi ko alam na magiging Lola na ako ngayong bumalik na ang Anak ko" nakangiti ngunit nangingiti nyang ani. Kita ko ang paglapit ni Daddy sa kanya at hinaplos ang braso nya ng may ngiti rin sa labi. "Kailangang malaman toh ni Mommy, Lee. Matutuwa siya sa balita" ani nya pa bago lumingon kay Lolo na ngayon ay may ngiti na rin sa labi.
"Masyado pa akong bata para magkaroon ng apo sa tuhod" halakhak ni Lolo na nagpangiti sakin ng tipid.
"Pero hindi ko alam na may nobyo ka" ani ni Dad dahilan upang sumilay pa rin ang mas malawak na ngiti ni Mommy.
"Hindi mo naman masisisi ang Anak mo Lee. Ang ganda ganda ni Thalia oh" ani nya kasabay ng pagpasada ng tingin sa kabuuan ko. Hindi ko rin mapigil ang paggalaw ng mga daliri ko dahil sa labis na kaba.
Alam ko kasing malapit na nilang tanungin ang katotohanan at tiyak kong hindi pa ako handa pa ron.
"Sino nga ba ang maswerteng lalaki na ito" ani ni Dad na may nagtatanong na tingin.
Dahan dahan akong napalunok dahil sa kaba. Nagsimula na ring manginig ang kalamnan ko dahil sa labis na nerbyos at takot.
"Anak. Answer us" malambing na ani ni Mommy bago hinaplos ng malambot nyang kamay ang pisngi kong ngayon ay may namumukol ng mga pawis.
"S-si.." utal kong ani bago pumikit at maglabas ng mabigat na hininga. Tila ba hindi rin nito nabawasan ang bigat sa loob ko at mas lalo lamang lumamang ang nerbiyos sa dibdib ko.
Agad ring naputol ang pagsasalita ko nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad si Mommy at Daddy--sa side ng Sarmiento.
Nag aalala ang mukha ni Sir Roger habang si Maam Myra naman ay walang reaksyong nakatitig sakin.
"Are you okay na ba?" Tanong ni Sir Roger bago hinaplos ang noo ko at hinawakan ako sa kamay. "Nag alala kami. Kung hindi pa madulas si Chessa ay hindi ko malalaman ang nangyari sayo" ani nya bago pasikretong tumitig ng matalim kay Dad.
Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay at mariin iyong pinisil upang mawala ang talim ng titig nya sa Daddy ko.
"I'm okay na po. You don't need to worry--"
"And nasa puder namin siya kaya hindi mo na kailangang mangamba pa" sabat ni Dad dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon namin. "Hindi lingid samin ang pangmamaltrato nyo sa Anak ko nung nasa puder nyo pa siya--"
"Bakit hindi ka na lang magpasalamat na kinupkop namin ang anak mo?" Singhal ni Ma'am Myra dahilan upang si Mommy naman ang sumagot sa kanya.
"Pero hindi pa rin sapat na dahilan yon para pagbuhatan nyo siya ng kamay--lalong lalo ka na"
"Hindi ko rin naman siya mapagbubuhatan ng kamay kung hindi siya napunta sa puder namin dahil pinabayaan niyo siya sa bahay ampunan--"
"So kasalanan namin?" Sigaw ni Mommy sa kanya sabay tulak sa balikat.
"Oo dahil pabaya kang Ina !" Sigaw naman ni Ma'am Myra dahilan upang magtulakan sila at halos magsabunutan na rin dahil sa tensyon.
Mukhang hindi pa matatapos ang away nila dahil nagsuntukan rin si Daddy at si Sir Roger.
Binalak kong tumayo at awatin sila pero agad rin akong natigilan nang bigla na lamang kumirot ang tiyan ko at tila ba may nabasang parte sa ilalim ko.
Agad ring nanginig ang kalamnan ko nang may nakita akong dugo sa bedsheet na nakatabing sakin.
"Mommy!!" Namimilipit kong sigaw dahilan upang matigil sila at gulat akong nilingon.
"Anak !!" Sigaw ni Mommy bago lumapit sakin. Si Daddy naman ay tumawag ng nurse sa labas.
"Ang sabi ng doktor ay kailangan mong magpahinga" pabuntong hininga ni Mommy bago ako sinubuan ng lugaw na nalipasan na ng init. "Kailangan mong magpalakas para sa baby mo, ngayong alam na nating maselan ang pagbubuntis mo sa apo ko" ani nya pa kasabay ng paghaplos sa noo ko.
"Mommy.." tawag ko dahilan upang nakangiti nya akong binalingan ng tingin. Prente nya ring inilapag ang bowl ng lugaw sa side table upang mapagtuunan lalo ng pansin ang sasabihin ko. "Nasaan si.." 'Coby' "Nasaan si A-aubrey?" Bahagya pang nanginig ang boses ko dahil sa pagbanggit sa kanya.
Hinaplos nya pa muna ang noo ko bago ako muling pinasadahan ng tingin. "Talaga bang kumportable ka na sa pangalan mo?" Pabuntong hininga nyang ani ngunit hindi ko na sinagot. Dahan dahan naman nyang tinanggal ang kamay nya na nanatili sa noo ko at nakangiting umayos sa pagkakaupo. "Maybe she's out of nowhere. Kasama si Coby I think" nangingiti nyang sambit na nagpakabog sa dibdib ko.
Dahan dahan kong ibinagsak ang kamay ko sa gilid bago nagbaba ng tingin.
BINABASA MO ANG
DISTANT (Love Series 2)
Romance"No matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse."